25: Plan

208 15 2
                                    

Everything❤️
©Jillypie101
All Rights Reserved

xxxxxxxxxxxxxxxxxx

👉Margo's Point of View👈

9:00 na ako nakagising dahil ang tagal naming umuwi kagabi. Mga 2 na ata yun eh! Nag roadtrip pa kasi kami ng barkada. Letse lang! Di pa din ako makagetover sa Destiny Dance. Punyemas destiny ko daw ba si Plut! 😂 Ah it's just a game. So no worries.

Nag-online na ako. Ang daming kumuha ng mga litrato namin! Waw. Ang famous talaga nuh? Hahaha 😂 May fans na din nga ako eh. Wth lang dba? Siguro kung hindi ako anak ng isang elite hindi ako ganito kafamous! (Mas maganda ngang hindi maging famous.) Dba?

*kaching

Messi Ronaldo: Hi Margo! Free ka ba mamayang 3:00?

Omygosh! Nagchat saakin si Messi! 💕 Ok kalma Margo, dba gusto niya si Prey? Aish. Wag na lang mag assume.. Masama dba yun guys? Ke!~

At dahil wala naman talaga akong gagawin ngayon, nireplyan ko na.

Margaux Galaxy: Yup. Why?

Messi Ronaldo: Kita tayo sa Starbucks sa D Mall.

D mall? Mall nanaman nila Lope! Ang dami nilang mall noh? Mayaman eh! Pero wait, bakit kaya gusto niyang makipagkita saakin? Ah baka namimiss niya ako! 😂 Okay fine. Ang kapal na ng mukha ko. Asa naman ako!

Margaux Galaxy: Ok.

Messi Ronaldo: Yes! See you there 😊

Inoff ko na yung desktop saka pumunta sa baba. Kakain muna ako!~ It's 1:00. Sila Mommy? Ayun nanonood ng telenovela sa sala. Ganyan palagi ang scene dito sa bahay namin. Ako nasa kwarto basa basa or di kaya maging singer, or di kaya baba lang ako kakain tapos pupunta sa garden. Yun😂

Kumuha ako ng isang slice ng chocolate cake at pumunta sa garden. May kalaro kaya ako dito! Si Buddy yung labrador naming aso. Ang cute niya! Siya palagi ang kasama ko kapag nabobored ako sa taas.

"Hi Ate!" Speaking of, minsan kasama ko tong kapatid ko. Si Saturn take note babae siya pero Saturn ang pangalan niya. Basta call her Saty. 😂

"Bakit ka andito?" Tanong ko. Eh sa gusto kong mapag-isa! Epal namang kapatid toh 😑

"Magfifishing ate. Common sense naman! Edi lalaro kay Buddy!" Masanay na kayo, pilosopo talaga yang kapatid ko. Nakuha niya ata kay Papa. I mean namana pala!

Umupo na ako sa damuhan at nagstart kainin yung dinala kung chocolate cake. Dahil madamot ako, di ko binagyan si Saty. Manigas siya diyan! Nagtatanong ako ng maayos kanina eh pilya yung sagot niya. Ha! 😒

"Ate may boyfriend kana?" Nabigla ako sa tinanong niya. What da hell?! Sa itsura kong to may boyfriend ako? Single ako nuh!

"Wala. Bakit mo natanong?"

"Nakita ko kasi sa picture na may kasama kang boy. Alam mo Ate, bagay kayo! Yieeee!" Don't tell me si Plut ang tinutukoy neto? *facepalm* Sino pa ba ang escort ko kagabi? Edi ba si Plut? Aish.

"Kaibigan ko lang yun. Wag kang assuming!"

"Kaibigan or Ka-ibigan? Hihihihi!" Okay that's it! Asan nalalaman ng kapatid ko ang mga ganito?! Letse lang! Ang bata niya pa para dun! Eh ako nga hindi ko alam kung ano yang ganyan ganyan about sa love or sa bf or gf. Grrr 😖

"Ikaw ha! Ang bata mo pa para sa mga ganyan! Maligo kana dun! Ambaho mo!" Pagtataboy ko sakanya. Nag pout ang loka loka sabay sabing.....

"Ikaw mag tooth brush ka dun, ambaho ng hininga mo." Sabay lakad papalayo. Binato ko nga yung tsinelas ko sa ulo niya.

BOOM SAPUL! 😂

xxxxxxxx

Papunta na ako sa D Mall. Nakasakay ako sa porsche ni Daddy, pero hindi naman siya yung nagdadrive kundi yung driver namin. Tamad kasi! Ang swerte ng driver namin no? Porsche pa ang dinala!

I'm wearing blue. As in blue lahat! Eh sa trip kong magblue. Walang basagan ng trip! Kanyang kanya diskarte lang yan ano! Durh. So bytheway. Nakarating na kami ng D Mall, binigyan ki ng kaunting kaching yung driver namin. Para ano? Para naman maging happy siya! 😂

(A/N: See the picture of Margo on multimedia)

Agad agad akong pumunta sa Starbucks. At dun ko nga nakita si Messi. Woah! Ang gwapo niya omygosh! Like wth! 😂 *patump *patump (heartbeat yan)

"Hi Messi!" Napatingin kaagad siya sakin. At inalayan akong umupo. Waah gentleman siya mga pards! Hahaha turn on! 😍

"Oy Margo, buti naman nakarating ka." Nakangiti niyang sabi. Okay my heart is meee----

"Ahm wala namang ginagawa sa bahay. Buti nga nag-aya ka eh!" Tumawa siya pagkasabi ko nun. Hahaha wala namang nakakatawa dun ah? 😁 K fine.

"Haha, ano kasi. The reason na pinapunta kita dito ay gusto kong tulungan mo akong maging ideal boy ni Prey." Teka hanudaw? Sabi ng hindi na dapat talaga ako umasa eh. Tingnan mo tuloy kung anong napala mo Margo. 💔 De jwk.. Hindi naman sa heartbroken ako, disappoint lang.

"Ha? Eh hindi naman kami close ni Prey ah." Sabi ko. Buti naman hindi ako nautal dun!

"Oo nga pero ikaw ang kaclose kong babae. Dba ang babae alam niyo lahat kung anong maganda para sa mga lalaki? Kaya please lang. Pleaseeeee..." Aish. Close ba kami? Eh parang hindi naman masyado! Ang close ko sina Pluto! Wait. Ano? Erase..

"Di naman lahat na babae alam ang maganda para sa lalaki.. Tsaka paano mo nasabing close tayo?" Tinaasan ko na siya ng kilay. Pakipot muna me! Joke. Totoo namang parang hindi pa kami close.

Dumikit siya ng dumikit saakin sabay sabing...

"Oh ayan close na tayo! Sige na pretty please Margooo!" Takte!~ Naiilang na ako sa pwesto namin! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Waaaaaah!~ Sige na lang lang.

"Basta yang plano mong yan walang makakasakit na tao?" Pag aasure ko sakanya. Ayokong may masaktan sa plano namin.

"Oo promise! Cross my heart!" Tapos nag move na siya palayo saakin. Hay salamat!~ Freedom!!!

"Sige deal! Ilang days?" Tanong ko. Ayoko ng months! Di na ako payag dun! Duh. Ayokong mahiwalay ng ganung katagal sa barkada.

"1 week lang. Pero pwede bang iintroduce mo ako sa barkada mo?" Sabi niya sabay ngiti ng matamis na matamis.

"Oh sure! Basta 1 week. Wala ng extensions." My decision is final.

Tutulungan ko si Messi. Papayag ako sa plano niya! Sana lang wala talagang magbigay ng malisya sa plano namin. Tsss 😭👍

____________________________

👉Plut's Point of View (Short)👈

Nandito ako sa starbucks. Dito kasi yung meet up namin ni CJ. Ang tagal niya! Huhuhu. Luminga linga ako sa paligid ng may mahagip ang mata ko.

Si Margo may kasamang lalaki? Sino siya?! 😠 Ah baka babae yun nagpanggap na lalaki! Yah tama tama nga. Pero bakit sumisikip ang dibdib ko? Aish! Pupunta na talaga ako sa doctor mamaya! 😑

EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon