Hindi na maalis sa isipan ko ang nakasaad sa sulat ni Corrine. Habang tumatagal ay mas lalo bumubuhay ang kuryusidad sa aking sistema. Mas lalo gumugulo ang isipan ko. Pero ang pinakatanong ko ay ano ang kinalaman niya sa mga Hochengco? Hindi ko man siya nakakausap ay dama ko sa pamamagitan ng sulat niya ang takot at lungkot. Ano ang meron sa nakaraan at bakit gusto niya ako lumayo sa pamilyang ito? Ano ang pinakadahilan?Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga habang paakyat ako ng hagdan. Babalik na ako ng kuwarto nang biglang sumulpot si Nilus sa harap ko na dahilan upang napasinghap ako. Mabuti nalang ay nakahawak ako sa railings ng hadgan kaya hindi ako nahulog. Tulad ko ay nagulat din siya nang makita niya ako.
"Nilus. . ." mahinang tawag ko sa kaniya. Kasabay na mas itinago ko pa ang papel sa likuran ko. Ipinapanalangin ko na sana ay hindi niya napansin 'yon.
"What are you doing here?" nagtataka niyang tanong sa akin habang sinusuri niya ako. "I thought you're already sleeping."
Ibinuka ko nang bahagya ang aking bibig. Pinapagana ko ang aking utak para makaisip nang mas makapaniwala na palusot. Ayokong matunugan niya kung ano talaga ang dahilan kung bakit nasa labas pa ako. Nagtama ang mga tingin namin. Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya.
"Ano kasi. . . Gusto ko muna maglakad-lakad habang nagpapahangin. . . Bago ako matutulog. I. . . I need to reflect some things so. . ."
Dahan-dahan siyang tumango, na para bang naiitindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. "I see." then he give me his sweetest smile. "If that so, you need to tell that to me so I can give you some of my company."
Agad akong umiling. Dumapo ang tingin ko sa kaniyang sapatos. Lumunok ako saka muli nagsalita. "No, I'm fine. Minsan talaga. . . Gusto kong mapag-isa. To realize something." I released a small sighs. Ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. "Anyway, matutulog na talaga ako." kumilos na ako saka nilagpasan ko na siya pero natigilan ako nang ramdam ko na pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking braso. Nagtataka kong bumaling sa akin.
"Goodnight, affinity." may halong lambing niyang sambit.
Pilit akong ngumiti. "G-goodnight." marahan kong nabawi ang aking kamay saka tuluyan ko na siyang nilagpasan. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kaniya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil unti-unti na akong ginapangan ng guilty dahil sa pagsisinungaling ko kanina. Ayoko man gawin 'yon dahil malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil pinatuloy niya muna ako dito sa Mansion pero hindi ko rin maiwasang mabahala.
Hanggang sa nakarating na ako mismong guest room na ipinahiram nila sa akin. Agad ko ni-lock ang pinto at sumandal doon. Napasapo ako sa aking dibdib. Ibinuka ko nang kaunti ang aking bibig saka kumawala ang malalalim na buntong-hininga.
Ilang saglit pa ay muli kong tiningnan ang maliit na papel na nakuha ko kanina. Dumadausdos ang likod ko sa pinto hanggang sa napaupo ako sa sahig dahil medyo nakaramdam ako ng panghihina. Hindi maitago ang kalituhan, kaba at takot sa aking sistema sa mga oras na ito. Unti-unti kong niyakap ang mga binti ko saka isinandal ko ang noo ko sa aking mga tuhod.
Pero ang mas nagtawag ng aking pansin ang nakasulat.
Don't let them know your existence!
Sa anong dahilan kung bakit hindi nila maaaring malaman tungkol sa presensya ko?
Marahan akong pumikit. Isinandal ko ang aking noo sa aking mga tuhod.
"Sino ka ba talaga, Corrine? Anong koneksyon mo sa mga Hochengco at bakit ganito ang ipinapakita mo? Bakit sagad ang pagbabala mo sa akin? Why you're protecting me so hard?" mahina kong tanong kahit alam kong hinding-hindi niya ito masasagot ora mismo.
BINABASA MO ANG
Perfect Storm | Completed | R18+
RomantizmHOT & NASTY NIGHTS SERIES 6: Noon pa man ay mainit na ang dugo ni Janella sa heredero ng lupaing sinasaka ng kaniyang pamilya. Mayabang, alaskador--at kung tratuhin siya ay parang pagmamay-ari siya nito. Sa unang pagkakita palang ni Nilus kay Jane...