Fate 14 "Unexpected Twist"

37 1 2
                                    

JANNA'S POV

Pumasok ako sa loob ng bahay. Hayy.. Nakakatuwa naman at me namumuo na kay Dino at Nina.

Akala ko hindi na makaka-get over si Nina dun sa pangyayari sa taxi. I'm so happy for her.

Pero may problema pa ako. Wala pa akong nagagamot na puso. Medyo nanlalagas na din ang mga balahibo ng pakpak ko.

Napatingin na lang ako sa picture frame na picture namin ni Zooey. Kuha ito noong High School pa lang kami. Galing kaming Batangas nuon, at binigyan niya ako ng pendant na angel wings. Suot ko nga pala yung ngayon.

Napahawak na lang ako dun. Bigla kong naalala yung mga memories naming dalawa. Bumalik ang pait ng karanasan nung kasal namin. Muli kong naramdaman ang problema. Ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at humihinga pa na dapat ay si Zooey ang nakakaranas.

Dapat hindi ko nakakaligtaan ang misyon ko. I need to heal 5 hearts. Ito na lang ang tanging pag-asa para maka-balik ako sa langit at maipagpatuloy ni Zooey ang buhay na dapat niya pang tinatamasa.

I can do this. God... please help me...

Nagulat na lang ako ng biglang nag-liwanag ang bandang likuran ko. Palakas ng palakas ang liwanag nito hanggang sa wala na akong nakita.

Nararamdaman ko na lang ang nakakakiliting sensasyon sa likuran ko. Alam ko itong pakiramdam na to.

Lalabas ang pakpak ko. Pero bakit?

Lumutang na lang ako dahil sa dahan-dahang pagpagaspas ng pakpak ko na hindi ko napigilan.

Nag-labasan ang mangilan-ngilang balahibo mula sa nanlalagas kong pakpak.

Bumaba na rin ako sa lupa. Nasa labas pa din ang pakpak ko.

Lumabas ang anghel na gabay ko sa misyon kasama ang isang imahe. Pamilyar ito. Hanggang sa napag-tanto ko. Kahit malabo, alam kong si... si... Jesus yun.

Kinilabutan ako at di ko maiwasang mapaluha. Nginitian niya ako, at unti-unting nag-laho.

Naka-ngiti din ang anghel na gabay ko.

"Kahanga-hanga ano?"Tanong niya sa akin.

Tango lang ang naisagot ko. Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko.

"Tunay na namangha ang Diyos anak sa iyo. Napakabilis mong maka-gamot ng puso. Ang surpresa dito, isa't kalahati pa."Sabi nito sa akin.

Teka...

"Anong sabi mo? Naka-gamot? Isa't kalahati? Paanong..-"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Nagamot mo kaibigan mong si Nina."Sabi niya sakin.

"Hah? Paano?"Tanong ko nalang.

"Ikaw ang nag-bigay daan upang magka-lapit ang landas nila. Upang mapag-lapit ang mga damdamin nila. Ikaw nang bahalang tumuklas kung paano."Sabi ng anghel.

"Ah. Naiintindihan ko na nagamot ko si Nina. Pero, paano ang kalahati?"Tanong ko sa kanya.

"Nagamot ang puso ni Dino, pero hindi pa buo ito. May kailangan pang mangyari para maging dalawa ang pusong nagamot mo ng tuluyan. Hindi pa buo ang pagdagdag ng balahibo sa pakpak mo. Mas dadami pa yan pag nabuo na ang misyon mo kay Dino. Maaaring ikaw ay kumilos para dito, o ang tadhana na mismo."Misteyosong sabi ng anghel.

"P-pero..."Hindi na ako nakapag-salita.

"Yan lang muna. Paalam."Sabi ng anghel.

Masaya akong naguguluhan. May nagamot na ako! Magdadalawa pa. Pero naguguluhan ako. Paano ang kay Dino?

Naghahalo ang tuwa at gulo sa isip ko, pero mas nanaig pa ang saya.

Isang hakbang na papalapit sa katuparan ng misyon.

Nagulat nalang ako sa biglaang pag-bukas ng pinto.

"Janna! Ayos ka lang? Ano yung...-"Hindi na naituloy ni Nina ang sasabihin niya ng bigla ko silang yakapin Dino. Nagulat silang dalawa.

"Bakit Nina?"Tanung ni Dino.

"Wala. Basta. Maraming salamat sa inyong dalawa."Nasabi ko na lang.

Di nag-tagal ay yumakap sila pabalik.

Di ko alam pero, simula na ito ng pag-usad ng misyon ko. Itutuloy-tuloy ko to.

ZOOEY'S POV

Grabe. Antagal ko na din dito sa langit. Masaya naman.

Hindi ko lang maalala kung bakit nga ba ako namatay. Binubura kasi ang mga alaala ng mga anghel. Pero katulad dati, nakakaramdam ako ng kakulangan. Ewan ko kung bakit.

"Tara na."Sabi ng kaibigan kong anghel na si Mark.

"Sige."Sagot ko na lang. Galing kasi kami sa library ng langit. Oo. May library dito.

Naglalakad kami ng mapadaan kami sa isang malaking hedge na may gate sa gitna. Sa aking naaalala, ito ang fountain of memories. Bawal pumasok dito. Madami na daw kasing mga masamang nangyari. Tanging ang mga supremo na lang ang puwedeng pumasok dito.

Umuwi na ako sa bahay ko dito sa langit. Lumipad ako patungo sa second floor. Matutulog na ako. Gabi na din naman.

Oo. Natutulog kaming mga anghel at gumagabi dito. Ang langit naman kasi ay parang lupa lang din. Dito nga lang, walang nagkakasala. Meron man, ito'y dahil sa mga mas malalalim pang dahilan ng mga anghel o sa mga pangyayaring hindi inaasahang maganap.

Itinago ko muna ang aking pakpak. Nagliwanag ang likod ko tsaka ako nahiga at natulog.

Naglalakad ako palabas ng bahay. Dire-diretso lang ang lakad ko. Teka... alam ko kung saan to patungo ah. Sa.. sa Fountain of memories!

Pilit kong pinipigilan ang sarili kong pumasok dito dahil alam kong ipinagbabawal pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Itinulak ko ang gate. Bumukas ito. Hindi ito na-ikandado.

Tumuloy ako sa loob, at bumungad sa akin ang pagkaganda-gandang Fountain. Mataas ang pinanggagalingan ng tubig nito.

Maayos at detalyadong naka-kurba ang mga simbolo ng anghel at mga ulap sa gilid nito. Sa gitna naman nito ay ang paikot na pakpak ng anghel na magka-dikit. Napaka-ganda nito.

Nagulat na lang ako ng biglang lumabas mula sa Fountain ang isang babae. Hindi malinaw ang imahe nito. Hindi ko siya makilala pero parang kilala siya ng puso ko.

Nagulat na lang ako ng hilahin niya ako sa fountain, at sabay kaming tumalon dun.

Bigla na lang niya akong hinalikan at naramdaman ko na napaka-alab nito. Parang... parang merong pagmamahal.

Nang umahon kami, tumambad samin ang galit na galit na mga anghel na supremo, at nag-labas ng tila isang mahiwangang roleta. Umikot ito at habang nangyayari ang pag-ikot ay unti-unting naglalaho ang babae.

Bigla na lamang akong napaluha. Hindi ko inaasahan yun. Pero isa lang ang gusto kong gawin ng mga panahong iyon. Yun ay ang habulin siya... kung san man siya pupunta.

-End of Chapter 14

==============

Hey guys! I'm very sorry for the very late update! Sobrang busy lang kasi talaga!

Hindi ko kasi maisingit sa sched ko. Sunod-sunod kasi ang exams at projects. May presentation pa kami sa English sa Friday. Mag-momonologue ako as Apollo, the god of music. K.Share. Alam ko namang wala kayong pake. XD

Osya. Sana nagandahan kayo sa update. Medyo sabaw utak ko ngayon eh. Gamit na gamit na. XD

Ge. Bye. Abangan niyo ang next update. Ingat kayo. XD

-Crown

Driven Angel [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon