49: Engagement

179 16 8
                                    

Everything❤️
©Jillypie101
All Rights Reserved

xoxoxoxoxoxox

👉Margo's Point of View👈

Ilang weeks na ang lumipas. Ngayon ulit kami magkikita ng mga kabarkada ko 😂 Di ko pa din alam kung paano ako aasta sa harap ni Plut. Ikaw ba naman bigyan ng second button?! Dba?! Di ka kaya mataranta or mailang?!

Btw, ngayon lang ulit kami magkikita dahil ngayon ay ang..... ENGAGEMENT PARTY NINA DRÈ AND CHAR! Oo ngayon na yun! Magiging totoong fiancèe na ni Drè si Char. Pero ang pinagtataka ko lang, hindi man lang sila umangal. Baka totoo talagang may feelings na sila sa isat isa? Or baka may iba pang reason? 😳 Aba okay hindi na ako maging chismosa 😂

Papunta na ako ngayon sa venue na sinabi ni Char saakin. Sa hotel daw ng pamilya nila Drè na bagong bukas. Oo nga guys noh? Ang yaman lang naman talaga oh. Bagong bukas ha? Hotel pa talaga. Pero ano daw hotel? Asan banda sa hotel? Ah basta sa hotel daw eh 👌

Nakarating na din ako sa venue. Ang una kong nakita ay yung tatlong lalaki na nasa harap ng hotel naguusap. Sino? Aba malamang si Ford, Nap at OT. Lumapit na ako sakanila.

"Nap! Long time no see!" Pabiro kong bungad kay Nap. Ngumiti lang siya at nilagay ang mga kamay niya sa pockets niya. Ay oo nga pala, di ko pa ba nasasabi na nakatuxedo ang mga lalaki ngayon at ang mga babae naman naka formal na dress? Lol yeah formal na formal eh.

"Margo! Ganda natin ngayon ah!" OT aba compliment yun ah! Oh di naman kaya nambobola naman to sila. Eh anong maganda ngayon eh nakalugay lang buhok ko tas nakasuot ng red dress. Anong maganda doon?

"Duh. Binobola mo ba ako OT? Tumigil kana." Sabi ko. Nagtaas naman silang tatlo ng kamay na para bang sinasabi na "We swear ang ganda mo ngayon." Susko 😪 boys nga naman talaga oh!

"Nagsasabi kami ng totoo. Ayaw mo bang magmukhang maganda?! Pwes sige PANGIT KA PANGIT." Nap. Sinapak naman siya ni Ford at tumawa silang tatlo. Habang ako napatss na lang. Jusq kung hindi lang kailangan kong maging pormal ngayon edi sana sinapak ko na yang tatlo na yan 😂

"Gago ka bru! Hahaha! Pero seriously Margo, maganda ka ngayon." Nakasmile na sabi ni Ford. Tumango na lang ako at iniba ang topic. Baka kung umangal ako mas hahaba pa toh eh.

"Bakit di pa kayo pumapasok sa loob?" Tanong ko sakanila. Nagsalita ulit si Ford.

"Kung ako lang ang tatanungin mo, ang sagot ko ay. Engagement parties are not my style. Ewan ko lang jan sa dalawa na yan." Tumawa naman si Nap sa sinabi ni Ford. Hahaha ayan nanaman ang style style niya. 😂

"Tangina Bru! Ayan nanaman yang STYLE STYLE na sakit mo! ISTYLE KO YANG MUKHA MO EH! DAHECK HAHAHA!!" Humagalpak na kami nina OT sa kakatawa. Si Ford ayun napasimangot. Hahaha bipolar talaga tong isang to. 😜

"Alam mo Bro, kung hindi lang tayo matalik na magkaibigan. Malamang kanina ko pa tinahi yang bibig mo. I swear Bro. Kung di ka tatahimik, tatahiin ko talaga yang bibig mo." Pagbabanta ni Ford.

"Yun na nga eh! Matalik kasi tayong magkaibigan kaya alam kong hindi mo yun gagawin. Yiieee!" Tinusok tusok pa ni Nap yung tagiliran ni Ford. Kaya naman umiba na talaga ang asim ng mukha ni Ford 😂 HAHAHAHA

"Hahahaha. Pumasok na tayo, baka mamaya magpatayan na tong dalawa na toh hahaha." OT sumangayon naman ako at nauna na kaming dalawa na pumasok.

Hinanap namin yung hall or room na saan gaganapin yung engagement party. At ng nakita namin eh pumasok na kami. Malaki siya infairness, at marami na ding tao. Nakita kong kumaway si Lope saamin kaya lumapit kami doon sa table nila.

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon