Fate 5 "Friends and Missions"

221 4 2
                                    



Chapter 5: "Friends and Missions"

NINA'S POV

Nagising na lang ako sa isang kuwarto na kulay rosas.

"Nasan ako?"Tanong ko sa lalaking naaninag ko.

"Gising ka na pala. Nasa bahay kita. Matagal ka ding naka-tulog."Si Dino pala. Isa sa mga malalapit kong kaibigan.

"Nina! Kamusta ka na?! Alalang-alala akon sayo! Umiyak ako ng walang tigil kagabi. Ayos ka lang?"Biglang pumasok si Janna at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Hah? Bakit? Ano bang nagyari?"Tanong ko sa sarili ko. Pilit kong inalaala ang mga nangyari hanggang sa unti-unting lumiwanag ang lahat sa aking alaala! May nag-tangkang gumahasa sa akin!

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!! Kadiri ang buong katawan ko! Wag niyo akong hahawakan!"Sigaw ko sa kanila. Hindi ko naiwasang humagulgol. Hindi ko matanggap ang mga nangyari.

"Wag ka umiyak Nina! Andito kami para sayo! Nailigtas ka naman agad! Magpasalamat na lang tayo at me nagpapatrol na pulisya sa lugar na yun kagabi. Wag ka mag-alala. Hindi ka naman nagalaw nung lalaki."Sagot sakin ni Dino. Medyo humupa na ang nararamdaman ko.

"Totoo yon. Nailigtas ka agad. Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ka niya nagalaw. Ano ba kasing nagyari?"Tanong sakin ni Janna.

Flashback...

Galing ako ng trabaho nun nang tumawag ako kay Dino. Nagka-usap kami sandali at nagka-sundong magma-mall. Sumakay ako ng taxi.

"San ho tayo Ma'am?"Tanong sakin nung driver.

"Sa Golden Blocks mall po kuya."Sagot ko sa kanya.

Natulog muna ako dahil mahaba-haba pa naman ang biyahe. Nagising na lang ako. Mga 30 minutes din pala akong naka-tulog.

Nagulat na lang ako pag-tingin ko sa bintana nang napansin kong nasa liblib na lugar na kami. Tiyak na malayo ito sa Mall.

"Teka Ma! Nasaan na po tayo? Saan niyo ho ako dadalhin?"Kinakabahan kong tanong sa Driver.

"Dadalhin kita sa langit."Kinilabutan ako sa sinabi niyang yun lalo na nang humarap siya at hawakan ang hita ko.

Nawalang-control noon ang sasakyan, at pinatigil niya. Lumabas na ako ng Taxi noon. Tumakbo ako ng sobrang bilis.

Hinabol niya ako. Nagmakaawa ako na wag niya akong sasaktan at hahawakan pero hinabol niya pa din ako. Hindi ko na kinaya ang pagod, bumigay ang katawan ko kaya naabutan niya ako. Nung napa-higa na ako, nandilim na ang aking paningin, hanggang sa dumating na ang isang liwanag.

Present time...

"Yun na lang ang natatandaan ko. Napaka-tindi nung nangyaring yun. Sobrang takot ang naramdaman ko. Siguro hindi na to kakayanin pa ng puso kong gamutin"Malungkot kong saad sa kanilang dalawa.

JANNA'S POV

"Ano? Wala nang makakagamot sa puso niyang nasugatan?"Bulong ko sa sarili ko. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Me sinasabi ka ba Janna?"Nagitla ako nang tanungin ako ni Dino.

"Ah? Wala. Wala..."Sagot ko na lang sa kanya.

Ito na ba ang unang misyon ko? Siguro kailangan ko na tong subukan!

"Nina! Kaya mo yan ano ka ba! Hindi ka naman niya nagalaw eh! Ayos lang yan!"Masigla kong pagpapalakas ng loob niya. Kailangan ko itong gawin para sa misyon ko at para na rin sa kanya.

Sana mabuhayan siya ng loob.

"Ewan ko Janna.. Ewan ko.."Mahinang sagot sakin ni Janna. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Pag okay ka na, may ipakikilala ako sayong lalaki! Para makalimutan mo na yan."I suggested to her.

"Ayoko! Hindi pa ako handa pagkatapos ng nangyari sakin."Malungkot niya pa ring sagot.

"Ano ka ba? Kaya mo yan! Kailangan mo rin yun para bumuti ka."Pilit ko pa din sa kanya.

Sana mapapayag ko si Nina!

"Janna!"Nagulat na lang ako nung sumigaw siya. Galit ba siya?

"Anong klaseng kaibigan ka ba ha?! Bakit hindi mo ako maintindihan! Babae ka din! Bestfriend pa kita! Ano bang nangyayari sayo?! Janna, uulitin ko sayo, baka tulog ka pa eh, muntik na akong gahasain!!"Madiin niyang sigaw sakin. Umiyak siya.

Ano nang nangyayari?! Napaiyak ko ba siya?!

"Pero.."Hindi ko naituloy.

"Janna! Please stop! Anu nga ba kasing nangyayari sayo?"Madiin ding tanong sakin ni Dino.

"Eh kasi... kasi... hindi ko puwedeng sabihin!"Sabi ko na lang sa kanila.

"Janna! Please! Just tell us!"Umiiyak na sabi sakin ni Nina.

"Wala! Basta! Give me some rest! Sorry Nina."Sabi ko sa kaniya. Lumabas na ako ng kuwarto at tumakbo sa labas. Hindi ko akalaing ganto mangyayari sa pagdalaw ko sa bestfriend ko!

Ang Tanga-tanga ko kasi eh! Inuna ko muna kasi tong misyon na to kesa sa kalagayan niya eh alam ko namang matindi ang pinagdadaanan niya ngayon.

"Teka.. Ano to? Balahibo?"Bulong ko sa sarili ko.

Ang misyon?

"Pinalampas mo ang iyong oras. Bumabagsak na ang balahibo sa pakpak mo.."Nagulat na lang ako ng sumulpot nanaman ang anghel.

"Bakit? Anung gusto mo? Unahin ko tong misyon na to kesa sa damdamin ni Nina eh nasaktan ko na nga sya!"Inis kong sabi sa kanya. Walang nakaka-intindi sakin.

"Ikaw ang bahala. Basta ang misyon mo ay tumatakbo na!"Sabi niya sa akin at bigla nanamang nag-laho.

"Aarr! Bakit ba kasi pinahihirapan nyo ako ng ganito?!"Galit kong sigaw.

Naguguluhan na ako! Dumagdag pa sa misyon ko ang mga problema ko! Sana wala nang dumag-- natigilan ako sa pag-iisip nang..

"Janna.. Sinong kausap mo?"Nagulat ako nang biglang sumulpot si Dino at tanungin ako.

Oh Crap!

-End of Chapter 5 (EDITED)

Vote/Comment/and if you want, BE MY FAN

Driven Angel [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon