Kabanata 2

37 14 8
                                    

Maaga ulit ako nagising dahil panibagong laban na naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga ulit ako nagising dahil panibagong laban na naman. Sabay na kami ni Keriza pumasok ngayon dahil mag-kapitbahay naman kami. "Panibagong araw, panibagong sabak na naman tayo," Keriza blurted and I just laughed dahil totoo naman. Panibago sabak na naman kami sa mga professor. "Kung puwede lang huwag ng mag-college ginawa ko na," I said. "Kaya lang hindi puwede," malungkot na tugon ni Keriza dahil alam kong pagod din siya sa trabaho namin gaya ko scholar lang din siya sa M.U kaya naman gusto namin mag-pursigi sa pag-aaral.

"Kaya natin 'to Kez, makakasurvive tayo!" I cheered her. "Fighting!" we both said. She taking the course of BSBA major in Financial Management. Ewan ko bakit teacher ang napili ko. Simple lang gusto ko. Maturuan ang mga bata at matulungan din ang mga kapatid ko. Si Cindy magsisimula ng mag-aral si Theo ilang taon na lang ay mag-aaral na din he was now 6 months old. Sana may trabaho na ako kapag nagsimula na si Theo. Hindi din naman kasi namin alam na masusundan ako ni Cindy malaki ang gap naming dalawa ni Cindy lalo na si Theo.

Habang naglalakad kami ni Kez ay bigla akong sinalubong ni Larisa. "Ace! Kanina pa kita hinihintay may chika kami sa'yo!" she yelled at me bigla siyang napatingin sa kasama ko. "Sino siya?" she added. "Ah kababata ko, si Keriza. Kez sila mga kaklase ko," pagpapakilala ko sa kanila. Nagpakilala naman si Larisa at Zaynab kay Kez. "Hoy pero hindi ito ang pakay ko kailangan mo 'tong malaman," she said at hinarap niya sa'kin ang cellphone niya.

"Linderio Kryz Santos the heir of the Santos Real Estate Company are now engaged with the heir of Tomas Industrial Corp Annalise Tomas" the top header of the new post it. "Oh engage naman na pala sila bakit ako ginagambala ng lalaking 'yon?" I hissed. "Hindi ka nahu-hurt 'te?" makabuluhang sambit ni Larisa agad ko naman siyang binatukan. "Aber hindi 'no mas masaya pa nga ako dahil sa nalaman ko at sana huwag niya na ako guluhin 'no mas magiging payapa ako dito sa school na 'to, saka anong na-huhurt? Hindi ko naman iyan gusto, mandiri ka nga sa sinasabi mo diyan," I stated. "Weh 'di nga?" singit ni Kez. Ito na naman sila aasarin na naman ako, ano ba mayroon diyan sa Linderio na iyan at inaasar nila ako doon? "Isa ka pa Kez ginagatungan mo saka kakikilala ko lang do'n sa lalaking 'yon 'tapos ganito gagawin niyo sa'kin," I objected. "Sorry na, sige hindi na kita aasarin," she promised but hindi ako naniniwala malakas tama nito sa utak eh. "Ewan ko sa'yo," I argued.

Hindi ko na mabasa mga isip ng mga 'to dahil hindi ko alam sa'n sila kumukuha ng lakas para asarin nila ako sa lalaking 'yon. "Pero sa tingin ko hindi interesado si Pres. Lind kay Annalise dahil tignan mo hindi ko sila nakikitang magkasama kahit kahapon," bulalas ni Larisa. Totoo naman kahit ako hindi 'ko alam bakit hindi sila magkasama gayong engage naman na pala sila. Hindi ko din alam bakit ako ang ginugulo no'n bakit hindi na lang si Annalise. Pala-isipan sa'kin 'yon baka fixed marriage ang mangyayare sa kanila.

Gano'n kasi ang napapanood ka sa mga teleserye ipapakasal nila ang anak nila sa hindi naman mahal ng anak nila. Ngayon lang ako kung makakakita ng gano'n kung sakali ngang gano'n ang nangyayare between Linderio at Annalise.

"Lutang ka ata kasi kanina pa kami kuda ng kuda dito hindi ka man kumikibo," sambit ni Zaynab. "Ah. Sorry may iniisip lang," I said. "Baka iniisip niya si President Linderio omg!" kinikilig na untag ni Larisa. "Kung ano-ano ang iniisip niyo tara na nga malalate na tayo," naiirita kong sambit sa kanila dahil inaasar na naman nila ako sa lalaking 'yon. Trip na trip nila kami unang araw pa lang. Alam naman nilang engaged ang tao sa leader ng mga bubuyog.

Just Youth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon