Chapter 6

105 11 3
                                    

          SAUSAGE, itlog at toasted bread ang hinanda ni Haley dahil iyon lang ang nakita niyang available na pagkain sa refrigerator. Bumuntong-hininga siya saka habang nakatingin sa pagkain.

"Magustuhan kaya niya ito?" halos pabulong na tanong niya.

Bigla siyang napalingon sa pinto ng silid ni Raven ng bigla iyong bumukas.

"Oh, kanina ka pa gising?" gulat na tanong nito pagkakita sa kanya.

Haley's heart screamed so loud when see him. He looked so fresh ang gorgeous, bagong ligo ito, naka-beige na board shorts at white shirt. Pagkatapos ay naka-brush up ang buhok nito. Nang makalapit ito sa dining table ay agad sinalakay ng mabangong amoy ng pabango nito ang ilong niya. Her heart beats faster again. Nagwala na naman iyon at hindi alam ng dalaga kung paano pakakalmahin ang sariling puso.

"Medyo. Pasensiya ka na, ito lang ang hinanda ko. Ito lang kasi ang nasa ref," aniya.

Ngumiti si Raven, dahilan para lumitaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Pakiramdam ni Haley ay mas lalong nagwala ang damdamin niya.

"Am I attracted to him?" tanong niya sa sarili.

Biglang napaiwas ng tingin ang dalaga ng lumingon sa kanya si Raven.

"Okay lang, this is great enough! Kung ako lang dito mag-isa, baka nagpa-deliver na naman ako," sagot nito.

Muli niyang binalik ang tingin saka pabirong umingos.

"Hmm! Ang gastos, maupo ka na," aniya.

Matapos maglagay ng pinggan at tinidor para sa kanilang dalawa ay gumawa din siya ng kape.

"Thanks," usal nito.

Isang matipid na ngiti ang sagot niya dito.

"Pumunta muna tayo sa office mamaya, tapos mag-grocery tayo pagkatapos. Para bukas ipapasyal kita," sabi ng binata.

"Yes Sir!" nakangiting sagot niya.

Habang kumakain ay panandalian silang natahimik dahil may tinetext din ang binata. Mayamaya ay nilapag nito ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

"It's been two weeks since we met. Pero wala pa akong alam tungkol sa'yo, do you mind if I ask, about your family? Or anything about your life."

Bigla siyang natigilan sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa binata.

"Pero kung hindi okay sa'yo na i-kuwento, okay lang. I mean, kaya ko lang naman naisip sabihin iyon para mas makilala natin ang isa't isa. Para maging komportable tayo."

Bumawi siya ng tingin saka marahan natawa at umiling.

"No, it's okay. Hindi lang ako nakasagot agad dahil nagulat ako. No one shows interest or care about my family background. Ikaw pa lang ang nagtanong sa akin tungkol sa kanila."

Kumunot ang noo ni Raven.

"Why? May nangyari ba noong kabataan mo?"

Huminga siya ng malalim, at kinuwento sa binata ang tungkol sa pamilya niya, maliban ang tungkol sa pagkakaroon niya ng premonition. And the next thing she knew, umaagos na ang luha niya.

"Hala, naiyak tuloy ako. Pasensiya ka na, siguro okay lang ako kung marami akong kaibigan na masasandalan. Kaso kahit kaibigan ay wala ako," aniya na dinaan sa tawa habang panay ang pahid ng luha sa pisngi.

Heaven's Warriors Series 4: An Angel's ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon