CHAPTER 13: Hairpin.

225 7 3
                                    

•My EVIL Prince•
CHAPTER 13: HAIRPIN.

MABILIS lumipas ang oras dahil pagkatapos ng isang bwan ay balik ulit ako sa pagiging guardian at all around house maid. Mabuti na lang, maayos na ulit kami ng kapatid ko at natapos na ang issue sa pagitan namin dahil kung hindi ay hindi ko rin alam kung paano magtatrabaho ngayon.

Huminga ako ng malalim habang abalang-abala sa pagdidilig ng mga halaman at pagbubungkal ng lupa para magtanim ulit. Nanakit na ang likuran ko pero hindi ako pwedeng tumigil, lalo na ngayong kakauwi lang ni Sir Lancaster galing sa kung saan.

Nang matapos kong diligan ang itinanim kong orchid sa paso ay saka palang ako nakapag unat unat. Tinanggal ko ang sumbrelong gamit ko at hinawi ang pawis sa noo ko, kaya lang ay natigilan din ako ng bigla kong makita si Sir Lancaster na nakasungaw sa bintana ng villa at nakatingin sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi makaramdam ng kakaibang kaba lalo na ngayong nakumpirma kong siya ang Mr. Innocent ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya at bumalik sa ginagawa ko. Pero hindi ko na alam kung paano pa ang gagawin ko lalo na at nararamdaman ko paring nakatingin siya sa akin.


"Rhazzel!"

Nagulat ako sa pagtawag na iyon ni Maelyn, pero ipinagpasalamat ko na iyon para madistract ako.


"Ipinapatawag ka ni Sir Lancaster."

Naglalubong ang kilay ko na parang hindi nag sink-in sa isip ko ang sinabi niya. Ipinanatatawag? Ako? Sinubukan kong lumingon sa direksyon ng villa pero hindi ko na siya nakita pa.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Hindi ko alam basta ipinatatawag ka lang, alam mo naman 'yon diba? Baka naman ipakikilala ka sa kaibigan niya."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "May kaibigan si Sir?"

Hindi ko alam na may ibang tao rin pala siyang dinala dito.


"Ewan. Ngayon lang nagdala ng ibang tao dito si Sir Lancaster, kaya hindi ko alam kung kaibigan nga niya yung dalawang lalaki."

"Gano'n ba? Sige tatapusin ko lang 'to" Nate-tense na sabi ko habang hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko.

"Wag na! Alam mo naman ang ugali ni Sir, diba?"

Matagal akong tumingin sa kanya. Wala na akong choose kaya binitawan ko na ang pasong hawak ko at hinubad ang gloves na gamit ko. Tiningnan ko ang villa at saka ako nag-umpisang maglakad papunta doon.

Nang makarating ako sa Villa ay mabilis ko lang nakita si Sir Lancaster na nakapwesto sa lamesa at nakatingin sa laptop habang may suot na salamin sa mga mata niya. Napansin ko rin ang gupit na niyang buhok kahit pa nga may suot pa siyang baseball cap.

Nang maramdaman marahil niyang may nakatingin sa kanya ay bigla siyang nag angat ng tingin at tumingin sa akin. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga dahil sa seryosong pagkakatitig niya sa akin.

"Nandyan ka na pala." Narinig kong sabi niya bago tumayo. Lumapit siya sa akin na siya namang ikina-atras ko. Nagsalubong ang kilay niya habang hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

Kung dati ay hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan sa tuwing makikita ko siya at sa tuwing titingin siya sa akin, ngayon ay mas malinaw na sa akin kung bakit ako nakakaramdam ng gano'n katinding kaba sa kanya, iyon ay dahil in love ako sa kanya lalo na ng malaman kong siya ang lalaking nakita ko sa bus na nagpaintindi sa akin kung ano ang ibig sabihin ng love at first sign. Siya ang lalaking lagi kong hinihiling na makita sa tuwing sumasakay ako ng bus. At ang lalaking may dahilan kung bakit mas pinili kong tanggihan si Clyde. Siya ang lalaking hindi ko pa man kilala ay na in love na ako. At hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.

MY EVIL PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon