Chapter 11: "That kiss"
DINO'S POV
Natulala na lang ako pagkatapos ng mga pangyayari. Mga ilang minuto na rin siguro ang naka-lipas ng nagmamadaling pumasok si Nina sa bahay dahil sa nangyaring "Kiss".
Ang magical talaga nung nangyari. Napangiti na lang ako at di nag-tagal, pumasok na ako sa kotse.
Umupo ako sa Driver's seat, hinawak ko ang kaliwang kamay ko sa manibela, samantalang ang kanang kamay ko naman ay napa-hawak sa front seat.
May nahawakan ako malamig, matigas at makinis na bagay. iPhone5.
Oh crap! Ngayon niya pa naiwan to?
NINA'S POV
Grabe. Ang sarap nung halik na yun. First kiss ko siya.
Hanggang ngayon, nakatalikod pa rin at naka-sandal pa din ako sa gate. Hawak-hawak ko ang labi ko, at naka-ngiti. Mga ilang minuto na lang din mula nung pumasok ako pero nakatulala pa din ako.
Bumalik lang ako sa aking sarili nang tumunog engine ng sasakyan. Kaaalis pa lang ni Dino? Bakit parang ang tagal?
Pumasok na ako ng bahay at bakas pa rin sa mukha ko ang kilig. Agad naman itong napansin ni Mommy.
"Oh. Bakit ngiting-ngiti ka jan? Masaya ba naging lakad niyo?"Medyo nahiya naman ako. Nahalata agad.
"Oo naman Ma."Sagot ko na lang at kumiss sa kanya. Umakyat na ako sa kuwarto ko at tumalon sa kama. Inilagay ko ang unan sa mukha ko at umirit dun.
NAKAKAKILIG KAYA! ≧﹏≦
Tumulala naman ako pagkatapus nun dahil ramdam ko pa din ang malambot na labi niya. Grabe.
Eto na ba yung sinasabi nilang lalaking magpapabago ng tingin ko sa kanila at magpaparamdam sakin ng seguridad at pagmamahal?
Sana nga...
Maka-lipas ang isang oras, pumasok si Mommy sa kuwarto.
"Anak. Tumawag si Dino. Kunin mo daw ang cellphone mo kay Janna bukas ng mga 10 ng umaga."Sabi niya sakin.
Nag-taka naman ako.
Aish! Naiwan ko pala sa sasakyan niya. Hindi ko napansin.
"Ay. Osige po Ma. Ako na pong bahala."Sagot ko.
"Teka nga anak. Bakit hindi niya na lang sayo ibigay? Bakit ke Janna niya pa idadaan?"Tanong niya sakin.
Oo nga no? Bakit hindi na lang sa akin? Ke Janna pa ipapabibigay. Hindi kaya... hindi kaya nao-awkward sa sakin dahil dun sa kiss. Biglang nag-flashback sakin yung kiss.
Agad naman akong napa-ngiti. Kinikilig nanaman ako! ≧﹏≦
"Oh. Anong nanamang nginingiti-ngiti mo jan?"Tanong sakin ni Mommy. Naka-ngiti nanaman ako!
"Wala to Ma."Sagot ko na lang.
"Alam mo nak. Nagiging weird ka na. Basta-basta ka na lang laging nangiti. In love ka ba?"Tanong niya sakin.
"Si Mommy talaga oh!"Sigaw ko. Ganun na ba ako ka-obvious?!
"Joke lang anak. Maganda nga yan para makamove-on ka. Just follow your heart."Sabi na lang niya.
Naginhawaan naman ako sa sinabi ni Mommy.
"Okay Mommy."Sagot ko tapus tumayo ako at niyakap siya. Yumakap siya pabalik then we let go.
"Osya sige. Tulog ka na. Mukhang me lakad ka nanaman bukas."Sabi niya.
"Yes po."Sagot ko tapus lumabas na si Mommy.
Pumunta na ako sa kama at natulog.
DINO'S POV
Pagka-uwi ko, tumawag ako kay Tita na kunin ni Nina ang cellphone niya kay Janna bukas ng 10:00 AM. Kaya may oras para hindi kami mag-tagpo.
Hindi ako nababading at na-awkward sa kanya dahil dun sa kiss ah. Ahmm.. ano lang. Ayoko lang na mag-kita kami ng magka-sunod na araw. Malas daw na mag-kita ang dalawang tao ng dalawang araw na magka-sunod. Ata.. tama! Basta yun yun.
Nag-shower na nga ako pagka-tapos ko mag-gym sa 3rd floor namin. Ang sarap ng tubig. Ang init. Parang yung kiss namin ni Nina.
Nag-flashback nanaman sakin. Sheeeet. Nababaliw na ba ako?
Pinatay ko na ang shower pagkatapos kong mag-sabon at mag-banlaw. Nag-bihis na din ako.
Humiga na ako sa kama. Ang lambot ng kama. Parang yung labi ni Nina.
Oh no. This is not happening. Nababaliw na nga ata ako. Nag-taklob ako ng unan sa mukha. Sobrang lapit ng unan. Kasing lapit ng mukha namin ni Nina nung---damn! Stop it Dinouver Ramos! Tama na ang pag-iisip ng kiss!
Hayyy.. this is gonna ba a long night.
----------------
"Hmmmm..."Ungot ko na lang sa sarili ko.
Aish. Ambigat ng pakiramdam ko. Puyat banaman ako. Urat yung kiss!
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Napatingin ako sa orasan.
9:30 AM...
Pumikit ako uli.
Ohmy! "9:30?!"Biglang sigaw ko pagkabangon.
Hindi puwede! Hindi kami puwedeng magka-kita!
Agad akong nag-shower at nag-bihis ng mabilis!
9:50 AM
No! No! No! Agad akong tumakbo pababa ng sala.
"Dino iho, hindi ka na ba kakain ng breakfast?"Tanong sakin ni Yaya Minda.
"Hindi na ho. Salamat na lang."Sagot ko sa kanya habang mabilis na natakbo palabas.
Sumakay ako agad sa aking Red SUV at nag-maneho.
9:52 AM
Kaya pa! Buti hindi gaano kalayo ang kina Janna.
Pagkakitang-pagkakita ko sa bahay ni Janna, bumaba agad ako at nag-doorbell.
10:03 AM
Crap! Sana wala pa siya!
Bumukas ang gate. "Oh Dino! You're already here!"Naka-ngiting sabi ni Janna. Already? Alam niya. Nevermind!
"Uhhh. Hello. Eto nga pala yung cellphone ni Nina. Paki-bigay na lang sa kanya pag-dating niya mama..--"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang...
"Janna. Aalis na ako. Hindi na ata dadating si..--"Natigilan din siya nung nakita niya ako. Si Nina.
"Dino?"Patanong na tinuloy niya ang sentence niya.
"Uh... hello?"Tangi ko na lang nasabi...
-End of Chapter 11
==============
So ayan! Yan na nga ang chapter 11! Antagal kong nag-update! Sorry uli! Busy lang talaga!
Sa mga readers na walang sawang sumusuporta, salamat talaga! Kayo ang inspiration ko!
Isa rin sa nag-udyok sakin na mag-update ay si MignightsWriter! Maraming salamat sa pangungulit mo! Love you ma'Friend! XD Naiyak daw kasi siya dito. Mahal na mahal ko yan eh. Napaka-supportive na kaibigan.
Paki-basa nga pala yung story niya na Sinful Confessions! Maganda yun! Swear! Na-hook nga ako dun eh! Ang astig ng prologue, deathly phrases and statements nun! Isa ako sa characters nun! Proud to be! XD Mystery/Thriller yun!
Osya! Nobela na to! Grabe! 11 Chapters pa lang pero 1,200+ reads na! I know it's not big pero for an author who updates in a span of decades, malaki na yun. Salamat! Vote kayo ha
BINABASA MO ANG
Driven Angel [Under Revision]
Adventure"True love conquers all." Yan ang madalas na sinasabi ng iba. Is it really true? Well, maybe true. Dahil madalas naman tayong nakakarinig ng mga kuwento na nagsakripisyo at nagtagumpay dahil sa pagmamahal. Pero paano kung langit na mismo ang kailang...