CHAPTER 26: Special place.

53 3 0
                                    

•My EVIL Prince•
CHAPTER 26: SPECIAL PLACE

"BWISIT!" Mahinang sambit ko nang mabunggo ako sa isang bulto nang lumabas ako ng comfort room. Muntik-muntikan ko pang mabitawan ang cellphone ko dahil sa biglaang pagsulpot ng taong iyon sa harap ko. Abala ako sa pakikipagtext. Nag text kasi sa akin si Manang Silvia at ipinatatanong daw ni Arthur kung anong oras ako makakauwi.

Hindi ko na lang pinansin ang taong iyon dahil inisip kong hindi naman sinasadya iyon ng taong biglang bumunggo sa akin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pakikipagtext ko kay manang Silvia.

"Nice to see you again."

Nagsalubong ang kilay ko sa lalaking nagsalita na hindi parin umaalis sa harapan ko. Nakilala ko na ang boses niya pero ipinagsawalang bahala ko iyon dahil impossible ang iniisip ko. Umalis ako sa dance floor para mag-C.R kanina habang itinutugtog niya ang pinakahuling nota ng classical song ni Beethoven. Anong ginagawa niya dito?

"Siguro naman pwede na kitang kausapin lalu na at hindi mo kasama ang super hero mo." Sa sinabi niya ay saka lang ako nag angat ng tingin.

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko kasabay ng biglaang pag babago ng pakiramdam ko. Parang biglang tumigil sa pag inog ang mundo ko ng magtama ang paningin namin. I felt that intense feeling again that easily melted by his stared.

"Lancaster..." Naisatinig ko.

"Yes, it's me again." Nakangising sagot niya.

Sandaling hindi ako nakapagsalita habang nakatitig lang ako sa magandang mukha niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko lalo na ngayong nasaksihan ko ang nangyari kanina sa pagitan niya at ng ama niya.

"Anong kailangan mo sa akin?" Sa wakas ay naitanong ko matapos ang ilang minutong pagkakatitig ko sa kanya.

"You already know what I want." Sagot niya bago humalukipkip. "Come with me."

"A-Ano?"

Huminga siya ng malalim. "I said come with me. You always want me to repeat what I've said huh."

"Patawa ka'no? Tumabi ka nga!" Pagalit na sabi ko para baliwalain ang sinabi niya. Akmang lalampasan ko siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Hindi ko napigilang tingnan ulit siya sa mga mata.

"I need you now to be my human medicine." Tumingin siya sa paligid na parang sinusuri kung may nakakakita o nakakarinig sa kanya. "Just come with me and nothing will happen."

"Ano bang pinagsasabi mo? Patawa ka talaga 'no? Ayokong sumama saiyo!" Salubong ang kilay na sabi ko. "Now please get off your hand with me?"

Kumamot siya sa kilay niya. "I warned you but you refuse it."

Kinabahan ako sa sinabi niya. "A-Anong gagawin mo sa akin?"

"Wala na akong magagawa kundi gawin ito." May kinuha siya sa bulsa ng coat niya at laking gulat ko ng makita ko iyon.

"A-Anong gagawin mo d'yan?" Matindi ang kabang tanong ko.

Ngumisi siya. "I think you know it."

"Sige subukan mo lang sisigaw ako." Banta ko naman sa kanya.

"Edi sumigaw ka, as if you can stop me." Baliwala namang sagot niya.

Wala na akong pagpipilian kaya ginawa ko na ang banta ko sa kanya dahil iyon na lang ang nakikita kong paraan para matakasan siya. Sumigaw ako. Kaya lang ay agad din 'yong naputol ng bigla niya ako hapitin palapit sa kanya at halikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. His lips genly rubbed against me. Ni hindi ko nagawang kumilos para pigilan manlang siya. I was quiver. Nang makahuma ako ay saka ko siya pinagbabayo sa dibdib upang makawala ako sa mga labi niya.

MY EVIL PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon