16: Christmas Ball

260 21 6
                                    

Everything❤️
©Jillypie101
All Rights Reserved

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Dedicated to BlueeGoddess thank you po sa pag-gawa ng book cover ^,^ It's really awesome!

👉Margo's Point of View👈

Ang bilis ng panahon malapit na mag december. Tss, tatanda nanaman ako. Amfufufu! Naman oh! Ang bilis lang eh! Dati-rati hindi naman ganito kabilis ang oras, pero bakit ngayon agh! I just.. Sana nga mag slow-down kahit kunti ang panahon ngayon. Masyadong nagmamadali! May lakad ata! Punyemas.

Anong balita kay Messi? Ayun friends pa din kami. Pero minsan na lang kami nag hahang-out. Eean ko ba, everytime na gusto kong makipagusap sakanya eh bigla bigla na lang susulpot si Plut or di kaya si Airplane. Ewan ko ba kung coincedence lang pero ilang times na din naulit.

Wala naman sigurong gusto saken si Airplane at Plut dba? Dba? Ok mabuti.

Kung may nagkakagusto na sakeng tao, sabihin niyo agad saken! Hahaha ok guys ha! :)

"Ok class. I have an announcement to make." Sabi ni Ma'am. Teka? Ano kaya yung announcement? Bakit parang excited na excited ang feslak netong si Ma'am? Hmm..

"This year is special, because Mr. Rockswell announced that this school year we will have a Christmas Ball. Isn't that Amazing?" Woah! Di ko alam na yung may-ari netong school may kacornihan ding nalalaman. Ulol 😂 Teka, line yun ni Rocky sa Bride for Rent ah?

At dahil loko-loko nga yung mga tao sa room.

"AMAZING!" Sigawan nila, yung iba nag standing ovation pa! Hala sige! Pabida guys! Pabida! Kainis tong mga toh 😑

"Isn't SUPRISING?" Sige pa Ma'am! Push niyo yan! Etong teacher ding eto pabagets bagets e hindi naman bagay sakanya. Tss, seriously wala siya sa lugar. K killjoy ako ngayon HAHAHAHA 😂

"SUPRISING!" Sigaw nanaman ng mga classmates ko. At sa wakas after noon hindi na sila umulit pa. Lol mabuti naman kung ganun. Mabuti talaga 😂

"Padagdag pa, kayo ang pipili ng partner niyo. May contest nga pala during the Christmas Ball, ang contest na iyon ay kung sino ang karapatdapat na maging Christmas Ball Queen and King and Christmas Princess and Prince!" Kaya mas lalo atang nachallenge ang mga classmates ko. Tiningnan ko si Lope na ngayon ay excited na excited! Aha alam kong plano ni Ford. Mwehehe!

Dumating na yung recess break namin. Hindi ako nakasama sa barkada dahil, hinatak ako ni Messi papunta sa likod ng school. Yung unang pagkikita namin ni Messi? Yun. I wonder, baka gusto niya ako maging partner sa Christmas Ball. OMG!

Lord, thank you po dahil dream come true na talaga. Wala nang epal, hindi na umepal ngayon si Plut. Ibigsabihin this is it! This is the day! 😂

"Uhm... Margo.." Ngumiti siya saken, bakit kinakabahan siya? Omg! Don't worry, alam ko na ang itatanong mo! Kung pwede ba ako ang idance mo sa Christmas ball! And my answer is----

"Margo, pwede mo ba akong tulungan kay Precious? Yung kaibigan ni Drè? Pretty please. Ikaw lang kasi ang close ko na babae. Kaya please tulungan mo ako sa plano ko na maging partner ni Precious." Ahh. Hahaha! Assume pa more Margo. Assume pa more! 💔 Kita mo na, malabo talagang isasayaw ka ni Messi sa Christmas Ball. Amfutek! Ang sakit omyy.

"Ahh, ano kasi.. Busy ako.. Sige bye!" Tumakbo na ako papunta ng canteen. Oy hindi ako umiiyak ah! Masakit lang ang puso ko, crush lang naman iyon duh!

Tsaka mabuti naman may gusto siya kay Precious! Kasi yung Precious Lara Villain na Childhood Sweetheart ni Drè? Masama ang kutob ko sakanya. Mas bagay kaya sila Char at Drè. Duh. Mabuti na lang may pang-hila kay Precious. Si Messi! 😑

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon