60: Jealousy?

68 9 2
                                    

♡♡ Everything ♡♡
⇝ All Rights Reserved ⇜
Jillypie101 ✍

✄----------------------------------------------------------------------------

✑✑✑Die's Point of View

Kung nagtatanong kayo ano na ang kalagayan ni Mich ay ganun pa rin 😔 Pero thankful naman kaming magbabarkada na lumalaban pa din si Mich. At hanggang ngayon todo-dasal kami para gumising na siya. Sabi ng doctor ang tapang-tapang daw ni Mich, usually kasi sa mga ganyan eh alam niyo na.. Diretso... Kaya siguro hindi pa siya bumibigay ay may mission pa siya dito sa mundo ☺️

Punyeta ano ba naman yan naiiyak tuloy ako. Shet~ Pero anyways, narito kami ngayon ng girls (incomplete kami dahil wala si Mich hayyys)  sa school. Oo sa school, mageenroll na kami for college! Hayss, mamimiss ko talaga ang Rockridge kahit maraming mga tarantado doon.

"Alam niyo kanina pa ako nagugutom sa kakaikot natin dito. Punyeta ang laki pala ng eskwelahan nato!" Pagmamaktol ko, tumawa naman si Lope sa sinabi ko.

"Asan ba ang canteen dito? Alam mo?" Tanong niya saken. Tiningnan ko naman siya at sinabi:

"Edi sana kung alam ko kung saan ang canteen! Malamang nandoon na ako kanina pa! Aish.." Napaboom basag si Char at Margo. Lol sorry Lope, gutom langs 😂 hahaha sht.

"Magtanong na lang tayo sa mga students dito." Sabi ni Margo, oo nga ano? Luminga-linga naman kami at nakita kami ng mga group of girls na nakaupo doon sa may nakalagay na 'sassy gang' like wth 🙄

Lumapit na kami doon, at nung nakita kami ng isang miyembro nila nagsilabasan silang lahat ng pepper spray. Muntanga lang! Kala mo may ebola kami. Mga gaga 👊🏻😒 Una sa lahat ayoko yung masyadong maarte na mga babae. Yung tipong nadampi mo lang eh magaalcohol na kaagad. Deputa lang dba?

"Amfuta netong mga maarte. Kala mo naman kung sinong magaganda.." Pabulong ko, napatawa naman si Lope at siniko ako. Nahalata naman ata nung mga babaita kaya tinanong nila ako.

"Excuse me? Are you talking about us?" Ay english pa! Ang taray naman ng mga ito! Wooh bongga! Leche.

"Uhm excuse me din? Hindi po tayo nasa America. Nasa Pinas po tayo, kaya kung ako sainyo tagalog na lang ang gamitin niyong lengwahe..." Tiningnan nila yung lider nila na ngumunguya ng bubblegum. Sos kala mo kung sinong cool, mukha namang paa. Shet sorry po Lord ✌🏼️

"Anong kailangan niyo?! Hindi niyo ba kami kilala?! Pwes kami ang---"

"Sassy Gang tama ba?? Eh kami kilala niyo ba kami?" Nakangiting sagot ni Margo, paano naman kami makikilala eh nakadisguise kami as nerds 😂 Amfutspa naman kasi netong si Lope nerd pa talaga ang piniling pangdisguise lol.

"Hindi? Wala kaming pakialam na alamin ang inyong mga pagkatao.. Like duh, you girls are nerd di kayo nababagay sa school na to." Sabi naman nung isa, aba puta talaga ipapakita ko sayo kung sino binangga mo. 😊

Inalis namin yung nerdy glasses pati yung fake braces ko na kanina ko pang gustong tanggalin at yung iba pang cheche bureche.

Tiningnan namin sila isa isa. Hahahaha kung kanina ang taray ng mga mukha eh ngayon *jawdropped* 😂😂 Eh kasi nga maganda kami? See.

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon