Chapter 8

68 10 1
                                    

          THE NIGHT clouds. Noong bata pa si Haley, sa tuwing nalulungkot siya, hindi niya nakakalimutan na ang kuwento ng Papa niya tungkol sa mga anghel at mga ulap. Ngayon na na-kumpirma na niya na totoo ang cctv footage na hawak nila, at nakumpirma na rin niya na si Nami ang babae doon sa video. She suddenly wants to talk to Adrian and ask him something.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, kanina ka pa nakatayo diyan. Hindi ba sumasakit paa mo?" puna sa kanya ni Raven.

Lumingon siya dito ng tumayo ito sa kanyang tabi.

"Hindi naman. Okay lang ako."

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik."

"May iniisip lang."

"Like?"

Nilapat ni Haley ang kamay sa salamin.

"Dati, palaging may kinukwento si Papa sa akin noong buhay pa siya. Ang sabi niya, ang mga anghel daw, laging nakaupo sa ulap at nakatanaw sa ibaba para bantayan ang mga tao. Kapag nabo-bored na, titingala lang at makikita na nila ang mga milyon-milyon bituin sa langit na tanging sila lang ang nakakakita. I wonder if it's true," aniya.

"Well, ang alam ko, at sigurado ako, angels are everywhere. They are God's soldiers and human protectors against evil. Hindi lang sila nasa ulap, nasa paligid lang natin sila."

Napangiti siya matapos makita ang pangitain ng hawakan si Nami.

"Right," sagot niya, saka muling binalik ang tingin sa madilim na kalangitan.

Ngunit ang sunod na kilos ni Raven ang hindi niya napaghandaan. Bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya, noon lang naalala ng dalaga na hindi pala niya naibalik ang gloves kanina. Mabilis na umahon ang takot sa kanyang dibdib.

"Raven, let me go," aniya.

"I heard everything, Haley. Ang lahat ng kinuwento mo kay Ate Nami, narinig ko ang lahat ng iyon, at ang dahilan kung bakit lagi kang nakasuot ng gloves."

Pilit niyang binawi ang kamay mula dito. Ngunit hindi siya nanalo sa lakas ng binata, nagawa siya nitong hilahin palapit at yumapos ang isang braso sa kanyang beywang.

"Natatakot ka ba na may makitang pangitain kaya hindi mo hinuhubad ang gloves mo?"

"Ayoko ng magdala ulit ng kapahamakan sa iba. Sa inyong lahat. Gusto ko lang na matahimik," sagot niya, sabay agos ng luha sa kanyang pisngi.

"Hold me, don't be scared. Then, tell me, kung may makikita ka." 

"Ayoko!"

"I said, hold me!"

Sinunod niya ang sinabi nito. Hinawakan ni Haley ang kamay nito, ngunit lumipas ang ilang sandali ay wala pa rin siyang nakikitang pangitain.

"Ano? May nakita ka?"

Marahan siyang umiling.

"See? Minsan wala kang dapat ikatakot dahil wala naman mangyayari. Don't be scared, stop hiding to the world. Kung mangyari man ang mga nakita mo sa pangitain, iyon ay dahil iyon ang nakatakdang mangyari. You've done your part when you tried to warn those people, pero hindi sila nakinig. Wala kang kasalanan, dahil iyon ang tinakda."

Lalo siyang naiyak sa sinabi ng binata. Bumitaw ito sa kanya saka kinulong sa mga palad nito ang mukha niya.

"Hey, listen. Wala kang kasalanan sa nangyari. It happened because it was meant to happen. Hindi lang nila naiinitindihan ang kakayahan mo."

"Ayoko nito, Raven. Gusto kong maalis ito, pero hindi ko alam kung paano."

Kinulong siya ng binata sa isang mahigpit na yakap. Naramdaman niya ang marahan paghagod nito sa likod niya. Pumikit si Haley at sinandal ang ulo sa malapad na dibdib nito.

"Don't let me go, please. Just let me stay in your arms for a while, kahit ngayon lang," bulong niya sa kanyang isip, kasunod niyon ay humigpit ang yakap nito.



"TALAGA?!" gulat na bulalas ng kaibigan niyang si Esphie, habang magkausap sila via video call.

"Oo, sinabi niya mismo sa akin."

"Na-record mo ba?"

Hinawakan ni Haley ang phone niya. "Yup, nandito."

Biglang bumigat ang dibdib niya at tila inuusig siya ng sariling konsensiya. Sa tagal niya sa trabaho bilang isang researcher, hindi iyon ang unang beses na nag-undercover siya para lang makakuha ng isang lehitimong impormasyon. Pero iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niya na parang may hindi tama sa ginagawa niya.

"Bakit hindi mo pa ini-email kay Boss Harry?"

"Saka na," sagot niya.

Nakita ni Haley sa monitor ng kumunot ang noo ng kaibigan.

"Bakit naman? Naghihintay na kaya si Boss ng update mo."

"Uhm... basta sabihin mo may nakuha na akong information pero hindi ko pa puwedeng ilabas dahil nag-iingat ako at baka mahuli ako."

Nagtaka si Haley ng hindi kumibo si Esphie.

"Huy, ano? Hindi ka na nagsalita diyan!"

Nilapit ng kaibigan ang mukha sa monitor na parang pinag-aaralan ang bawat parte ng mukha niya.

"Aminin mo nga sa akin, napapalapit ka na ba sa mga tao diyan?"

"Basta! Sundin mo na lang muna ako," sa halip ay sagot niya.

"Sige, sabi mo eh. Ako ng bahala kay Boss Harry," ani Esphie.

Habang nag-uusap sila ni Esphie ay siyang dating naman ni Raven. Agad siyang nginitian ng binata pagpasok nito sa bahay.

"Hi," bati niya.

Agad napatingin si Haley sa hawak nitong isang bouquet ng assorted fresh flowers.

"Hi, musta?"

Ngumiti siya sa binata. "Okay naman."

Pinakilala niya si Esphie kay Raven.

"By the way, nadaanan ko sa supermarket kanina 'to. Baka lang kasi gusto mo, kaya binili ko na," anang binata, saka inabot sa kanya ang bungkos ng bulaklak.

Tulalang kinuha niya iyon, habang ang puso niya ay nagsisimula na naman mawala sa normal ang tibok ng puso ni Haley. Bigla ay nag-init ang mukha niya.

"Sige, doon muna ako sa kuwarto ko," paalam nito sa kanya.

Parang may sumipa ng malakas sa dibdib niya ng marahan nitong hinaplos ang ulo niya at bumaba ang kamay nito sa mukha niya, at marahan hinaplos din ang kanyang pisngi. Kasunod niyon ay bahagya iyong kumindat sa kanya.

Deep inside, Haley started to scream. Nagwala ng husto ang puso niya. Kay lakas ng bawat kabog ng dibdib niya. What the hell is happening to her? Nagpaalam pa ito kay Esphie bago pumasok sa loob ng kuwarto nito.

"T-thank... y-you," nauutal na sagot niya.

Ilang sandali ng wala si Raven sa kanyang harapan, pero tulala pa rin siya habang walang patid ang mabilis na pintig ng puso niya. 

Heaven's Warriors Series 4: An Angel's ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon