54: PTE's Idea

121 13 6
                                    

♡♡ Everything ♡♡
⇝ All Rights Reserved ⇜
Jillypie101 ✍

✄----------------------------------------------------------------------------

✑✑✑ Margo's Point of View

Magisa lang ako ngayon dito sa kwarto. Ewan ko ba kung asan pumunta si Die, sabi niya siya babantay saaken ngayon. Hayss nakichismis siguro. Forever alone Margo, saklap! 💔

Paano ba to 😭 May sugat ang kamay ko (kamay at braso perhaps) paano ako makakasulat nito? Ay tange Margo, wala namang klase ano pang isusulat mo. Aba malay natin may isusulat ako. Like pangalan sa bill ng hospital. Dba ganern? Hayss.. Left pa talaga wala na.

Nagulat ako ng pumasok si PTE sa kwarto ko. Walangya anong ginagawa ng abnormal na to dito? Ay dejk. Hahaha di naman siya abnormal ✌️ Mukha lang. (Oy Margo kung makalait ka naman akalain mong ang ganda ganda mo na.) Like duh? Maganda kaya ako. Tanong niyo pa sa Nanay ko! Hahaha ge.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Kinuha niya yung upuan at umupo sa gilid ng kama ko. Tiningnan ko naman siya na para bang minomonitor ko bawat galaw niya. Eh kasi nakakapanibago 😂 Parang problemado yung mukha niya na ewan.

"Wow ha! Ganyan agad bungad mo saken? Wala man lang ba 'Hello PTE! Anong maiitulong ko sayo?' Mga ganun na linya?" Naparoll eyes naman ako sa sinabi niya. Daheck! That's too corny. Dejk 😝 Harsh ko na talaga. Sarreh!

"Oh sige. Ahem ahem."

"HELLO MR. DMITRI NICKEL TUNGSTEN, WHAT IS YOUR PROBLEM AND WHAT CAN I DO FOR YOU?!" Sigaw ko sa tapat ng mukha niya. Kaya naman napapikit siya at pinahid ang panyo niya sa mukha niya. Ha kala mo ha 😂 Ginusto niya yan!

"Hindi mo naman kailangan maging proud sa laway mo!! May laway din naman ako tsaka ngayon ko lang nalaman na proud ka pala sa baho ng hininga mo." Napaatras naman ako sa sinabi niya. Ay walangya.. Nakalimutan ko nga palang magtooth brush kaninang umaga. Wengya Margo! EPIC FAIL!! 😨

"Ah-eh.. Pake mo ba kung proud ako?! Tss. Ano na nga kasi ang ginagawa mo dito?!" Pangiiba ko ng topic. Jusko Margo, mamaya magtooth brush tayo. Baka maamoy pa ni Pluto ang hininga mo maturn off yun sayo. Wait, kailan pa ako naging ganito ka conscious kay Pluto? Nevermind about Plut thingy.

"Margo, may problema kasi ako. Tsaka sayo ko lang to masasabi dahil, alam kong trusted ka. At isa pa babae ka." Teka teka teka.. Parang narinig ko na tong linya na to ah? Putangina! Bakit ang hilig ng mga lalaki lumapit saken kapag may problema sila? Una si Messi ngayon naman si PTE? Yung totoo? ANONG MERON SAAKEN?! 😟

"Teka nga! Di lang naman ako yung babae sa barkada natin ah? Bakit di ka magshare kay Lope? Or di kaya kay Die? Kay Char? Bakit saakin pa?!"

"Eh sa mga chismosa yung mga yun. Lalo na si Die puro satsat, di napipigilan ang bibig.." Gago to ah? Masabi nga kay Die na sinasabihan siya ng ganito ni PTE 😂 Siguro bukas burol na agad ni PTE. Siguradong sigurado na ako!

"Gago ka! Hahaha! Oh sige sige. Anong problema yan?" Tanong ko. Huminga naman siya ng malalim at sinabi ang mga katagang nagpanganga saakin. Literal...

"Nakabuntis ako."

"Ha?"

"Nakabuntis ako!"

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon