CHAPTER 10: MR. Innocent

243 6 0
                                    

My EVIL Prince•
CHAPTER 10: MR. INNOCENT.

••••••

Sometimes life has a cruel sense of humor, giving you the thing you always wanted at the worst time possible.

                                                                                                                            —Lisa Kleypas.

❤❤❤  

KINABUKASAN ay nasa ikatlong guest room ako ng subukan kong katukin ang pinto ng kwarto ni Sir Lancaster. Magpapaalam na ako dahil kailangan ko na talagang bawiin ang absent at late ko sa playful's bar. Tutal naman ay tapos na ako sa pagtatrabaho bilang guardian/all around house maid.

Buong araw ko rin siyang hindi nakita na nakapagpagaan talaga sa buong araw at sa loob ko. Hindi ko parin kasi makalimutan ang ginawa niya sa akin kahapon. Mabuti na lang talaga at pwedeng makigamit ng C.R kay manang Dory dahil kung hindi ay talagang uuwi ako sa bahay na parang taong putik.

"Sir, uuwi na po ako! — tapos na ang mga dapat kong tapusin." Sigaw ko habang malapit ang bibig ko sa intercom.

Ilang minuto na akong nag hihintay pero wala parin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Makailang beses na rin akong nagsasalita doon pero wala parin talaga. Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon?

Marahas akong napabuntong-hininga ng maisipan kong katukin na lang siya. Pero nang lumapat ang kamay ko sa pinto niya para katukin ulit siya ay gano'n na lang ang gulat ko ng kusang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko habang unti-unti naman akong binabalot ng matinding kaba dahil doon.

"Pero ni minsan maliban sa kanya ay wala pang nakakapasok diyan."

Napalunok ako ng sa hindi ko malamang dahilan ay bigla ko na lang narinig ang boses ni Maelyn sa isip ko. Tuloy ay parang na doble pa ang nararamdaman kong kaba dahil sa boses na iyon. Anong gagawin ko?

Huminga ako. Mayamaya ay nakikita ko na lang ang sarili kong hinahawakan ang doorknob ng kwarto niya habang humahakbang naman papasok doon ang mga paa ko.

Walang pagsidlan ang kabang nararamdaman ko ng tuluyan akong makapasok sa misteryosong kwarto ni Sir Lancaster. Agad kong isinara ng dahan-dahan ang pinto habang hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa paligid ko. This room was decent and modest. Iyon ang napansin ko pagkapasok ko palang sa kwarto.

Nakakainggit ang flat-screen TV niya at state-of-the-art-stereo component. Hindi ko na sinubukan pang hawakan iyon dahil baka magasgasan pa. Huminga ulit ako ng malalim. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko.

Panaginip siguro ito! pero ilang sampal na ang nagagawa ko sa mukha ko at hanggang ngayon ay nandito parin ako habang namamangha sa nakikita ko. Those beautiful chandelleir and a complete set of stuff in the house. Para nga talagang kinumpleto niya ang gamit para sa isang napakalaking bahay. May sarili din siyang brown sofa na napakalake at kumpleto ang set.

May poster din doon ng isang sikat na band artist and a complete set of computer at marami ding CD's DVD's at kung ano ano pa. Napahinto ako sa isang pinto habang manghang-mangha ako sa nakikita ko. Pinasok ko iyon. At sa dami ng libro na sumalubong sakin sa pagpasok ko doon, ay may hinala akong study room iyon. There was a laptop on the study table and stacks of books. He has a lot of books. Dito marahil siya nag-aaral. Pero nag-aaral nga ba siya? Eh, sa nakikita ko ay parang hindi. I'm sure wala sabukabularyo niya.

Then finally I saw the walls of the room. Nakita ko ang mga nakasabit na plaque. Parang gusto kong bawiin ang naisip ko kanina nang mabasa ko ang mga naging achievement niya. He got brain. Not just a brain, his really genius.

MY EVIL PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon