JANNA'S POV
I saw him. Right in front of my eyes. It's him.
"Z-zooey..."Nasabi ko na lang. Hindi pa din makapaniwala.
"Janna..."He said. Smiling.
Naramdaman ko na lang na umiinit na ang loob ng mata ko. Nagtutubig na. Hanggang sa naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko.
"Zooey!"Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
Hindi ko akalaing ang lalaking matagal kong inantay na makita andito na sa harapan ko. Namatay na ako at nabuhay ulit, napagdaanan ko na ang lahat. Ngayon, andito na siya...
Binalik niya ang yakap. "Janna. Mahal na mahal kita."
Hinalikan ko siya. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labing nakadikit sakin. Patuloy pa ding tumutulo ang mga luha ko.
"M-mahal na mahal..."humihikbi ako. Hindi ako makapagsalita ng maayos. "D-din kita Z-Zooey. P-please... wag mo na ako ulit iwan. I beg you."
"Sh-shhhh..."Niyakap niya ako. "Yes baby. I'm here. Andito na ako. Hindi na ako aalis. Don't worry. I'm here for you. No one can break us now."Niyakap niya ako ng mas mahigpit.
Niyakap ko din siya ng mahigpit na mahigpit. Hinding-hindi ko na siya papakawalan pa. Nagyakapan kami na para bang wala na ngang makakapag-hiwalay samin.
Naramdaman ko nga na magkakonekta ulit ang mga puso namin ng mga oras na to. Hanggang sa naisip ko na, hindi nga niya ako iiwan, pero... ako naman ang mang-iiwan.
Pag natupad ko na ang misyon ko, babalik na ako sa langit. Kung hindi ko man tapusin, hinding-hindi na ako makakabalik sa langit.
Ayoko namang iwan siya dito. Niyakap ko siya ng mas mahigpit. Sobrang higpit.
"Fate. What's happening to you? Ayos na yan. Hindi na tayo magkakahiwalay. Hahaha!"Ang mga tawang iyon. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya niya. Yung sayang alam mong sigurado na. Na alam mong panatag siya. Mas nalungkot ako.
Mukhang hindi niya alam na may mission ako dito. Ayokong bawiin ang sayang yun.
Kung alam mo lang Zooey...
"Oo nga Fate. Hindi na tayo maghihiwalay."Nagsinungaling ako. Ngayon... kahit ngayon lang. Maranasan naming maging masaya.
Kumalas siya sa yakap at inangat niya ang mukha ko.
"I love you Fate."Tumingin siya sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal. Nangungusap sa kaluluwa ko. Sa kaloob-looban ko.
"I-i love you too Fate."Sumagot ako at hindi ko nanaman napigilang umiyak. Humagulgol ulit ako.
"Oh... oh. Bakit naiiyak ka nanaman. Sabi ko nga sayo, hindi na tayo magkakahiwalay. Tapus na ang lahat. Pinagtagpo na ulit tayo ng langit."Ngumiti na lang ako at kinagat ko ang labi ko.
"Tama na yan hah."Mabilis niya akong hinalikan.
"O-okay."Na lamang ang naisagot ko.
"Bukas na bukas din Fate. Magbabakasyon tayo. Para naman makapag-bonding tayo. Hindi pa naman tayo nakakapag-honeymoon diba?"Ngumiti siya ng nakakaloko.
Sandali namang nawala ang lungkot ko. Eto talagang asawa ko.
"Ikaw talaga."Sabi ko nang tumawa ng matamlay habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Bakit, ayaw mo ba?"Kumagat siya sa labi. Ano ba yan! Nang-aakit ba siya? Kung oo, umuubra ang plano niya.
"Pssshhh. Ikaw talaga. Ang cute-cute mo."Kinurot ko ang magkabila niyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Driven Angel [Under Revision]
Adventure"True love conquers all." Yan ang madalas na sinasabi ng iba. Is it really true? Well, maybe true. Dahil madalas naman tayong nakakarinig ng mga kuwento na nagsakripisyo at nagtagumpay dahil sa pagmamahal. Pero paano kung langit na mismo ang kailang...