Fate 2 "The Choice"

272 7 3
                                    


Chapter 2: "The Choice"

Nagulat na lang si Janna. Naramdaman niya ang saya na magkaroon ng pakpak at makaramdam ng pagkasilang uli.

Unti-unti niyang ipagaspas ang kanyang pakpak. Hindi niya lubusang maatim na hindi lumipad ng sobrang mataas. Nilibot niya pa ang langit. Kitang-kita niya ang ganda ng paraiso na tila palaisipan pa din ngayon sa mga taong buhay, at pilit na pinagtatalunan ang itsura.

Hindi ito malayo sa mga naka-tala sa libro. Sobrang aliwalas ng kapaligiran. Makikita mo ang mga bagay na makikita din sa lupa. Lahat. Me mga bundok, puno, mga hayop, pati na rin ang mga bahay at syudad. Lubos itong kinamanghaan ni Janna.

Muli siyang bumalik kay San Pedro.

"Hindi ko po mailarawan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Ang mga pakpak na akala ko sa mga palabas ko lang makikita eh meron na po ako ngayon. Para po akong pinanganak uli. Pero ang pinagtataka ko po. Bakit po parang ang mundo sa lupa ay katulad lamang ng nasa langit?"Tanong niya.

"Ang langit ay hindi nalalayo sa lupa sapagkat ang kaalaman at talino ng lahat ng bagay na naggawang isipin at gawin ng mga tao ay galing din lamang sa langit. Ito'y naisalin lamang sa pamamagitan ng pagkain ni Adan at Eva ng ipinagbabawal na prutas. Ang pinagkaiba lamang ay mas mataas ang klase ng mga nasa langit."Saad ni San Pedro.

"Ahh. Ganun ho ba? Nakamamangha naman po yung mga bago kong nalaman."Masayang sabi ni Janna na parang nakalimutan na ang naiwang problema sa lupa.

"Oo. Marami kang bagong matutunan dito. Ito ay ang makabagong buhay ng mga banal. Parte ito sa pagiging anghel."Sabi ni San Pedro.

"Ah ganun po ba?"Tanong ni Janna habang natango ang ulo.

"Oo. Kasama yan pati na rin ang pagtanggal ng alaala galing ng lupa."Paliwanag ni San Pedro na nagpagulat kay Janna.

"A-ano po? Hindi ko po maintindihan. Aalisin ang alaala namin mula sa lupa?"Gulat na tanong ni Janna.

Tumango si San Pedro.

"Pati na rin po ang mga tao dun? Si Mommy, Daddy, Nina, Dino at.. Zooey.."Tulalang bulong ni Janna sa hangin.

"Pasensya na Janna."Paumanhin ni San Pedro sabay kumpas ng kanyang kamay.

"P-pero teka p---"Hindi na naituloy ni Janna ang sasabihin niya dahil naggawa na ang pag-aalis ng alaala.

--------------------

Inilagay na din ng mga Senyor na Anghel ang kaniyang mga alaala sa Fountain of memories. Dito inilalagay mga alaala ng mga naging anghel na at iniwan ang kanilang mga katawang lupa.

Nakakulong ang Fountain na ito sa isang Hardin na hinaharangan ng mataas na gate na ginto. Ipinagbabawal ang sinumang anghel ang pumasok dito, puwera lamang ang mga Senyor o ang mga Anghel sa kataas-taasan. Ang sinumang anghel na lumabag sa utos ay mapapatawan ng parusang pagharap sa roleta ng buhay.

Kaya wala pang nagtatangkang pumasok dito puwera lang sa Anghel na napatawan ng pakikipag-palit sa isang demonyo ng buhay. Nagka-palit sila ng puwesto ang langit sa impyerno, ang impyerno sa langit. Ikinatakot to ng iba..

Nakilala si Janna ng mga kaibigan niyang anghel bilang isang masayang kompanyon. Madalas siyang lapitan para maging kaibigan ng ibang Anghel.

Nang sa isang pagkakataon. Hindi maiiwasan na may matirang kaunting alaala na pilit na naitago ni Janna sa kaniyang puso dahil sa labis na pagmamahal ni Janna kay Zooey, na nag-tulak sa kaniya na pasukin ang Hardin na nag-lalaman ng Fountain of Memories. Isang beses nang natawag na "Magnet of love" ang Fountain of Memories dahil sa kakayanan nitong mag-palakas ng mga ala-alang natira sa puso dahil sa pag-ibig na mag-tulak ang nakakaramdam nito sa nasabing Fountain.

Saktong naiwang bukas ng mga taga-supremong bukas ang gate.

Hindi mapigilan ni Janna mahatak ng Fountain na magpapatunay na me natira pa ngang alaala at pagmamahal niya kay Zooey.

"Sigurado ka ba Janna sa gagawin mo?" Ang tanong na iniwan ng kaibigang anghel ni Janna sa kaniyang isip. Napatigil sa pag-lapit si Janna sa gate.

"Hindi ko alam!. Hinahatak ako nito! Hindi ko mapigilan ang sarili ko!"Sumigaw si Janna ng may pag-aalinlangan at tuluyan nang binuksan at pasukin ang gate.

"Pero.."Sagot ng kaniyang kaibigan..

Pero huli na ang lahat ng pigilan siya ng kaniyang kaibigan. Tumalon si Janna sa Fountain. Hindi niya ito napigilan ang hatak.

Nang mag-mulat ang kaniyang mata sa Fountain nakita niya ang kaniyang sarili na lumulutang sa napaka-raming alaala, at pinaka-maningning ang kasal nila ni Zooey. Nilapitan niya ito, at hinigop ang lahat ng alaalang dating sa kaniya.

Di nag-tagal ay niluwa din siya ng fountain. Naka-upo siya ngayon sa damuhan. Siya ay basang-basa, pero isang likido ang namukod-tangi sa pag-tulo sa kanyang mukha. Isang patak ng luha nanaman ang tumulo sa kaniya na nagpa-tubo ng Puno ng Cherryblossom sa tabi ng Fountain.

Kaagad na lumapit ang konseho at iba pang anghel. Agad siyang nilapitan ng mga ito dahil nasaksihan nila ang lahat.

"Isang napaka-gandang puno na gawa sa alaala ng pagmamahal, kasiyahan, pighati at poot. Umusbong ito mula sa kalaliman ng puso mo."Ang sabi ni San Gabriel.

"Pero kahit gaano kalakas ang pag-ibig niya, kailangan pa din siya patawan ng nararapat na parusa! Kailangan siyang iharap sa Roleta ng buhay, at makipag-palit sa isa pang nilalang."Ang saad ni San Miguel.

"Maawa po kayo sakin! Ang gusto ko lang naman po ay ang makasama ang mga mahal ko sa buhay!"Ang pagmamakaawa ni Janna!

"Pasensiya ka na pero ito ang patakaran ng Panginoon."Ang paliwanag ni San Judiel.

Ihinarap na nga si Janna sa Roleta na kinatatakutan ng lahat ng anghel! Dinala siya sa napaka-laking puting stadium at pinatayo siya sa gitna.

Nakita niyang naka-upo ang napaka-raming anghel sa paligid. Lahat na ata sila nandito.

Di nag-tagal ay inalabas na ang malaking roleta ng buhay na pinapalibutan ng ginto. Maraming kategorya sa gitna na hindi mabibilang. Napaka-daming nilalang.

"Roleta ng buhay, ipakita mo sa amin ang pag-ikot na tunay para sa anghel na sumuway!"Isinigaw ni San Pedro ang mga chant na ito at nag-simulang umikot ang roleta.

Tumapat ang Roleta sa Free will..

'Free-will? Ano yun? Pipili ako?'Sabi ni Janna sa kanyang isip.

"Yan ang pinaka-magandang parte ng Roleta. Kailangan mong makipag-palit sa kahit anong nilalang ang iyong nanaisin. Maaaring demonyo, engkanto, mga ada o maaari ding... tao."Ang paliwanag ni San Judiel. Nagulat si Janna dahil tama ang hinala niya at maganda ang napa-tapat sa kanya.

"Tao?! Maaari ko ulit maka-piling si Zooey! Ngunit may mamamatay na tao. Kawawa naman ang mamamatayan.. Anong pipiliin ko?! Pasensya na kung sino ang taong aking makakapalit! Para ito kay Zooey!"Ang pag-aalinlangang sigaw ni Janna..

"Kung tao ang iyong nanaisin, yun ang mangyayari... Ikaw ay magiging tao!"May nag-salitang isang napaka-gandang boses. Nakakapanindig balahibo. Napaka-gandang tunog sa tenga.

"Ang Panginoon!" Sabay-sabay na sigaw ng mga Anghel..

"Ang Panginoon?"Ang pagtatakang tanong ni Janna..

"Ikaw ngayon ay magiging TAO..."Sagot ng napaka-gandang boses.

-End of Chapter 2 (EDITED)

e

Driven Angel [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon