Kabanata 34

16 3 0
                                    

—Keriza's Wedding Day—

Today was Keriza's and Lazarus' wedding day. Hindi ko aakalain na aabot ang lahat sa ganito. Masaya ako dahil nakikita ko na masaya ang kaibigan ko. "Kabado ako," Keriza said habang inaayusan siya. Tapos na kasi kaming ayusan kaya naman siya na ang hinuli. "Don't be, sa una lang naman 'yan Kez. Promise masaya din 'yan sa huli," I said. "Mukhang expert ka sa ganito," alam kong aasarin na naman niya ako.

"Alam mo? Pinapagaan ko na nga lang ang loob niyo, gaganiyanin mo pa 'ko," I hissed. Natawa naman siya. "Wala pa din ba? Hindi mo pa din alam up until now kung nililigawan ka niya or hindi? Iba na kasi ang mga gesture niya sa'yo, 'tapos wala ka pa din ka-muwang muwang. Tanga ka ba?" she asked. "Alam mo ulit? Nahihirapan sa'yo 'yung make up artist. Alis na muna ako. Puntahan ko lang sila Lariza," I said.

Lumabas na ako ng hindi sila hinihintay ang sasabihin niya dahil aasarin niya lang din ako gaya nila Lariza.

Hindi ko din alam kung ano mga ginagawa sa'kin ni Linderio, he always giving me foods, roses and minsan ay hinahatid at sinusundo na din niya ako hindi ko alam kung nililigawan ba niya ako or hindi. Nahihiya rin naman ako itanong sa kaniya iyon.

His simple gesture on me makes my heart float in the air. Hindi ko alam kung para saan iyon ang mga ginagawa niya sa'kin. Sobra na din kasi ang mga nagawa niya sa'kin na dapat hindi na din niya ginagawa kung hindi rin naman niya ako nililigawan.

"Hindi pa ba tapos ayusan si Buntis?" Lariza asked. "Malapit na," I said. "Ang tagal naman niyang ayusan," natatawang sambit ni Maia. Lahat din kasi ng mga naka-close niya ay invited. It was a simple beach wedding. Nandito kami ngayon sa pangasinan. Maganda din kasi ang mga beach dito. "Let's just wait na lang, malapit naman na," I said.

Bukas pa ang uwi namin except sa pamilya nila Kez at Laz madami pa daw kasi silang gagawin kaya kami kami lang din ang maiiwan. Ang groomsmen ay si Rowan, pinsan siya ni Lazarus. Hindi ko naman siya kilala pa na gaano. Nandito din sila Caspian at Linderio. All of our friends nandito sa espes'yal na araw ni Kez at Laz.

Maya-maya lang din ay nagsimula na ang seremon'ya. Ang ganda talaga ng kaibigan ko kaya ganoon na lang din nainlove si Lazarus sa kaniya. Infairness walang panget sa amin magkakaibigan. Natawa kami ng biglang nagbiro si Laz sa exchanging of vows nila. But may iyakan part din kasi marami rin silang napag-daanan noon.

Who knows na sila din pala talaga ang para sa isa't isa, tadhana na mismo ang nagtakda para sa kanila. Madami man nangyari...madami man pagsubok ang dumaan sa kanila, sa huli ay mas lalo pa silang pagtitibayin ng Diyos. Mas lalo pa silang magiging matatag para sa future baby nila ngayon. Isang buwan na din kasi ang tiyan ni Keriza ngunit hindi pa naman gaanong ka-umbok ang iyon.

"May I pronounce you husband and wife, you may now kiss the bride," The Priest announced. Lahat kami ay masaya para sa kanila. Tumili pa kami ng halikan ni Laz si Kez. Nagpalakpakan naman ang lahat.

After a while. Nag-decide na magpicture taking muna. Siyempre ako muna mauuna kasi ako naging tulay kung bakit naging sila noong college. "I'm so happy for you Sisterakas," I smiled at her. "Sunod na din kayo ni Linderio," singit na pang-aasar ni Lazarus. "Lubayan niyo nga kami, hindi naman kami," I hissed.

Umalis na ako dahil alam kong aasarin na naman nila akong dalawa. Kahit saan ako lumugar, aasarin at aasarin pa din nila kaming dalawa. Sanay naman na ako asarin nila kaming dalawa, but hindi sa ganitong ma-tao na lugar. Nakakahiya kaya lalo na kung aasarin nila akong namumula ang mukha.

We took so many pictures na din para remembrance. "Paano ba 'yan, kayo na Zy ang susunod," Caspian said. "Yeah, next month," Aurelius laughed. Ang dating aso't pusa ngayon ay magiging mag-asawa na din in the end. Parang kami lang din iyan ni Linderio but hindi kami nag-katuluyan in the end. Saklaugh.

Just Youth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon