CHAPTER 17: Game over

120 2 0
                                    

•MyEVIL Prince•
CHAPTER 17: GAME OVER.

RHAZZEL's Pov: 

HABANG naglalakad ako sa mahabang hall way palabas ng bahay nila Mr. Hundson ay saka naman ako biglang napahinto nang may biglang tumawag sa akin, dahilan para tumigil ako sa paglalakad. Hinanap ko ang taong iyon pero bigo kong mahanap.

Mahina akong huminga bago ulit ako magpatuloy sa paglalakad. Pero napahinto lang ulit ako nang bigla akong makarinig ng kaluskos sa paligid ko. Bigla akong kinabahan. Ayoko nang mangyari ulit ang bagay na iyon sa akin.

Tumakbo ako para kung sakaling lalabas ang mga ki-kidnap ulit sa akin ay tuluyan na akong makatakas. Baka ikamatay ko na pag nangyari ulit iyon.

"Guardian!" Narinig kong tawag ni Lancaster sa akin. Hindi ko iyon pinakinggan dahil gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na ito, dala narin ng matinding takot.

At sa pagkagulat ko ay bigla akong napatili at napayukyok ng may biglang tumalon mula sa itaas.

"Tigilan n'yo na ako, please." Hindi ko na napigilan ang pagluha ko habang nakapikit na nakikiusap dahil sa matinding takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko haggat nandito ako ay hindi ako ligtas, at ano mang oras ay mawawala ako—hanggat nasa puder ako ng dimonsyong si Lancaster.

Mayamaya ay naramdaman ko ang mga kamay na iyon sa na nginginig kong braso. At sa pagkagulat ko ay bigla ako nong niyakap. Napamulat ako ng mga mata.

"You're safe now." Narinig ko pang sabi niya gamit ang mahinahong boses. Agad na itinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay ng makilala ko siya.

"Bitawan mo ako!" Taboy ko sa kanya. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya habang may takot sa mga mata ko. What happen to me is traumatizing the hell out of me.

Puno ng pagtataka ang mukha niya ng tumingin sa akin. "What are you doing? You're trembling."
Hindi ako nagsalita. Bakit ba parang bigla siyang naging maalalahanin ngayon? Patay malisya sa ginawa niya gano'n? 'O naku-kunsensya? Oo nga pala wala siya no'n dahil masama siyang tao.

"Are you going home? Baka nakakalimutan mong marami pa akong ipapagawa sa'yo!" Seryoso nang sabi niya.

"I'm going home even if you like it or not!" Sagot ko bago pa man ako mag martiya. Pero bago pa man ako makalayo ay mabilis na niya akong nahawakan sa braso at nahila paharap sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya halos mawalan ako ng balanse. Napakapit ako sa balikat niya.

Matalim ko siyang tiningnan, pagkatapos ay mabilis akong kumawala sa kanya. Pero parang wala sa kanyang ipekto ang ginawa ko dahil nakuha pa niyang ngumisi nang pakawalan niya ako. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko malaman kung bakit hindi ko iyon magawa. Lalo lang tuloy akong naiinis sa sarili ko dahil doon.

"You're not done yet with your work, kaya sinong may sabing makakaalis ka na? Diba sabi ko naman sa'yo alipin kita at gagawin mo ang lahat ng sabihin ko hanggat nandito ka pa at hindi nag re-resign!" Halos wala man lang kakabakasang galit na sabi niya.

Pero sino bang dapat magalit ngayon? Siya ba? Wala siyang karapatang magalit dahil mas masahul pa ang ginawa niya sa akin. At dahil doon ay binigyan niya ako ng kakaibang takot na hinding-hindi ko makakalimutan. Naningkit ang mga mata ko ng maalala ko ang ginawa niya.

"What?" Takang tanong niya. Akmang hahawakan ulit niya ako ng mabilis kong tabigin ang mga kamay niya.

"Why just can't you celebrate? Guess what? I resigned and starting today I'm no longer your guardian. Panalo ka sa larong ginawa mo. Game over na." Mapait na sabi ko.

Kitang-kita ang gulat na bumalot sa mukha niya. Oh, well nag iimagine na naman yata ako. Walang puso ang taong nasa harapan ko. Matagal akong tumingin sa kanya bago ko siya talikuran. Napahinto lang ako sa akmang paglalakad ng bigla ko siyang marinig na magsalita.

MY EVIL PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon