Andito kami ngayon sa dorm kasama ko ang isa sa mga kaibigan ko at roommate ko din. Nandito kami ngayon para magpahinga kase vacant namin at nag rereview na din para sa quiz mamaya na in-anounce bago magtapos ang huli naming klase. Inaaya din ako ni Cathie na makipagkita sa kanya, ung naka date ko noong isang araw.
Well, maganda naman sya. But still, I'm not feeling any of what I'm expecting to feel when in love. Katatapos ko lang magreview para sa quiz mamaya at ngayon, habang nakaupo sa desk ay pinag iisipan ko kung papayag ba 'ko na makipagkita, nagtext kase sya ngayon lang, tinatanong kung pede daw kami magmeet. Nagdadalawang isip pa ako. Naks. Marunong pala ako non? nyahahahaha.
Naputol lang ang pag iisip ko ng biglang tabigin ni Keith ang baso ng orange juice na iniinom ko. Pucha! Kumalat tuloy ito sa uniform ko. Agad ko syang sinamaan ng tingin.
"Pucha! Ano ba, Keith? May problema ka ba sakin ha?" asik ko at agad na lumapit upang hawakan sya sa kwelyo at hinila palapit sakin.
At ang gago, humalakhak pa habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Easy lang, Alexander Jace Sy hahahaha kanina ka pa kasi tulala e, ano bang iniisip mo?"Muntik ko nang makalimutang kaibigan ko nga pala sya, bwiset kase e alam na nag iintro biglang mantatabig, napakasama ng ugali! Maya maya lang masasapak ko na sya e! Buti na lang naalala kong kaibigan ko tong gagong 'to. Padarag ko syang binitawan pero humahalakhak pa rin sya natatawa sa itsura kong basang basa. Tawang tawa ang gago. Sarap sapakin e!
"Wala ka na dun! Tch! Tingnan mo nga ginawa mo sa damit ko!" Ito na lang ang nag iisang uniform ko dahil nilabhan ko ung iba. At meron kaming quiz maya maya lang sa isang subject! Hindi ako pwedeng pumasok ng ganito!
"Edi mag t-shirt ka na lang." kampanteng sagot nya nang hindi ako tinatapunan ng tingin at nakatuon lang ang paningin sa nilalaro sa selpon. 'Langya, hindi ako mag ti-t-shirt! Hinubad ko ang uniform na suot ko at ibinato iyon kay Keith.
"What the-- ano ba?!" reklamo nya ng tumama iyon sa mukha nya at natigilan pa ng dumapo ang paningin sa'kin. Napalunok pa sya at nag iwas ng tingin. Anong problema nito?
Napangisi na lang ako. "Maliligo lang ako."
"Bakit?" tanong nya nang ang atensyon ay nasa selpon pa din. Naglakad naman na ako papasok sa cr habang nakasabit ang towel sa batok ko. Anlagkit sa katawan kaya maliligo ako. May oras pa naman.
"Anlagkit kaya, gago!" muli na naman syang natawa.
"Bakit kasalanan ko? Eh hindi naman ako ang nagtabig ahh!" parang bata nyang reklamo. Napa-pout pa, nagmukha lang syang pato.
"Anong hindi ikaw?!"
"Ung kamay ko 'yon, hindi ako!" nakapout pa din nyang tugon.
"Tch!" tanging yan na lang ang nasabi ko dahil sa kakulitan nya. Minsan talaga may pagkaisip bata 'yang si Keith kaya nasanay na'ko. Pumasok na 'ko sa cr at naligo. Pagkatapos magpatuyo ng buhok ay itinapis ko sa katawan ko ang tuwalya at lumabas na. Nadatnan kong n'andun pa din sya at nag fe-facebook na. Natapos na ata ang nilalaro. Dumiretso ako sa closet nya at binuksan iyon. Tutal kasalanan nya ang nangyari sa uniform ko, hihiramin ko na lang ang uniform nya whahahaha! Halos magkaparehas lang ang katawan namin kaya alam kong kasya sa'kin ang uniform nya. Kumuha ako ng isang pares nang bigla syang magsalita.
"Hoy anong ginagawa mo?" pagpuna nya.
Isinuot ko na ang uniform nya, medyo sikip pala sa'kin ng kaunti pero ayos na 'to! "Obvious ba?"
"Bat mo isinusuot ang uniform ko eh akin yan?" saad nya ng nakatingala lang sakin kase nakaupo pa din sya at nakatayo ako, abala sa pagbubutones.
"Pahiram."