Chapter 13

44 1 0
                                    

[Lelouch's POV]

Di ko kayang manahimik ng ganito.

*RIIIIIIIIIIING*

Oh shit, uwian na. Kailangan ko siyang kausapin. "Hey," sabi ko. "Uhmmm hey." sabi niya. "Are you going to walk?" tanong ko. "No," sagot niya. Bakit kaya hindi siya maglalakad? May sundo ba siya? May sasakyan ba siyang iba? "Do you have a service or etc.?" tanong ko. "No, I used my motorcycle earlier, it's parked outside." sagot niya. Wow marunong siya?

"You know how to use a motorcycle?" tanong ko. "Duh? Ofcourse! Will I use it and take it here if I don't know how to use it?" sagot niya, Aaaaargh! Eto na naman tayo sa "sarcastic" answers niya. "Why are you always so sarcastic?" tanong ko. "Kung ayaw mabara, wag magtanong ng pa-tanga." sabi niya. Oo nga naman. Tanga kase e. Tas namalayan ko umalis na pala siya.

[CC's POV]

Ang tanga naman nung gunggong na 'yon. Dadalhin ko ba 'tong motor kung hindi ko alam ganitin? Tangina common sense. Makapunta muna nga sa C.R.

Pagdating ko, sinarado ko kaagad yung lock nung cubicle tas binuksan ko agad yung bag ko at kinuha yung damit ko. Nagpalit nako kaagad. Ang init masyado ng uniform namin e. Pagtapos ko, umalis nako at pumunta na sa parking lot.

[Lelouch's POV]

Teka si CC, ba 'yon? Tangina ang hot niya dun sa suot niya. Shit ang sexy niya. Aray! Ano ba yun? "Tinitignan mo na naman siya gago matunaw yan." sabi ni Suzaku, binatukan niya pala ako. "Gago ang sakit nung pagkabatok mo sa'kin." sabi ko. "Gago na kung gago, atlis di ako nag-iisa." sabi niya sabay kindat. "Tangina mo," sabi ko ng nakangiti. "Tangina mo rin," sabi niya. "Umalis ka na nga magdate na kayo ng girlfriend mo." sabi ko. "Tanginang 'to, porket wala ka lang girlfriend ganyan kana. Gago ka kase e, meron ka na nga iniwan mo pa." asar niya. "Tangina mo talaga Suzaku." sabi ko. "Speaking of umalis, naka alis na si CC. HAHA! Bahala kana jan! Bye Lelouch!" sabi niya tas lumingon ako, oo nga naka alis na. Tas lumingon ulit ako, umalis na si Suzaku, akbay akbay si Euphy.

Tama naman siya e, meron na nga ako, iniwan ko pa. E bakit ba? Ako bahala sa takbo ng buhay ko. Tangina neto ni Suzaku e! Pinapaisip ako ng malalim!

[CC's POV]

"Mommy, I'm home!" sabi ko. "Hi sweetie," sabi niya ng may kasamang yakap at beso. "I was not late!" sabi ko nang may confidence. "Well, it's a good news honey." sabi niya. "Gotta go to my room now okay?" sabi ko. "Sure, go ahead." sabi niya.

Pag akyat ko, ni-lock ko kaagad yung pinto tas humiga ako. Hanggang kelan pako magpapanggap ng ganito? Hinubad ko yung pangitaas ko at tumingin ako sa salamin.

Itong geass sigil na 'to. Ang markang ito. Bakit ko pa kasi tinanggap yung alok nung madre na yun?

CC ganyan lang talaga yan, walang tunay na kahulugan. Wala talaga akong pamilya. Lumaki akong mag-isa sa kamay ng isang madre. Pinalaki niya ako at binigay niya yung kahilingan ko na mahalin ako ng lahat. Binigay niya ang geass para controlin ko ang isang tao para mahalin ako. Nakalagay ang geass sa kanang mata ko, ginamit ko nang ginamit yung geass ko hanggang sa naging dalawa na yung geass ko. Dun naman sa kabilang mata nakalagay yung isang geass.

Bumalik ako nun sa simbahan para kausapin yung madreng nagpalaki sa'kin, naalala ko wala akong damit non.

*Flashback*

"You know sister, I'm really tired being loved. Everyone already loves me."

"How many times do I have to tell you not to play with your Geass?"

"I'm sorry, I can't help it."

"HA! You've been fooled!"

"Huh?"

"After all this time I was using you! Now I can finally rest! Thanks to you!"

*screams*

*End of Flashback*

Pinasa niya sa'kin yung tungkulin niya bilang isang miyembro ng Geass Order. Ginawa niya akong imortal. Nawala yung geass ko sa mata pero nagkaroon naman ng malaking geass sa noo ko at isa pang marka sa ibaba ng dibdib ko.

Pumunta ako sa lugar kung nasaan lahat ng taong may taglay ng geass. Naging Leader ako Geass Order pero umalis ako. Ang tungkulin ko, maghanap ng papalit sa'kin gaya din ng ginawa sa'kin nung madre. Nagpalaganap ako ng geass sa mga tao para mapasa sakanila yung tungkulin ko bilang miyembro ng Geass Order. Pero walang nakagawa. Nung nakaramdam ako ng trauma, nanibago ako. Hindi ko rin alam kung bakit, basta nanibago ako. Hindi naman talaga dapat e, kasi hiniling ko yun, which is mahalin ako ng lahat. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkaganon.

Nung hinawakan ni Lelouch yung noo ko, nabigyan siya ng Geass. Hindi ko alam kung ano ang kahilingan niya kasi hindi nagawa ng maigi ang contract. Kailangan kong gawin ng tama ang pakikipag kontrata sakanya para malaman ko kung ano ang kahilingan niya at para masabi ko rin kung paano niya gagamitin ang Geass.

Sa madaling salita, ang babaeng si Chelsea Clynne Stewenheart ay isang kasinungalingan sa mundo. Hindi siya nage-exist. Hindi nako gaya nung unang gising ko para pumasok dito kasi hindi naman talaga ako yun, hindi ko ugali yon. Hindi rin yon ang exact age ko, gaya ng sabi ko immortal ako, kaya hindi ko alam kung ilang taon na ako. Hindi rin naman talaga ako dapat naga-aral e. Kinailangan lang para magmukhang anak talaga ako ni Mrs. Stewenheart.

Ayaw aminin ni Lelouch na anak siya ng Hari ng Britania. Ayaw rin aminin ni Euphy na anak rin siya ng Hari ng Britania. Magkapatid sila sa ama. Ayaw rin aminin ni Gino at Suzaku na miyembro sila ng Knight of Rounds. Ayaw nilang aminin na may kaguluhan sa bansa. Ayaw nilang aminin na hati ang bansa.

Inangkin ng Britania ang kalahati ng Japan. Lahat ng hapon pinapatay nila, tinawag nilang "Area 11" ang natirang lugaf ng Japan. Tinawag nilang "Elevens" ang mga hapon dahil nga nakapangalan na ang Japan bilang "Area 11".

Ang tatay ni Lelouch na si Charles Vi Brittania, ay Director ng Geass Order. Siya ang pinaka may mataas na position sa Geass Order. Pumapangalawa naman ang kapatid niyang si V.V. Alipin lang ako ni Charles. Si Charles ang may pinakamalas na Geass sa lahat. Lahat ng kapangyarihan nasa Geass na ni Charles. Nasa palad niya nakalagay ang Geass Sigil ni Charles. At tulad ko, imortal din siya.

Chelsea Clynne Stewenheart, hmmm. Hanggang kailan ka pa kaya mabubuhay? Hanggang kailan pa tatakbo ang kwento mo?

Siguro kaya ako umiiwas sa mga nagkakagusto sa'kin kasi hindi nila kayang palitan ang pwesto ko. Hindi nila deserve ang Geass. Aksidente lang naman yung kay Lelouch e. Pero kapag naging interesado ako, kukumpletuhin ko na ang pakikipagkontrata sakanya. Sa ngayon, wala pang bisa ang Geass niya. Sa madaling salita, props lang yung Geass niya sa mata. Siguro wala na yun ngayon kasi hindi pa naman ako yung mismong nakipagkontrata. Masyado lang talaga siyang nakialam.
Ayaw niyang maniwala na kaya ko mag-isa. Ang akala niya kasi, normal lang akong babae, pero hindi. Masyado nakong maraming nasabi. Sinuot ko na ulit yung damit ko. Makatulog na nga lang.

Ms. Heartbreaker Meets Mr. Playboy (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon