Chapter 1

132 7 0
                                    

          NATIGILAN si Adrian at Justin sa narinig mula sa kanya. Tila hindi alam kung itatanggi o ikukumpirma ang sinabi niya. Napatungo siya saka natawa at napailing.

"Bakit kayo natulala diyan?" tanong pa ni Raven, saka muling tumingin sa mga kaibigan.

Nagtinginan ang dalawa.

"Tama ako, di ba? I am an Angel. Just like Rainer."

Bumuntong-hininga si Justin.

"Hindi mo pa dapat kami tinatanong ng ganito," ani Adrian.

"Sorry, am I a spoiler?" natatawa pang tanong niya.

"Wala ng dahilan para mag-deny kayo. Akala n'yo ba hindi ko alam ang nangyayari kay Rainer? I saw it in my own eyes. Lahat ng nangyayari sa kanya bago siya maging anghel. The vision, the light coming out from his body, ang panghihina at paninikip ng dibdib. Lahat ng iyon ay nangyayari sa akin, idagdag pa natin ang mga kaya kong gawin na alam natin hindi normal sa isang ordinaryong tao. Don't try to fool me, Justin. I know what I saw, and all I want is to know the truth."

"Fine!" mabilis na sagot nito.

"Justin!" saway ni Adrian.

"Wala ng point para itanggi natin. He knows."

"Okay," sagot ng una at hindi na nakipagtalo pa.

"Yes, you are an angel. Gaya namin," sagot ni Justin.

At sa isang iglap, sa kanyang mismong harapan ay nagpalit ito ng anyo at naging isang anghel. Nakasuot ito ng kulay puti na damit na gaya ng mga sinaunang sundalong Romano at kay tayog at napakaputi at liwanag ng mga pakpak nito.

Narinig na ni Raven ang nais, inaasahan na rin naman niya iyon. Pero ng makita kung paano maging anghel ang kaibigan. Kumabog ng husto ang kanyang

dibdib, kasabay ng kaunting takot na naramdaman niya. Ilang sandali pa ay naging anghel din si Adrian. Kanina ay puno pa siya ng kompiyansa ng komprantahin ang mga kaibigan, ngayon ay tila wala siyang masabi kahit isang salita at napatulala na lamang.

"Paano... paano... nangyari 'yon?" nauutal na tanong niya.

Hindi sumagot ang mga ito at nanatiling nakatingin sa kanya.

"Bakit wala akong maalala sa nakaraan ko? Pati ba mga magulang ko anghel din? Nasaan sila?" nalilitong tanong ulit ng binata.

"Pasensiya na, Raven. Pero iyan ang hindi namin maaaring sagutin sa ngayon. Sa tamang panahon, lahat ng tanong mo ay masasagot," sagot ni Justin.

Bago pa muling makapagsalita si Raven ay bigla na lang naglaho ang dalawa. Napasalampak siya ng upo sa sofa, matagal na niyang gustong masagot ang lahat ng tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Bakit siya may kapangyarihan? Bakit iba siya sa lahat? Sino ba talaga siya at ano ba ang mayroon sa nakaraan niya?

Ang buong akala niya ay mapapanatag na siya matapos magkaroon ng linaw ang lahat, pero sa halip, tila mas marami pa siyang gustong malaman. Napapikit siya at sinandal ang likod ng ulo sa backrest ng sofa, pagkatapos ay tumingin siya sa kulay puti na kisame.

"Think, Raven. Think, baka sakaling may maalala ka."

Pero kahit na anong pilit ay wala siyang maalala mula sa nakaraan niya. Raven sighed out of frustration.

Labing-apat na taon na ang nakakalipas simula ng matagpuan si Raven ng mga kinilalang mga magulang sa daan at walang malay. Ang naalala niya, takot na takot siya ng magising. Pero hindi siya iniwan ng parents niya. Inalagaan at kinupkop siya ng mga ito at tinanggap bilang parte ng pamilya, and they named him Raven.

Heaven's Warriors Series 4: An Angel's ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon