35: Meron

241 16 7
                                    

Everything❤️
©Jillypie101
All Rights Reserved

xxxxxxxxxxxxxxxxxxx

(Note: Nangyare to nung nasa library sila. Siyempre wala si Ford at Lope haha XD)

👉Margo's Point of View👈

Natatawa ako dito sa binabasa ko. Letse lang! Alam niyo bakit ako natatawa? Simple lang! Hindi ko maintindihan. Takte puro pang korean ang sulat. Mga ganito oh ---> 나는 바보 입니다 (A/N: iGoogle translate niyo na lang yoloooo ^^) Hindi ko alam kung ano ang meaning nun basta alam kong maganda yun kaya tumatawa ako 😂

Lahat kami busy, si Airplane at PTE naglalaro sa cp. Sina CJ at Nap naman naguusap about sa mga magandang tourist spots sa England. At si OT at Mich tutorial session, ako at si Die naman nagbabasa ng nakakatawang libro! Habang si Drè at Char nandoon naghahanap ng mga books. Si Plut?

"Omg ang sarap talaga ng siopao!" Sabay kagat. Ang weirdo nitong si Plut. This is past few days parati siyang kumakain ng siopao. Ay oo nga pala! 😂

Kamusta si Jupiter? Ayun nasa bahay, hindi pa alam ng barkada. Well siguro may nakakaalam na pero besides dadalhin ko na lang siya bukas. Aweeee 😂 WAHAHAHA at oo hindi ko pa din masyadong tanggap na may anak akong teddy bear. Luh, parang tanga lang!

Napabalikwas ako sa upuan ko ng marinig ko ang ngumunguyang tunog. Pagkatingin ko sa aking likuran ay nakatayo na doon si Plut. 😳 NAG TELEPORT?!

"*nom *nom *nom, Margo kain ka muna! Kunti lang yung kinain mong lunch kanina ^^" Sabay bigay saakin ng siopao. Tinitigan ko lang yung siopao na nilagay niya sa harapan ko.

Mas nabigla ako ng umupo siya sa tabi ko sabay siksik ng katawan saakin. Takte ang weirdo naman netong si Pluto! Waaaaah, nilayo ko ng kaunti ang upuan ko at nabigla ulit ako ng sumiksik nanaman siya. Arrrrgghhh! 😖

"Anong problema mo?! Bakit ka siksik ng siksik saakin?!" Bulyaw ko sakanya. Napatingin saamin yung barkada. Takte napasigaw ako ng wala sa oras 😕 Tsss.

"Huh? Wala naman akong problema. Tsaka ano gusto kong magbasa din ng librong binabasa mo.." Sabay nguya niya ng siopao. Umirap ako atsaka binigay na sakanya yung librong binabasa ko.

Sayang nakakatawa pa naman din yun. Di bale, ibang books nanaman! Tumayo na ako atsaka naghanap ng book sa bookshelves malamang. Hmm ano bang magandang basahin? Fiction? Filipiniana? Horror? Fantasy? Ano? History?.

And then a book caught my eye! Mukhang nakakatawa toh, ang title kasi ng book ay "STUPID IS FOREVER" Hahaha, kukunin ko na sana ng..

"Ahh. Hahaha.."

"Bakit ka andito? Ako ang nauna sa libro na ito!" Sigaw ko kay Plut. Oo si Plut nanaman! Ewan ko ba sa lalaking toh. Paano ba naman, sabay kaming kukunin sana yung book kaya dumampi yung mga kamay namin. Arrrrggggh 😖

"Ah, gusto ko ding basahin eh." Sabi niya saken. Arghh! EDI SABAY NA LANG KAMI! Napairap ulit ako at bumalik sa upuan ko. Ramdam kong tumabi ulit saakin si Plut. Nakng!~ Bat ang init ng ulo ko ngayon?

Habang binabasa ko yung libro, nararamdaman ko na malapit na yung mukha ni Plut sa mukha ko. That's it! Matanong ko nga ito..

"BAKIT ANG WEIRDO MO?!" Tanong ko sakanya kaya naman napalayo yung mukha niya sa mukha ko.

Pero bago pa siya makasagot ay tumakbo na ako. Sh*t kaya pala mainit ulo ko ngayon! 😖

___________________

👉Plut's Point of View👈

"BAKIT ANG WEIRDO MO?!" Tanong saken ni Margo. Bakit nga ba ang weirdo ko? Ewan ko ba, gusto kong mapalapit ng mapalapit sakanya ng walang dahilan.

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon