[Kallen's POV]
Ayun, na-karma lang naman ako. Di ko alam kung ano ang dapat kong i-react. Kasi nakasama ko si Gino kaso EWAN! Napaluhod ako sa sahig at napaluha, nasa Stock Room parin ako. Di ko alam kung lalabas pako. Akward na 'to para samin ni Gino.
Paano kung di na ako kausapin ni Gino? Pano na yung pagkakaibigan namin ni CC? Pero sana kausapin niya parin ako kase tanggap ko yung nangyare, tama lang na nakarma ako, pero di ko alam kung tama yung paraan kung pano ako kinarma e. Sana mag-usap parin kami. Di naman na aabot kahit kanino yung nangyari samin e. Ang tanga mo kase Kallen e. Concern na nga yung taong nagkakagusto sa'yo sinampal mo pa. Gago ka talaga Kallen kahit kelan!
Galit na galit ako kaya binuhos ko yung galit ko sa loob ng stock room, sinuktok suntok yung wooden shelf tas sinipa sipa ko yung pader. Sumigaw sigaw din ako, nagdabog, binato ko yung mga nakalagay sa shelf, tinumba ko rin shelf, umiiyak ako habang ginawa ko yung mga 'yon.
Pagkatapos kong pagaanin yung loob ko, sinuot ko na yung uniform ko. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan, tinignan ko kung may tao, wala naman kaya nagmadali akong umalis sa Stock Room.Pag alis ko sa stock room, chineck ko kung may mga CCTV na nakatutok malapit sa Stock Room. Salamat sa diyos at wala naman. Naglibot libot muna ako saglit sa library tas umalis narin ako.
[Gino's POV]
Pagdating ko sa room, wala parin kaming teacher. Bakit kaya?
Umupo ako kaagad sa upuan ko. Yumuko ako, di ko alam kung tama ba yung ginawa ko kay Kallen kanina. Ang pervert ko kanina, nagawa ko pa siyang i-tease. Gino what's going on? What's happening to you? This is not me.
There's really something about Kallen I don't know why I'm so in to her. I'm dying to talk to her. Pero nung kinausap ako, iba naman na yung nagawa ko sakanya. Nag sorry naman nako kanina, hayaan ko nalang. Ang awkward neto pag pumasok siya, pero sana mag-usap parin kami, sana hindi niya ako layuan pagtapos ng nagawa ko. Oo, alam ko, hindi ata well let's say na hindi talaga makatarungan yung ginawa ko sakanya pero, di ko napigilan, di ko naiwasan.
Narinig kong bumukas yung pintuan ng room, sumilip ako, si Kallen! Ang linis niya tignan, mukhang hindi halata na may nangyari samin. Ha! Nahuli niya akong nakatingin! Napayuko ako ulit. Anong kayang ibig sabihin nung tingin niyang yun?
"San ka galing Kallen?" tanong ni CC. sakanya. "Naglibot libot lang ako saglit." sagot niya. Pinagtakpan niya! Sabagay, hindi niya pwedeng sabihin na may nangyari sa Stock Room. "You have a hickie on your neck Kallen." sabi ni Euphy at pinakita niya sa salamin niya. Tangina naiwanan pa ng bakas. "Ah, wala yan. Nanjan na yan pag gising ko kaninang umaga." sabi niya. "Wala akong naaalala na may ganyan ka kaninang umaga." sabi ni CC. Tangina wag niyo na siyang pakabahin! Baka umamin siya ng wala sa oras! "Natakpan lang yan kanina. Wag kayong mag-alala." sabi niya.
[CC's POV]
Ang weirdo mo ngayon Kallen, anong nangyayari sa'yo? Parang kanina lang na nakita ko kayong magkasama ni Gino. Ha! Hindi kaya... Hmmm. Mukhang may plano ako. "Ah ganun ba? Sige," sabi ko. Hindi siya nagbabago ng facial expression, hindi siya palalunok, hindi siya pinagpapawisan, hindi siya malikot, mukhang di naman nagsisinungaling.
Bumalik siya sa upuan niya at inasikaso yung bag niya. Tas biglang pumasok si Ms. Clement.
"I'm sorry class, there is an emergency meeting right now so I'm going to leave you for a while. Before I leave, I have an announcement." sabi ni Ms. Clement. Nakakakaba seryoso. "It was just his first day here but Mr. Ranmaru Morii will be absent for 2 weeks because of his hospitalization due to his bruises and wounds on his body. The janitor saw that Mr. Morii was lying near the elevator with bruise and wounds on his body-,"