44: Rain

201 16 7
                                    

Everything❤️

©Jillypie101

All Rights Reserved

xxxxxxxxxxxxxxxxx

👉Ang Author ang magnanarrate point of view👈

Tumakbo si Nap palabas ng classroom nila. Hindi niya na nakayanan yung sakit na nararamdaman niya dahil sa mga binitiwang salita ni Die. Naiisip niya na siguro masyado na siyang clingy kay Die kaya ganun ang nangyare. Hindi niya na pinansin ang mga taong nakatingin sakanya. Basta gusto niyang makalayo muna kila Die.

Nakarating siya sa likod ng school. Doon niya nilabas lahat ng pagkadismaya at galit na nararamdaman niya. May nakita siyang upuan at winasak niya iyon. Napasigaw naman si Lope sa nakita niya.

Narinig ni Nap yung sigaw ni Lope at tumingin sa likod, nakita niyang bakas sa pagmumukha ni Lope ang pagkagulat at concern. Wika ni Nap sa isipan niya "Anong ginagawa ng babaeng to dito? Tss." Nahalata naman ni Lope kung ano ang ibigsabihin ng tingin ni Nap. Kaya sumagot na siya.

"Nap, magusap tayo. Alam kong kailangan mo ng kausap ngayon." Lope, pagkatapos niyang sabihin iyon. Ay napaluha si Nap. (WOAAAAH! ANG DEEP NG MGA WORDS KO DITO TAE DI AKO SANAY!! PAGPASENSYAHAN KUNG WRONG GRAMMAR! XD)

"Lope, ang sakit eh. Tangina! Masyado kasi akong clingy. Tanga ko Penelope! TANGA KO!" Lumuhod si Nap habang umiiyak. Nilapitan naman agad siya ni Lope.

"Tanga ko kasi eh! Bakit kasi di ko maintindihan kung bakit ayaw niya saakin?! Ngayon alam ko na! Shit langs. Kung alam ko na ganito pala ang mararanasan ko edi sana hindi ko na lang ginawa iyong mga pagkakamali ko in the first place! Sana hindi ko na lang siya tinawag na tambutso o di kaya angkinin para di ako masaktan ng ganito. Fuck this. I hate this!" Huminga ng malalim si Lope.

"Nap, alam kong nasaksaktan ka sa mga sinabi ni Die. Maski siguro ako kapag ako yang nasa position mo eh masaksaktan din. Medyo below the belt na yung mga sinabi niya eh! Haysss. Si Die talaga oh! Jusko nakakalurkey!" Pagkatapos sabihin ni Lope yung "nakakalurkey." Ay tumawa si Nap.

"Hahahaha. Hindi naman siguro, tama naman talaga yung sinabi niya saken eh. Lahat ng ginawa ko ay mali. Yun ang totoo eh.." Napansin ni Lope na medyo kumalma na si Nap. Kaya tinanong niya na ito.

"Totoo, totoo. Neknek mo! Hahaha. Pero, anong plano mo ngayon?" Lope. Napabuntong hininga naman si Nap sabay sabing..

"Iiwasan ko muna si Die." Nanlaki ang mata ni Lope sa desisyon na ginawa ni Nap.

OKAY BALIK TAYO SA MAIN CHARACTERS! JUSKO DI KO KINAYA! Jk jk! 😂 MASYADONG DEEP EH! DRAMA! Okay okay..

____________________

👉Char's Point of View👈

Nakita naming sinundan ni Lope si Nap. Siyempre guy bestfriend kaya support si Lope. Hahaha! Ngayon habang naglalakad kami para puntahan si Nap at Lope ay inaasar namin si Ford 😂

"Hala! Baka mamaya makascore si Nap kay Lope. Alam mo naman yun dba? Angas ng dating!" Drè, napadeath glare sakanya si Ford. Hahahaa! Naasar na tong si Ford halata na! 😂 Jusme!

"Bish please, alam kong di yun magagawa ni Nap." At eto nanaman ang kanyang peymus line na "bish please." Yung totoo Ford? Ginagaya mo ba si Kris Wu sa Exo? Ay oo nga pala guys. Kami ni Lope at Die? Fan ng exo! Exo-L's kaya kami. Wahahaha 😂 Ako di naman masyadong obsess sakanila. Pero si Lope? Aba die hard mga bregs!

"Paano ka naman nakakasiguro? Eh sa ganda ni Lope. Gwapo naman si Nap. Di malabong may mamumuong feeling sakanila dba? Think about it!" Drè. Tumawa ako sa sinabi ni Drè. Wahahaha! Inaasar niya talaga si Ford. Tama naman yun! Para sabihin na ni Ford ang true feelings niya kay Lope. 😝 Dba guys?

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon