[CC's POV]
Habang nasa cafeteria nako, "Hi Miss Beautiful," sabi nung lalaking mukhang manok. Kailangan kong umiwas dito, mukha siyang manyak. Dinaanan ko lang siya tas bigla niyang hinawakan yung kamay ko nang mahigpit. "Hey, I'm talking to you." sabi niya. "I'm not interested talking to you." sabi ko habang pumipiglas. tas bigla siyang lumapit kaya pinikit ko yung mata ko nang biglang....
*BOOGSH*
Dinilat ko kaagad yung mata ko. Nagulat nalang ako kasi nakahiga na yung lalaking mukhang manok nahimatay ata tas nakita ko si Lelouch yakap-yakap ako. "What did he do to you?" tanong niya habang nakatitig sa mata ko. Kitang-kita ko na punong-puno ng galit yung mata niya. "It's none of your business." sagot ko tas umalis nako sa yakap niya tas bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Nagulat ako. "Tell me what happened." sabi niya. "I repeat, it's none of your business!" sigaw ko.
"I saved you from that bastard so you should tell me." sabi niya. Aba tangina neto binadtrip ako lalo. "Bakit? May sinabi ba ako na iligtas mo ko? Kaya ko naman kasi e umepal ka lang." sabi ko tas bigla siyang bumitaw at umalis nako. Ayoko sa lahat yung ganon.
[Lelouch's POV]
Binatawan ko kaagad yung kamay niya nung sinabi niya yun. Nanghina yung katawan ko nung sinabi niya yun. Hinintay ko muna siyang makaalis tas umalis narin ako. Pagpasok ko sa elevator inistop ko kaagad yung elevator. Pinagsusuntok ko yung bakal na pader ng elevator hanggang sa dumugo na yung kamay ko.
Di naman ako nagkakaganito e. Never akong nakaramdam ng ganito sa isang babae. Oo, aaminin ko, playboy ako sa school na 'to. Tuwing uwian, may kahalikan akong babae sa kotse ko, kahit sinong babaeng taga-Ashford na matipuhan ko, dinadala ko kung saan saan. Dinidate ko sila, tas iniiwan ko rin. Oo, gumastos rin ako sakanila. Binibilihan ko ng roses, chocolates at kung ano-ano pang maisipan kong gastusin para mapa-sa'kin sila.
Yun ang hindi alam ng mga baguhan sa school na 'to. Kilala ako sa school na 'to bilang "Chess master" at "Hearthrob". Nung matapos yung first day ng klase, nakipag-hiwalay ako sa girlfriend ko ng dahil lang kay CC, hindi alam ng girlfriend ko na siya yung dahilan kaya iniwan ko siya. Ako kasi yung klase ng lalaki na hindi nagsasabi ng dahilan kung bakit ayaw ko na sa babaeng kinakasama ko. Never akong tumiklop sa isang babae. Never akong nanahimik sa klase. Never akong naging magalang sa kahit kanino. Never akong naging mabait sa kahit sino. Ako yung klase ng lalaki na may bastos na ugali, wala akong sinasanto, gusto ko ako lang yung nasusunod.
Pinindot ko na ulit yung button at umandar na ulit yung elevator. Syempre bago ako umalis sinigurado kong walang bahid ng dugo yung palibot ng elevator. Pinamunas ko yung uniform ko at hawak hawak ito ng kamay kong duguan.
[CC's POV]
Pagpasok ko sa room, sinalubong ako agad ni Kyohei ng yakap. "Thank God at nandito ka na." sabi niya. "Ehem," sabi ni Takenaga at biglang umalis si Kyohei sa pag akap. "Where have you been?" tanong ni Suzaku. "I went to the library to borrow some books." sabi ko. Tas lumapit si Euphy at biglang namula si Suzaku.
"You like books too?" tanong ni Euphy. "Uhm, yeah." sagot ko. "You can borrow some of mine, I have some books at my house that you may like." sabi niya ng may ngiti sa mukha niya at lalong namula si Suzaku. "I'd love too but I have to finish these books first." sabi ko. "Okay, just tell me if you wanna borrow. Anyways, welcome back CC." sabi niya. "Thanks Euphy," sabi ko.
"Have you seen Lulu around?" sabi ni Shirley. "Sorry pero hindi ako hanapan ng nawawalang Lelouch." sabi ko. Nanlaki yung mata niya. "Okay thanks," sabi niya ng pataray at lumabas ng room pero pagbukas ng pintuan nandoon si Lelouch. "Lulu!" sabi ni Shirley tas niyakap si Lelouch. "Whatever," bulong ko habang umirap ako. Shit nakita ni Euphy pati ni Suzaku. Tas lumapit sa'kin si Euphy "Are you jealous of Shirley and Lelouch?" tanong niya. Nanlaki yung mata ko.