CHAPTER 24: Unknown sender.

148 2 0
                                    

My EVIL Prince
CHAPTER 24: UNKNOWN SENDER.

"WHAT are we doing here Caster?" Mula sa pag hahanap ng formal suit ay napabaling ang tingin ko kay Peter.

Ewan ko ba kung anong nasa isip ngayon ni Peter at itinanong pa sa akin kung bakit kami ngayon nasa loob ng mall. Siguro ay gusto na naman niyang mag asar. Kaya ayokong kasama ang isang ito, eh.

"Hindi mo ba nakikita? Diba, bumibili tayo ng damit." Sagot ko lang habang naghahanap parin ng suit sa mga naka-hanger na damit.

Kanina lang ay nagkita kami sa isang bar dahil niyaya niya akong lumabas para daw kahit paano ay magkaroon ako ng social life hindi yung lagi na lang daw akong tutok sa mga bagay na ginawa ko na daw sentro ng buhay ko. At para hindi na ako makarinig ng kung ano-anong nakakairitang salita sa kanya ay pumayag narin ako na mag bar kahit wala akong ganang sumama sa kanya ngayon. Mabuti na nga lang at naisip kong bumili ng damit na isusuot ko para sa walang kwentang birthday party ng ama ko sa darating na biyernes, dahil kung hindi ay hindi talaga ako sasama sa kanya.

I took a deep breath. Kinuha ko ang isang suit na nakita ko, kaya lang ay agad ko rin iyong binitawan nang ma-realize kong hindi iyon bagay sa akin lalo na sa character ko. Hindi bagay sa akin ang mga gano'ng damit dahil hindi naman ako santo sa bait.

"At para saan naman?" Tanong parin niya.

Sa pagkakataong iyon ay napabaling na ako ng tingin sa kanya.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Buti pa si Dominic tahimik lang pagkasama ko, ikaw lagi na lang bumubuka 'yang bibig mo." Napapailing na sabi ko bago ako bumalik sa paghahanap ng suit.

Inakbayan niya ako. "Dominic and I are both different so don't expect me to be like him. And one more thing mas malala sa akin ang isang iyon."

Hindi ko na lang pinakinggan ang sinabi niya at nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng suit na isusuot ko.

"You never come to your father's party so what the hell out of your mind now? Changing plan?"

Bakit ba si Peter ang kasama ko ngayon? Bumuntong-hininga na lang ako.

"There's no changing plan. You're just too over reacted!" Tinampal ko ng bahagya ang mukha niya bago ko siya lagpasan. "Wala dito si Dominic para magtanong sa akin ng mga ganyang bagay, tapos ikaw pala ang papalit. Nahawa ka na talaga sa kakasama mo sa kanya."

"Yeah, I know. But I was this curious."

"Ewan ko sa inyo ni Dominic, lagi na lang kayong curious sa nangyayari sa buhay ko." Napapailing na sagot ko.

"Dahil mali ang ginagawa mo." Huminga siya. "Lalo kang nalulubog sa mga bagay na iyan."

Tumingin lang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa. Wala namang patutunguhan ang pinag-uusapan namin kundi sa mga bagay na gusto lang nilang malaman. Ano bang mapapala ko kung i-involve ko sila sa ginagawa ko? Wala naman silang maitutulong kundi puro pagbabawal sa akin na gawin ko ang mga nakasanayan ko nang ginagawa. Ano bang bago doon? Daig pa nila ang nanay ko.

Napangiti ako ng makita ko ang isang tuxedo di kalayuan sa hinahanapan ko ng suit. Kinuha ko iyon at ibinigay ko sa sales lady na nilalandi na ni Peter ngayon.

"Hanggang dito gumagawa ka ng signature mo." Napapailing na sabi ko kay Peter.

"Ganyan pag wala si Dominic." Nakangising sagot niya. "Wala akong kaagaw."

"Ang hihilig n'yo talaga sa babae." Naikumento ko na lang.

Ngumiti siya. "Yeah, but you know, Caster..." Inakbayan niya ako. "I saw a girl and she was wearing a hot dress. But there's something weird about her."

MY EVIL PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon