Kabanata 21

32 3 0
                                    

The next day, maaga akong nagising. Makirot pa din naman ang likod ko pero kailangan ko ng pumasok dahil may hahabulin akong requirements sa school. May binigay naman sa akin mga gamot para sa pagkirot ng sugat ko.

Susunduin naman ako ni Rio. Gumayak na din ako. Pagkatapos kong gumayak, naka-receive ako ng morning greet mula sa kaniya. Gumagayak na din daw siya. Sabi ko huwag siyang magmadali dahil maaga lang talaga ako nagising.

Balita ko din na si Maia at Joella ay nakabalik na ng school ngunit wala pa din naman akong paki-elam sa kaniya dahil hindi naman sila ang priority ko, they are just wasting their time on me. Wala naman talaga sila mapapala sa'kin.

Bumaba na ako papuntang kusina upang kumain ng breakfast. "Good Morning Mama," I greet her while she was busy on preparing our breakfast meal. Maya-maya lang ay bumaba na si Cindy at nakabihis na din ito.

"Good Morning Mama and Ate!" maligalig na sambit ni Cindy. Nginitian ko na lang siya. "Good Morning baby," I greet her back. Kahit naman maldita 'to minsan, mahal ko naman siya. "Sigurado ka bang papasok ka na?" nag-aalalang sambit ni Mama. "Opo Ma, kailangan ko na po kasing humabol sa mga requirements sa school, ang dami ko na pong tambak na activities," paliwanag ko. "Mag-iingat ka Anak, hindi pa rin talaga ako kampante pero alam ko naman nandiyan si Rio para gabayan ka," she said.

"Opo Mama," umupo na ako at nagsimula ng kumain ng breakfast. "Sabay ba ulit kayo ni Linderio este ni Rio?" She asked. I nod. "Mabuti naman kung ganoon, kampante ako na may magbabantay sa'yo," she said.

Alam kong nag-aalala siya, lahat naman ay nag-aalala ngayon para sa kaligtasan ko pero kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ko kayang makita sila Mama nag-aalala lang para sa sarili ko. I want to sure them that it was fine...it was okay...

After a while natapos na din ako mag-breakfast kaya naman nag-toothbrush na ako. Hinintay ko lang mag-chat si Rio sa'kin. Maya-maya lang din ay nag-chat na siya sa'kin na nandito na siya kaya naman nagpa-alam na ako kay Mama na nandito na si Rio.

I prefer to call him Kryz or Rio ewan ko ba...ayoko lang ng Linderio, sinanay na din naman niya na ako na ganoon ang itawag ko sa kaniya.

Nakita ko naman siya nung pagbaba ko sa main building. "Good Morning," he greeted and kiss my forehead. Kung dati sweet na siya. Double sweetness siya ngayon, iba pala talaga mag-mahal ang isang Linderio Kryz Santos, natatakot din at the same point dahil baka sa sobrang sanay mo na sa mga ganito baka biglang maglaho, iyon ang hindi ko maiwasan makaramdam ng takot.

I hate it when I'm overthinking about this. "Good Morning din," I greet him back. Pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse. "Mukhang maganda ang mood mo ah?" I teased him, dahil kanina pa siya naka-ngiti habang nag-dadrive.

"Hindi naman but hindi ko lang maiwasan maisip na kung hindi kaya tayo nagkabungguan no'ng first day, hindi kaya kita makilala?" he asked. "Baka hindi?" I said. "But luckily we met, I met an amazing girl," he smiled while his eyes was still on the road. "Yeah same, I met an ass boyfriend," I joked. "Nice joke," bad-mood na sambit niya.

Natawa naman ako. "Binastos mo kaya ako no'n," singhal ko. "Yeah I remember that huwag mo na ipa-alala kahihiyan ko, presidente pa man din ako ganoon ang naging trato ko sa'yo. Alam mo bang na-love at first sight ako sa'yo no'n pero hindi, matagal na talaga kitang gusto, doon palang sa brake‘s coffee,"  he said.

I was surprised, hindi ko naman alam na magugustuhan niya ang isang tulad ko like hindi ako nababagay sa mundo niya but look at us now, we are crazy in-love with each other. Hindi ko alam na mangyayari.

Destiny really binds us to be together. I love unexpected surprises, hindi ko alam na hahantong kami sa ganito...magiging masaya...gusto ko pang lubusan makilala si Rio. Kung ano ba talaga ang pagkatao niya.

Just Youth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon