NAKATITIG si Haley sa folder na hawak niya. Ang laman niyon ay mga music sheets. Mga kanta na siya mismo ang gumawa. And it's been ages since she last composed a song. Pagsakay ng taxi ay tinext niya si Nami para sabihin na papunta na siya sa Chef's Face. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kahapon. Napapikit si Haley at naisandal ang likod ng ulo sa backrest ng inuupuan. Doon siya dinala ng pagkakataon, matapos matanggap ang tawag ni Nami at sinabi na may nahanap na itong trabaho para sa kanya.
Nine years ago, seventeen years old siya ng mga panahon na iyon ng mangyari ang isang malaking aksidente na hanggang ngayon ay malaking hiwaga pa rin sa kanya. Dahil doon ay nawala ang nakakatandang kapatid niyang si Amy. Bago ang aksidente ay magkasama silang umalis. Siya ang nagmamaneho ng kotse at ito naman sa passenger's seat. Noong magising siya, ang sabi na lang ng pinsan na si Rinalyn ay wala sa kotse ang kapatid at mag-isa siyang na-recover sa loob. Simula noon, hindi na niya nakita si Amy. Nang gumaling at makalabas siya ng ospital ay kinupkop na si Haley ng tiyahin.
Nang magising siya mula sa pagkaka-comatose ng apat na buwan. She started seeing visions and premonitions. Noong una, inakala ng dalaga na isang ordinaryong panaginip lang iyon. Hanggang sa nangyari iyon ng may hinawakan siyang isang tao at gising na gising na siya. Nang kalaunan, nagkatotoo ang nakita ni Haley sa pangitain niya.
Sinubukan ni Haley na tulungan ang mga taong nakikitaan niya ng masamang pangitain. Walang naniwala sa kanya at tinawag siyang baliw. Ngunit ng magkatotoo ang sinabi niya, maraming nagalit sa kanya, tinawag siyang may sapi o may sa-demonyo, may iba pang tinawag siyang salot. Naranasan ni Haley na batuhin ng kung anu-ano kapag tahimik siyang naglalakad. O kaya naman ay may bumabato ng bahay nila, isang bagay na labis na kinagalit ng Tiyahin niya.
And before she knew what was happening, nakita na lang niya ang sarili na nakabalot ng straitjacket at parang baliw na nilagak sa mental hospital. Sa gitna ng labis na takot sa lahat ng nangyari sa buhay ni Haley, isa lang ang kinapitan niya na siyang nagbigay sa kanya ng tapang, lakas at pag-asa na matatapos din ang lahat ng iyon. Ang Diyos. Ang lahat ng pangyayaring iyon ang mas naglapit sa kanya sa Panginoon.
Sa tulong ni Rinalyn at ng bestfriend nito, naghanap siya ng trabaho at nagsipag ng husto. She always wears gloves since then, kapag hindi dumidikit ang balat niya sa taong nahahawakan ay wala siyang nakikitang pangitain. Kaya kahit weird ang tingin sa kanya ng iba, mas mabuti na iyon kaysa pagkamalan siyang baliw ulit. Hanggang sa may isang mabuti at regular niyang customer na matandang babae sa restaurant na pinapasukan ang tumulong sa kanya. Pinag-aral siya nito kapalit ng pamamasukan niya sa matanda. Malapit lang kasi ang bahay nito doon sa tinutuluyan niya. Biyuda ito at walang mga anak, nanatili siya sa poder nito hanggang sa bawian ito ng buhay.
Ngunit dahil sa naging record niya sa mental hospital. Nahirapan maghanap ng trabaho si Haley. Walang kompanya ang gustong magbigay sa kanya ng trabaho. Hanggang sa nakilala niya si Harry, hindi sinasadya na nahawakan niya ang kamay nito ng hindi suot ang gloves. Nakita ni Haley ang isang masamang pangitain nito, isa ito sa mapapatay sa isang bank robbery at isa si Harry sa mga nasa loob ng bangko. Sinabi niya iyon sa lalaki bago umalis matapos ang interview niya. And the next thing happened, nakatanggap na lang siya ng tawag na tanggap na daw siya ng trabaho.
"Ma'am, nandito na po tayo," untag sa kanya ng taxi driver.
Matapos magbayad ay agad siyang bumaba. Pagpasok sa loob ay sinalubong siya ni Nami at dumiretso sila sa isang opisina. Natigilan si Nami ng makilala ang may-ari ng restaurant.
"Siya ang anghel na nakita ko sa pangitain ko. Hindi ako maaaring magkamali, siya nga iyon!"
"Hello Haley, I'm Adrian," pagpapakilala nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
Heaven's Warriors Series 4: An Angel's Reflection
Fantasía"The moment I held you in arms, that's when I know I am already home." Teaser: Bilang isang researcher ng isang Paranormal-Mystery Documentary program sa isang cable channel. Haley have already witness a lot of unusual things. Multo, White Lady, UF...