Chapter 14

61 9 0
                                    

EVERYTHING is a complete lie. Ito na nga marahil ang karma ni Haley sa panlolokong ginawa sa mga ito, kasama na ang pang-iiwan niya sa ere sa mga dating kasamahan sa Hiwaga Productions.

Napahinto ang dalaga sa paglalakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bigla siyang napahagulgol ng muling maramdaman ang sakit matapos bumalik sa kanyang isipan ang masayang sandali na pinagsamahan nila ni Raven. Hindi niya alintana kung mabasa siya ng ulan dahil tila ba nakiki-ayon ang panahon sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Paano siya nagawang pagsinungalingan ni Raven? Bakit kailangan masira ang lahat kung kailan nakumpirma na ni Haley na mahal niya ang binata?

"Haley?"

Natigilan siya. That voice, pamilyar iyon sa kanya. Paglingon ay literal siyang natulala ng bumungad ang isang tao na inakala niyang hindi na makikita hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Panandalian sinantabi ng dalaga ang sakit na nararamdaman at napalitan iyon ng galak. Doon siya napangiti, parang isang panaginip lang ang lahat.

"Ate?"

"Haley!"

Agad nitong binitiwan ang payong na hawak at tumakbo sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

"Ate!"

Nang mga sandaling iyon, ang luha na dulot ng sama ng loob ay napalitan ng luha ng labis na saya.

"Buhay ka, salamat at buhay ka! Akala ko hindi na tayo magkikita!" umiiyak na wika niya sa kapatid.

Tiningnan siya nito at ngumiti, kitang-kita niya ang sinseridad ng saya sa mga mata nito. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Raven, Adrian at Justin tungkol dito. Tinitigan niya ang mukha nito, pero wala itong bahid ng kadiliman gaya ng sinabi ng tatlo. Mayamaya ay nakaramdam siya ng kaba, pero agad niya iyon tinaboy.

"Hindi totoo ang lahat ng sinasabi nila. Kilala ko si Ate, mabait siya at malayong mangyari ang sinasabi ng mga ito," pangungumbinsi niya sa kanyang isipan.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi ka ba masaya na makita ako?" untag sa kanya ni Amy.

Napakurap siya, saka agad na ngumiti at umiling.

"Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka na. Sa dami ng lugar, dito pa talaga sa Seoul," sagot niya.

Ngumiti ito saka saglit siyang niyakap ulit.

"Halika, doon tayo sa hotel ko mag-usap."

Tumango siya at tuluyan ng sumama sa kapatid.



SA ISANG hostel siya dinala ni Amy. Maliit at simple lang iyon. Ngunit pagpasok sa loob ng silid ay parang may kakaiba siyang naramdaman, there's some kind of eerie feeling inside. Nagtataasan ang balahibo niya sa batok at tila kaybigat ng dating sa kanya ng lugar na iyon. Agad na kumuha si Amy ng damit mula sa loob ng maleta nito at binigay iyon sa kanya.

"Maligo ka muna, baka magkasakit ka," sabi nito.

"Thank you, Ate."

Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Haley na mapaisip. Siyam na taon na ang nakakalipas simula ng mawala ang kapatid, hinanap niya ito kung saan pero hindi niya ito nakita. Kahit ang mga kilala niyang mga kaibigan nito ay hindi alam kung saan nagpunta ang kapatid. She did consider her dead on some point of her life, but deep inside, umaasa pa rin siya na magkikita sila.

Nang matapos maligo ay agad siyang lumabas ng banyo, napalingon si Haley sa paligid ng makitang wala doon ang kapatid. Napakatahimik ng paligid, para bang wala siya sa maingay na siyudad ng Seoul. Samantalang sa gitna mismo ng Shopping District ng Myeongdong matatagpuan ang kanilang tinutuluyan.

Heaven's Warriors Series 4: An Angel's ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon