Chapter 16

62 9 0
                                    

ISANG malakas na sigaw ang kumawala sa kanyang bibig ng maramdaman ang isang sakit na nagmumula sa dibdib niya. Umihip ang malakas na hangin at mula sa kama kung saan nakahiga si Raven, unti-unting umangat ang katawan niya, at pakiramdam niya ano man oras ay malalagutan siya ng hininga.

Wala na siyang lakas para labanan ang misteryosong sakit na iyon sa kanyang dibdib. Umagos ang luha sa kanyang mga mata habang hindi mawala sa kanyang isipan si Haley. Ilang sandali pa ay napuno ng liwanag ang kanyang silid, mula sa liwanag na iyon ay bumaba ang kanyang ama, si Uriel, pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya.

"Anak, bitiwan mo ang mga alalahanin sa iyong puso. Isuko mo na ang iyong sarili, huwag kang matakot sa mga maiiwan mo dito. Magtiwala ka," sabi nito.

Sinalubong ni Raven ng tingin ang liwanag na nagmumula sa taas. Sa mga sandaling iyon, alam na niya na nasa panganib si Haley.

"Panginoon, itinataas ko sa Inyo ang aking buhay. Tanggapin Ninyo ako bilang tagapagtanggol at magiting na tagapaglingkod. Ipinagkakatiwala ko na sa Inyo ang lahat," dalangin niya.

Sa kabila ng panghihina, nagawang ngumiti ni Raven ng makita niya ang imahe ng dalaga.

"Haley," bulong niya. Then, he took his last breath.

Kasunod niyon ay lalong lumakas ang hangin. Biglang nagningning ang mga bituin sa langit at bumilis ang takbo ng mga ulap. Kumulog at kumidlat ng malakas. At mula sa dibdib ni Raven, sa kanyang puso ay lumabas ang isang nakakasilaw na liwanag, maging sa kanyang mga mata, bibig at sa dalawang palad.

Napuno ng tinig ng mga anghel ang buong Kalangitan, umaawit at nagpupuri sa Panginoon. Kasabay ng pagdiriwang dahil sa pagbabalik ng ikaapat ng Magiting na Mandirigma ng Kalangitan.

Mula sa langit ay dumating ang ikatlong Praelia, si Raphael. Kasunod niyon ay

narinig nila ang tinig ng Panginoon, kaya agad silang lumuhod at nagbigay papuri.

"Ramiel, ang aking magiting na anghel at matapat na tagapaglingkod. Ito na ang tamang panahon para tuparin ang iyong misyon. Tanggapin mo ang aking pagpapala at ang kapangyarihan pinagkakatiwala ko sa'yo. Tandaan na ang inyong lakas ay manggagaling sa inyong matibay na paniniwala, pagtitiwala at pananampalataya sa Akin."

Kasunod niyon ay nabalot ang buong katawan ni Raven ng liwanag. Sa loob ng ilang sandali, sa paglaho ng liwanag na iyon, tuluyan na rin naglaho ang katawan lupa ng binata at bumalik na ito sa pagiging espiritu. Nakasuot na ito ng kulay puti na damit na gaya ng mga sinaunang sundalong Romano. Sa pag-apak ng mga paa nito sa lupa, lumuhod ito at mula sa likod ni Raven ay lumabas ang matayog nitong mga pakpak. Nagliliwanag sa kaputian at kapangyarihan. Sa pagkakataon na iyon, siya na si Ramiel, ang ikaapat na Aurae Praelia.



NAPANGITI si Ramiel ng marinig niya ang dasal ni Haley. Isa iyong matibay na kumpirmasyon na narinig nito ang binulong niya sa kanyang isip. At iyon ang hudyat ng paglusob nila sa kalaban. Mula sa kalangitan ay parang kidlat sa bilis na tumama ang liwanag sa mga ulap. Umikot iyon at bumukas ang pinakagitna upang bigyan sila ng daan. Naunang lumipad pababa ang mga sundalong anghel. Sunod ay silang apat na Praelia.

Isang alay. A virgin sacrifice. Iyon ang kailangan ni Amy para maging isang ganap na itim na anghel at pinakanulo nito ang sariling kapatid para sa pansariling interes. Ayon sa imbestigasyon ni Adrian, isang samahan sa ilalim ng pangalan na Tenebris Ecclesia ang nagtatago sa isang kunwari ay paranormal organization. Ngunit ang totoo, ito ay isang simbahan kung saan ang kanilang sinasamba ay isang demonyo, si Lucifer. Hindi lang iyon, gumagamit ang mga ito ng black magic, witch craft at ang Tenebris Ecclesia rin ang mga nasa likod ng mga nawawalang babae na kinikidnap para ialay sa diyos ng mga ito.

Heaven's Warriors Series 4: An Angel's ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon