CHAPTER 5: Weird feelings.

233 5 0
                                    

•My EVIL Prince•
CHAPTER 5: WEIRD FEELINGS.

HINDI ko alam kung paanong nakalabas ako sa school ng evil prince na iyon. Eh, samantalang halos pagtawanan ako ng mga estudyante sa school na iyon ng lumabas ako sa theater room. Paano ba namang hindi sila tatawa sa itsura ko palang na parang naligo sa putik at nginudngod sa kanal. Nakakainis talaga!

Itinaas ko ang kamay ko malapit sa mukha ko at dahan dahan ko iyong ikinuyom.

"Bwisit ka talaga!" Gigil na gigil kong sabi habang nanginginig dahil sa inis. Huminga ako ng malalim at pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Uy! Rhazzel, anong nangyayari sa'yo?" Mayamaya ay narinig kong tanong ni Maelyn. Napabaling ako ng tingin sa kanya nang lumapit siya at tumabi sa akin.

"Wala! Naiinis lang ako sa hudas na iyon."

Napangiwi si Maelyn. "Gano'n talaga si Sir, para ka namang bago ng bago, ilang linggo ka narin dito 'no!"

"Oo nga, Pero nakakagigil parin kasi, eh."

"Alam mo Rhazzel, hanggat nandito tayo bilang alila nila, wala tayong magagawa kundi manahimik at sumunod."

"Hindi, no!" Giit ko.

"Talaga?" Sarcastic na sagot niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at saka ako pinamaywangan. "Iba si Sir, may sungay siya at wala nga yatang makakaputol doon dahil sa sobrang haba. Mabuti na nga lang dahil sa tuwing may nagiging guardian siya ay natitigil ang pagkalat-kalat ng patay sa theater room nila, eh. Ewan ko ba! Ibang-iba talaga siya sa mga magulang niya lalo na sa tatay niya!"

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Teka nga, ano bang nangyari sa'yo kahapon?" Tanong parin ni Maelyn.

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin kahapon sa loob ng theater ng school ni Sir Lancaster.

"Sa school niya ginawa iyon?"

"Oo." Sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"Pero hindi kasi na involve ang school niya pag pinahihirapan niya ang guadian niya, eh, ngayon palang." She gasped while saying that.

"T-talaga?"

Umupo ulit siya sa tabi ko. "Oo! Hala baka may mas masama na naman siyang balak, maghanda ka."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "Wag ka ngang na nanakot Maelyn." Saway ko sa kanya. "Teka nga, para saan ba ang lahat ng ginagawa ni Sir Lancaster? I mean, bakit niya pinahihirapan ang mga guardian na iniha-hired ng daddy niya." Curious kong tanong.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam, wala namang may alam dito. Basta alam ko masama talaga siya, saka kailangan ba ng purpose para gumawa ng masama? Ang alam ko kasi pag masama ka, masama ka talaga at wala nang ibang dahilan 'yon."

Napaingos ako sa sinabi niya. Pusible ba 'yon? Parang ang labo kasi. Ang alam ko may rason ang lahat kung bakit nangyayari o kung bakit ginagawa nila ang isang bagay. Hindi ko nga lang alam ang purpose. Hanggang ngayon kasi ay curious parin ako sa pagkatao ni Sir Lancaster. Pakiramdam ko ay may itinatago siya.

Inilabas ko ang puting panyong ibinigay niya sa akin noong nakaraang linggo para patigilin ang pagdurugo ng sugat ko. Hindi ko parin naibabalik iyon dahil hindi ko alam kung paano isusuli sa kanya. Paano ba naman kasi ako makakalapit kung halos lagi niyang itinataboy ang mga taong lalapit sa kanya.

Sandali akong napangiti. Itong panyo lang ang bagay na magpapaalala sa aking naging mabuti siya kahit paano  para ipagpatuloy ko pa ang trabaho ko sa kabila ng ugali niya. Kaya hanggang ngayon ay iniingatan kong wag madungisan ang alaalang iyon sa isip ko sa kabila ng mga pangit na nararanasan ko sa kanya.

MY EVIL PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon