61: Chevrolet

85 11 6
                                    

♡♡ Everything ♡♡
⇝ All Rights Reserved ⇜
Jillypie101 ✍

✄----------------------------------------------------------------------------

✑✑✑Drè's Point of View

At dahil tapos na magenroll ang girls para sa college, eh sinamahan nila ako tutal alam naman daw nila kung paano. Oo kasama ko si CJ dito kami magcocollege kasama ang girls habang sina OT naman at PTE nasa iisang school sina Nap nagkanya-kanya . Iba-iba kasi ang ikukuhang course. 😏

Si Ford? Wag niyo na akong tanungin. Wala na akong communication sakanya. Simula nung naging sila nung putanginang Chelsea na yun eh hindi ko na siya pinapansin. Katangahan yung ginawa niya, akala ko ba naman pinapahalagahan niya yung friendship namin. 😠

Hinihintay namin ngayon ni Char na matapos si CJ sa interview niya. Oo kami ni Char 😍 ohsht Drè parang kang bakla. Leche bat pa kasi umalis yung tatlo (Lope, Margo, Die) alam ko namang iniisip nung mga yun eh. Hays mga babae talaga 😏

"Drè, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Nabigla ako ng hinawakan ako ni Char sa balikat. PUTA BAT MAY KURYENTE?! ANO YUN?! 😳

"Ha?" Wala sa sarili kong tanong. HOY ANDRÈ UMAYOS KA OY!! MAGPAKALALAKI KA!!

"Nakikita mo ba ang nakikita ko kako?"

"Na ang ganda mo?" Pabulong kong sabi. What the fck Drè, umayos ka.

"Ha?!" Siya naman ngayon yung napaha. Act cool Drè!

Tiningnan ko kung asan nakatingin si Char kanina at nakita kong nakatayo si Lope at Chevrolet doon malapit sa labasan. Si Chevrolet at Lope?! Sa pagkakaalam ko kasama ni Lope sina Margo. Asan na sina Margo?!

"Yo!" Sabay kaming napatingin ni Char sa nagsabi ng Yo! Bat nandito si Die at Margo?! putangina ano nanaman toh?!

"Bat hindi niyo kasama si Lope?!" Tanong ko sakanila.

"Sabi kasi samin ni Chevrolet na maguusap lang daw sila ni Lope, sinabi ko naman kay Lope na huwag na sumama sa Chevrolet na yun pero matigas ang ulo eh." Margo, napasapo na lang ako sa noo ko. Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking iyon? 😒

"Ha?! Eh paano kung may mangyaring di maganda kay Lope?!" Napataas tuloy yung tono ng aking pananalita. Nabigla naman silang tatlo nun.

"Kumalma ka nga! Putangina!" Sabi ni Die.

"Oo nga Drè alam ni Lope yung ginagawa niya, tsaka wala namang ginagawang masama si Chevrolet eh. Maguusap lang naman sila.." Margo. Nakatingin ako kay Char na kanina pa hindi umiimik. Anong problema?

"May gusto ka ba kay Lope?" Ako naman ang nabigla ngayon sa tanong ni Char. Hala hala hala! 😂

"Pfft-- Wala akong gusto kay Lope!" Natatawa kong sabi pati sina Margo natatawa. Ay nako ang dali lang magselos 😂😂😂 Wth.

"Oo nga Char, kung alam mo lang nagust-----" Pinandilitan ko ng mata si Margo bago pa niya ituloy yung sasabihin niya. Gago to, ibuking pa ako eh. Tangina.

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon