ZOOEY'S POV
Nagising na lang ako nang natapos na ang panaginip. Tila napakabilis pero napakatindi ng epekto. Agad akong bumangon at nilabas ko ang pakpak ko.
Luamabas ako ng bahay ko at hinanap ko agad ang nasabing Fountain of memories.
Nakita ko ito agad. Papalapit nako dito nang mapansin kong nakakandado ito.
Hindi to puwede! Kailangan kong makapasok! Kailangan kong makita ang babaeng yun! Kung sino man siya.
Hindi ko man alam kung bakit ganito na lang ang pagkagusto kong makita siya pero parang may humihila talaga sakin para makilala siya.
Ayaw talagang bumukas. Lumipad ako papunta sa tuktok ng hedge. Napakataas!
Natanaw ko na ang Fountain of memories. Napaka-ganda. Tulad na tulad ng nasa panaginip ko!
Lilipad na sana ako papasok ng mabangga ako na dahilan para mapaatras ako.
May harang na hindi ko makita. Sinubukan ko ulit pero ayaw talaga.
Naka-ilang bangga ako dito! Hindi ko talaga kaya.
Bumaba na lang ako.
Tinignan kong maigi ang gate. Kandado pa din ito.
Hingal na hingal ako. Napatingin na lang ako dito at parang lalong nalakas ang nararamdaman ko para makita ang babae.
Nagulat na lang ako ng umilaw ang gate. Dilaw to. Sobrang liwanag!
Bigla na lang itong bumukas.
Hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Pumasok nako dito.
Katulad na katulad ito nang sa panaginip ko.
Lumipad ako ng sobrang bilis. Tumalon ako sa fountain.
Lumabas sa paningin ko ang mga alaala. Unti-unti nang nagliliwanag ang mga pangyayari.
Naaalala ko na ang lahat. Si Janna... Si Janna ang babaeng ito.
Malakas akong niluwa ng fountain. Basang-basa ako ng tubig na nakinang.
Nagdatingan ang konseho.
Hindi maipinta ang mga reaksyon nila.
"Isa nanaman?! Umulit nanaman?!"Malakas na tanong ni San Pedro.
"Akala ko nabura na nang tuluyan ang alaala niya? Diba siya din ang iniibig ni Janna dati?"Tanong ni San Gabriel.
"Si Janna?! Kilala niyo si Janna?"Malakas kong tanong sa kanila.
"Oo. Kilala namin siya."Sagot ni San Gabriel.
"Dalhin niyo ako sa kanya! Nagmamakaawa ako! Kailangan ko siyang makita."Pagmamakaawa ko sa kanila.
"Tila naulit ang mga pangyayari dati. Hayyy."Sabi ni San Ezekiel.
"Hindi ko kayo maintindihan."Sabi ko sa kanila.
"Ang roleta ang magdedesisiyon kung makikita mo si Janna o hindi. Ikaw ay nagkasala katulad niya."Sagot sakin ni San Gabriel.
"Ano ang nangyayari? Nagkasala? Pano?"Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.
"Halika na lang anak."Inaya ako ni San Pedro.
Sumunod na lang ako. Kailangan kong maintindihan ang lahat ng ito.
Dinala ako sa isang stadium. Nakapaikot sakin ang mga anghel na naka-upo sa papataas na mga palapag.
Nasa gitna ang isang malaking roleta na punong-puno ng iba't-ibang nilalang sa bilog nito.
"Ano ito?"Naibulong ko na lang sa sarili ko.
"Roleta ng buhay, ipakita mo sa amin ang pag-ikot na tunay para sa anghel na sumuway!"Malakas na sigaw ni San Pedro.
Mabilis na umikot ang roleta, at tumapat sa "TAO".
Nagliwanag ako at unti-unting nawala ang pakpak ko.
Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari.
JANNA'S POV
Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko. Napaka-imposible.
Hindi ko alam kung tuwa ang mararamdaman ko, takot, o kung ano man. This is too much to handle. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"Ibig mo bang sabihin, naalala niya din ako? May humatak din sa kanyang pakiramdam sa Fountain of memories?"Tanong ko sa kanya.
"Ganun na nga."Ang sagot niya sakin.
"Sa Free-will din ba siya tumapat?"Tanung ko uli.
"Hindi. Sa Tao ang tapat niya."
"Anong ibig sabihin nito? Nakalimutan na ba niya ako? Kilala niya din ba ako?"Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Kilalang-kilala ka niya katulad ng pagkakakilala mo sa kanya ngayon."Mabilis akong natuwa sa mga sinabi niyang yun.
"Wala ba siyang misyon katulad ko?"Tanong ko sa anghel.
"Wala. Isa na talaga siyang tao. Normal na tao. Nabubuhay, at puwedeng mamatay."
Nagulat ako dun. Tila normal na ang lahat.
"Pero binabalaan kita. Wag ka masyado maging masaya. Maaari ngang magkakasama kayo ngayon, pero panandalian lang yan. Pag natapos mo na ang misyon mo, babalik ka na sa langit. At alam mo naman kapag naggawa mong hindi ituloy ang misyon mo. Manlalagas ang pakpak mo at hindi ka na makakabalik sa langit habambuhay."Sabi niya.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Yun lamang ang mga maibibigay kong impormasyon sayo ngayon. Paalam."Sabi niya atsaka naglaho.
Lalo akong naguluhan sa mga pangyayari. Masyado nanamang madami para makaya ko.
Pero hanggang ngayon, hindi ako makapananiwala na kahit panandalian lang, magkakasama na ulit kami ni Zooey! Hindi na ako makapag-antay. Matapos lang talaga tong pakikipagkita ko kay Dino.
Nang nag-tago na ang pakpak ko ulit, lumabas na ako sa CR.
Wala na masyadong nakatingin sakin paglabas ko dahil siguro umalis na ang iba kanina.
Umupo ako sa lamesa ko kanina.
"Janna!"Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Andyan na si Dino.-End of Chapter 16
BINABASA MO ANG
Driven Angel [Under Revision]
Aventura"True love conquers all." Yan ang madalas na sinasabi ng iba. Is it really true? Well, maybe true. Dahil madalas naman tayong nakakarinig ng mga kuwento na nagsakripisyo at nagtagumpay dahil sa pagmamahal. Pero paano kung langit na mismo ang kailang...