CHAPTER 20: Surprise guess

147 2 0
                                    

•My EVIL Prince•
CHAPTER 20: SURPRISE GUESS.

••••••

Appearances deceive
And this one maxim is a standing rule. Men are not what they seem.

                                                   —Havard

❤❤❤

"MANONG sa tabi lang po." Sabi ko sa matandang tricycle driver ng makita ko ang gate ng bahay namin. Huminto ang tricycle driver. Nagbayad muna ako bago ako bumaba.

Galing ako sa market. Nag grocery ako habang day-off ko para hindi na ako daan ng daan sa palengke para mamili ng kakainin naming magkapatid. Isa pa, may ref naman kami kahit pa nga sabihing puro tubig lang ang laman no'n. Napangiti ako. At least magkakalaman narin ang ref namin.

Tinaktak ko ang bilog na bakal na nakasabit sa gate namin bilang pamalit sa door bell. Naghintay ako sa labas habang tinitingnan ko ang magazine kung saan isa ako sa feature model doon.

Noong tatlong sumunod na araw lang ay napasama ako sa photo shoot na isinagawa ng Acacia para sa Paint magazine na re-ne-present nila Laurie at ng ilan pang designer para sa mga bagong damit na ilalabas ng Acacia. Napangiti ako. Masarap rin pala sa pakiramdam ang makitang nasa magazine ako kahit pa nga sabihing nahirapan akong magproject.

Narinig kong magring ang cellphone ko. Agad kong pinindot ang answer bottom no'n nang makita kong si Laurie iyon.

"Your looks can be deceiving huh!" Masayang bungad niya. "You're really fit for the modeling industry, I have to say. Ang daming gustong malaman kung sino ka! And my other friends in fashion industry are interested in you, my God!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Paano nangyari 'yon?"

"I saw the magazine right away when they release it. And I was amaze, may sarili kang interpretasyon kung paano bibigyang buhay ang damit at talagang nakita ko kung ano mang nakita ng mga designer na iyon para gustuhing ikaw ang magsuot ng damit na idedesenyo nila."

"Binubola mo na ako Bru."

"I'm not. Just glad you made it. You're my best friend that's why I am very proud of you. And your success is much more my success too."

"Really?"

"Stop it. We're not a drama actress. Basta I'm proud of you that was it. Oh- bye-bye na muna, ha, nagda-drive kasi ako, eh. Papunta ako sa Baguio para sa trawberry."

"Oo, sige na." In-end ko na ang tawag.

Nakangiting itinago ko ang cellphone sa bag ko. Tinaktak ko ulit ang bilog na bakal.

"Big sister!" Bati sa akin ni Arthur ng mapagbuksan niya ako.

"Si Manang Silvia?" Tanong ko. Pinisil ko ang pisngi niya ng makita ko na naman ang lubog na lubog na dimple niya.

"She's on the living room." Sagot niya. "I forgot to tell you big sis, I brought Kuya kiddo with me. He's here. I already told you who he was, right? He was the person that send me home."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "S-sinong Kuya kiddo?"

"The guy I always told you."

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Halos ilang beses na nga pala niyang ikikwento sa akin ang tungkol sa Kuya kiddo daw niya. Hanggang ngayon ay clueless ako sa taong iyon, pero salamat at mukhang makikilala ko na siya para pasalamatan dahil sa ginawa nito sa kapatid ko.

"Oh, where is he?" Tanong ko.

"he was on the living room."

"Oh! Bakit nga pala siya nandito? Paano kayo nagkita ulit? It's been a month since you last saw your Kuya kiddo. Mapagkakatiwalaan ba siya Arthur?" Hindi ko maiwasang mag alala kahit pa nga may kabutihan siyang ginawa para sa kapatid ko. Ayoko lang maulit ang nangyari sa akin.

MY EVIL PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon