55: Bisita

148 15 5
                                    

♡♡ Everything ♡♡
⇝ All Rights Reserved ⇜
Jillypie101 ✍

✄----------------------------------------------------------------------------

✑✑✑ OT's Point Of View

Nakahiga lang ako dito sa kama at iniisip yung mga nangyari kaninang umaga. Hanggang ngayon hindi pa din maalis sa aking isipan ang mga nangyare.. Pero ang mas iniisip ko ngayon eh kung ano na ang kalagayan ni Mich. Kamusta na kaya siya? Oo alam kong nasa ICU siya ngayon. Pero sana naman Lord wag niyo siyang pababayaan 🙏🏻🙌🏻

Kinakabahan ako na ewan.. Gugustuhin ko man siyang dalawin kaso yun nga hindi ko pa kaya. Masakit na masakit yung mga sugat na natamo ko. Oo talaga.. Nabalik ako sa realidad ng narinig kong bumukas ang aking pintuan. Tiningnan ko kung sino eto, sus si PTE lang pala.  Kala ko na kung sino... 😑

"Exodus.." Exodus? Bakit eto ang tinawag nito saakin?

"Oh bakit Dmitri?" Pabalik kong saad sakanya.

"Gusto mo bang makita si Mich??"  T-teka ano daw? M-makita si M-mich?? ABA SIYEMPRE OO!! 😳

"Oo gustong-gusto ko siyang makita.. Pero--"

"Tumayo ka na diyan. Pupunta tayo kay Mich." At ngumiti siya saakin. Woah.. Mabait pala tong si PTE? Joke.. mabait naman talaga siya. 😂

"Salamat Bru." 👌🏼

"Anytime! Tara na!" At tinulungan niya nga akong makatayo. May kagandahang loob din pala tong si PTE kahit papaano.. Talaga bang nakamove on na siya kay Mich kaya niya ako tinutulungan ng ganito? Aish bahala na nga.. 😕

----------------------------------------

"Oh Bru nandito na tayo.." Nanatiling nakadikit ang tingin ko sa pintuan ng ICU. Papasok ba o papasok? Akala ko ba gusto mong makita si Mich, OT? Eh bakit ngayon naduduwag kang pumasok? Walangya. Aish.. Ano ba papasok na ako 😰

"Ge. Papasok na ako.." Pagpapaalam ko kay PTE, tumango naman siya bilang sagot.. Here goes nothing..

Pagkapasok na pagkapasok ko bumulaga saakin ang walang malay na Mich. Halos maluha ako sa nakikita ko ngayon.. Bakit?! 😢 Shet nakakabakla ayokong umiyak. Stay strong OT. (Para akong bakla ngayon pero ugh kahit na).

Dahan-dahan kong nilapitan ang higaan ni Mich. Tinitiis ko ang sakit bawat hakbang para lang mapalapit sakanya.. Ang daming nakakabit sakanya.. Naawa ako na nasasaktan dahil siya pa ang nakaranas nito. Bakit hindi na lang ako?! Or si Die?! (Biro lang, patayin pa ako ni pareng napkin) 😬

Hinawakan ko ang kamay ni Mich.. Naalala ko pa yung pumunta kami sa bahay nila Drè, yung ayaw niyang hawakan ko yung kamay niya 😂 Sorry Mich pero hahawakan ko ang kamay mo ngayon, kahit alam kong ayaw mo.

"Mich.. Magpakatatag ka.." Tangina ano ba! Bakit ako naiiyak!! SHET OT BAKLA! Hindi hindi.. Hindi ako bakla. Naiiyak ako dahil nasasaktan ako sa mga nangyari sakanya. Kung bakit siya pa yung naganito. 😔

"Mich, alam mong nandito lang ako. Please sana gumising ka.. Hindi pa nga kita natatanong kung pwedeng maging tayo eh! Alam kong kaya mong lagpasan etong kalagayan mo ngayon.. Wag kang bumigay.. Wag kang bumigay dahil mahal na mahal kita... Mahal na mahal kita Mich.. Sigurado na akong hindi lang ito pagkagusto kundi mahal na kita.. Hayaan mo Mich! Paggising mo, gagalingan ko na sa english! Para hindi ka na mahirapan saakin. Makikinig na ako sa lahat ng lectures mo.. Please gumising ka.. Mahal kita Mich.." Umiyak na ako.. Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang epekto saakin ni Mich.. Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? 😭 Siguro oo nga ang sagot..

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon