Fate 4 "Fading wings"

182 4 2
                                    



Chapter 4: "Fading wings"

Natahimik si Janna nang malaman niya ang nangyari sa kanila ni Zooey. Nagka-palit sila ng puwesto. Si Zooey ang namatay noong sumabog ang bomba sa kanilang kasal. Nagka-palit sila ng tadhana. Hindi inaasahan ni Janna na si Zooey ang kaniyang makakapalit.

Lubos niya pinagsisihan ang mga nangyari. Umiyak siya ng umiyak.

Lumitaw muli ang anghel na kuma-usap sa kaniya noong nalaman niyang si Zooey ang pumalit sa kaniya.

"Bakit ka umiiyak?"Tanong ng Anghel..

"Hindi ko inaasahan na si Zooey ang magiging kapalit ng aking buhay dito sa lupa. Siguro karma ko to dahil kung hindi si Zooey ang ipinalit sa akin, hindi ko inisip ang mararamdaman ng mawawalan o mamamatayan tulad ng nangyari sa akin." Malungkot na sanaysay ni Janna.

Para namang nahabag ang anghel sa kanya. Nagulat na lang si Janna ng biglang lumitaw ang pakpak niya. Tila gumaan atng pakiramdam niya at natuwa siya ng makita niya uli ito.

"Ano to? Bakit bumalik ang pakpak ko?" Tanung ni Janna sa anghel.

"Binibigyan ka ng Diyos mg isa pang pagkakataon na maka-balik sa langit. Umpisa pa lang ay inasahan na niya ang mga pangyayari. Pero dahil mabuti ka namang tao, ibinigay niya ang oportunidad na ito. Ang kailangan mo lang gawin ay ang gumamot ng limang pusong nasugatan."Paliwanag ng Anghel.

"Maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa Diyos. Hinding hindi ko kayo bibiguin!"Buong tuwa at me pag-asang sabi ni Janna..

"Walang anuman pero hindi lamang ganun kadali yun. Kailangan mo agad maka-hanap dahil unti-unting malagas ang mga balahibo ng iyong pakpak. Kung hindi mo ito maggawa, tuluyang malalalagas yan, at kahit kailan man... hindi ka na makababalik sa langit."Mariing sabi ng anghel. Tila sobra nang kinabahan si Janna. Hindi na siya nakapag-salita pa at hindi na namalaysn ang mga susunod na nangyari.

"Ang oras ng iyong misyon... ay nagsisimula na."

at isang balahibo ang nalaglag..

NINA'S POV

"Uuhhhhhuhuhhhuhhhhhuuhhuhhuhhuhhuh"Hingal na hingal kong ungol dahil sa pagod, kaba at takot.

Kailangan kong makatakas! Kailangan kong tumakbo ng mabilis!

"Hahaha! Kaya mong tumakbo at magtago! Pero mahahanap at mahahabol din kita!"Ang nakapangingilabot na sigaw ng lalaking humahabol sakin ngayon.

"Layuan mo na ako!"Nangingiyak kong sigaw sa kanya.

Gabi na at wala nang ilaw ang daan! Nasa kawalan pa ako! Walang makakakita salin dito. Hindi ko na kaya! Natatakot na ako! Maabutan na niya ako!

"Bakit naman ako maaawa sayo? Hahaha! Andyan na ako!"Nakakatakot talaga ang boses niya. Nanghihina ns ang tuhod ko sa katatakbo.

"Nagmamakaawa ako! Lumayo ka sa akin! Nakikiusap ako!"Pilit ko pa ding pagmamakaawa sa kanya. Pero huli na ang lahat.

"Huli ka!"Nakaka-gulat na sigaw ng lalaki. Hawak-hawak na niya ako. Sobrang higpit pa ng hawak niya.

"Aaahhh! Tulungan niyo ako!"Sumigaw ako ng sobrang lakas.

"Walang makakarinig sayo dito! Hahaha!"Walang hiya talaga tong lalaking to! Wala siyang awa.

Pinilit kong mag-pumiglas pero hindi na ako naka-laban! Hindi ko na kayang tumakbo dahil nanakit na ang buong katawan ko. Nanlalabo na din ang paningin ko dahil sa hilo.

"Peeeppp!"

Isang... liwanag.

Blackout

-End of Chapter 4 (EDITED)

Driven Angel [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon