Chapter 8: "Her heart"
JANNA'S POV
Naging masaya naman ang quality time namin ni Nina. Naramdaman kong naging masaya naman kami pareho. Sandali naming naka-limutan ang problema naming dalawa.
"Ano Nina? Isang movie pa ba o pagod ka na?"Tanong ko sa kanya. Katatapos lang kasi namin panuorin Ice Princess ng Disney. Ang ganda. Very inspirational.
"Haha! Kaya ko pa no. Ano, Titanic naman?"Tanung niya sakin. Medyo nag-alangan ako dun dahil baka hindi ko kayanin dahil sa mga problema ko ngayon.
Pero dahil sabi ng bestfriend ko, sige.
"Oh sure. Salang mo na."At ipinasok na nga ni Nina ang Titanic sa DVD Player.
Hindi nag-tagal ay nag-umpisa na kaming manuod.
-----------
Nandito na kami ngayon sa ending kung saan nahati na ang barko at nasa karagatan na si Jack at Rose.
Unti-unti nang bumibigat ang pakiramdam ko.
"You must promise me... that you won't give up... no matter what happens. Promise me now Rose..."Sabi ni Jack kay Rose. Naiiyak na ako.
"I promise."Sagot ni Rose. Unti-unti nang tumutulo ang luha ko.
"And never let go of that promise."Sagot naman uli ni Jack sa kanya.
Humahagulgol na ako.
"I'll never let go Jack. I'll never let go."Ang nakapangingilabot na sagot ni Rose.
Hanggang sa pinakawalan na nga niya si Jack sa dagat. Dahil namatay na ito.
Hindi ko naiwasang maka-relate sa kanilang dalawa dahil ang huling pagkikita namin ni Jack ay puno din ng pangako at pag-sasabing hindi kami bibitiw.
Nagwawala na ako sa pag-iyak dito. Napansin kong ganun din si Nina. Nagka-tinginan kami at nag-yakapan na lang. Para man kaming tanga, nandito naman kami para sa isa't-isa.
Ganun lang kami hanggang matapos na ng tuluyan ang movie.
"Haayyy. Grabe Best. Nakaka-iyak no?"Tanong sakin ni Nina.
"Oo nga best eh. Grabe."Sagot ko sa kanya.
Kinuha na niya ang DVD sa loob ng player at binakik sa lalagyan.
"Osya Best. Uwi na ako. 7:00 PM na din eh."Pagpapaalam ko sa kanya.
"Ay. Osigesige. Ingat ka ha. Hatid na kita sa labas."Sagot niya.
Bumaba na kami ng hagdan. Agad akong nagpaalam kay Tita Leny at lumabas na kami ng gate.
"Osya. Pagaling ka na Best ha. Wag mo na isipin yung mga nangyari. Makakalimutan mo din yun."Sabi ko sa kanya sabay binigyan ko siya ng pinaka-matamis kong ngiti.
"Di ko alam Best eh. Siguro makakalimutan ko pero matagal bago ako uli maging malapit sa mga lalaki."Sabi niya sakin.
"Haayy Nina. Balang araw, mahahanap mo rin ang lalaking para sayo. Dadating din siya sa buhay mo, na magpapa-bawi ng nararamdaman mo ngayon at magpaparamdam sayo ng seguridad at pagmamahal."Sagot ko naman sa kanya
"Sana nga Best. Sana nga. Osya. Sakay ka na sa kotse mo at baka ma-late ka pa ng uwi."Sabi niya at nag-beso kaming dalawa.
Sumakay na nga ako ng kotse at kumaway sa kanya. Ganun din siya sakin. Hanggang sa tuluyan na kaming nagkawalaan sa paningin ng isa't-isa.
Nakaka-awa naman ang bestfriend ko. Ramdam ko ang lungkot niya.
This time. It's really not about the Mission. It's all about my bestfriend.
NINA'S POV
Tuluyan na ngang umuwi si Janna. Napaka-saya ko nanaman dahil nagkapatawaran na kaming dalawa.
Pumasok na ako ng bahay. Agad akong sinalubong ng Mommy ko.
"Oh anak. Naka-uwi na si Janna?"Tanong niya sakin.
"Opo Mommy."Sagot ko naman sa kanya.
"Buti naman. Kamusta? Nag-enjoy naman na kayong dalawa?"Tanong niyang muli sakin.
"Opo Mommy. Super. Natuwa po ako dahil kahit papaano po ay napagaan niya ang pakiramdam ko."Sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun anak."Masaya niyang sagot.
"Sana Mommy tama ang sinabi niya. Maka-hanap nga po sana ako ng lalaking magpapabago ng paningin ko sa kanila. Yung magpaparamdam sakin ng seguridad at pagmamahal."Malumanay kong saad kay Mommy.
"Sigurado ako dyan anak."Sagot niya sa akin. Binigyan niya ako ng assurance.
"Thanks Mommy."Sabi ko sa kanya then I gave her a war hug.
"Hay anak ko. Kaya mo yan."Sabi niya sakin.
Pagkatapus nun ay umakyat na ako sa kuwarto ko.
Sana nga maka-hanap ako ng ganung lalaki.
Binuksan kong agad ang cellphone ko at bumungad sakin ang isang text.
From: Dino (+639000000000)
Get well soon Nina. :)
7:09 PM 06/03/14 ---> RECEIVED
-End of Chapter 8
BINABASA MO ANG
Driven Angel [Under Revision]
Avontuur"True love conquers all." Yan ang madalas na sinasabi ng iba. Is it really true? Well, maybe true. Dahil madalas naman tayong nakakarinig ng mga kuwento na nagsakripisyo at nagtagumpay dahil sa pagmamahal. Pero paano kung langit na mismo ang kailang...