Chapter 13

69 9 1
                                    

KUNG mayroon man mas higit sa salitang "masaya," iyon ang gagamitin ni Haley para maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Her heart beat never went back to normal, lagi na lang kaybilis ng pintig niyon dahil kay Raven. She's so in love with him. Parang nalulunod siya sa saya sa tuwing pinaparamdam ng binata na gayundin ito sa kanya.

Sinabihan siya ni Raven na huwag muna magtrabaho sa araw na iyon. Sa halip ay niyaya siya nitong mamasyal sa buong siyudad ng Seoul. Under that umbrella, side by side, they are walking under the pouring rain. Iyon na yata ang pinaka-romantic na naglakad siya sa ilalim ng ulan. Napalingon si Haley sa binata ng hawakan nito ang kamay niya.

"Pagod ka na?" narinig niyang tanong nito.

"I'm okay," sagot niya.

Napangiti si Haley ng maramdaman na hinalikan siya ng binata sa ulo.

"Let's go home," bulong sa kanya nito.

Nasa elevator pa lang sila ay napansin na niya ang pagiging extra-sweet ng binata. Bigla na lang itong yayakap sa kanya, pagkatapos ay biglang hahalik sa pisngi niya. O kaya naman ay may ikukuwento itong nakakatawa kaya magtatawanan sila, pagkatapos ay kikilitiin siya nito sa tagiliran. Pagdating sa loob ng apartment, at pagsarado ng pinto. Binagsak lang nito ang mga gamit sa sahig, sabay alis ng suot niyang salamin, saka mabilis siyang kinulong sa mga bisig nito at hinalikan sa labi. Agad siyang nadala ng mainit at mapusok na halik nito, mabilis siyang tumugon at gumanti ng yakap. Nang buhatin siya ni Raven ay niyakap niya ang dalawang hita sa balakang nito. Naglakad ito papunta sa sofa at naupo kaya nakakandong siya paharap dito ng hindi naghihiwalay ang mga labi.

Sa bawat dampi ng kamay nito sa kanyang balat, sa bawat yakap at galaw ng mga labi. Ramdam ni Haley ang kakaibang damdamin na kalakip niyon. Napatingala siya naipikit niya ang mga mata sabay kagat ng ibabang labi ng dumampi ang labi nito sa kanyang leeg. Sa bawat halik nito ay parang apoy na tumutupok sa kanyang katawan. Napatingin siya dito ng bahagya nitong ibaba ang suot niyang cardigan at hinalikan ang balikat niya. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya.

Mayamaya ay humiga ito, napatili pa si Haley dahil muntik na siyang mahulog mabuti na lang at naalalayan siya agad ng binata. Kaya nasa ibabaw siya tuloy nito. Ilang sandali na ang nakakalipas, pero tahimik pa rin si Raven at nakatingin sa kanya.

"What?"

Ngumiti ito saka umiling. Hinagod ng daliri nito ang buhok niya, saka sunod na hinaplos ang kanyang pisngi.

"I want to tell you something," sabi nito.

"Ano 'yon?"

"Mamaya, kapag dumating na sila Adrian at Nami," sagot ni Raven.

Napakunot-noo siya. "Bakit parang gusto kong matakot?" pabirong tanong niya.

Tumawa lang ito. "Hindi mo kailangan matakot. Ang kailangan ko, pang-unawa galing sa'yo."

Napaisip siya saka tumango.

"Okay."

Ngumiti si Haley kay Raven saka sinandal ang ulo sa dibdib nito. Napapikit siya ng maramdaman ang yakap nito. She can stay that way forever, hindi siya magrereklamo. Sa isang banda, hindi magawang itanggi ng dalaga ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib na bigla niyang naramdaman. Pumikit siya at pilit na tinaboy iyon.

"Relax, Haley. Relax."



Heaven's Warriors Series 4: An Angel's ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon