Chapter 1: Drunk
*Amara's POV*
"Iris Amara Beatrice may karangalan" sabi nung nag a-aanounce kaya naman agad kaming pumunta sa stage at isinabit sa akin ni mommy ang medal.
Well, matalino naman ako medyo pasaway nga lang at buti naka graduate pa ng Senior High School. After Graduation balak namin nila Louie at Stella na mag bar kasama pa ang iba naming mga kabatch mate. Hindi ako gaano kalakas uminom kaka-legal age ko lang rin kaya sinasanay pa ng katawan ko. Every holiday lang rin kami nag paparty party ng mga kaibigan ko.
Matapos ang Graduation, sa isang araw ay pupunta kami sa Oakland Bar malapit lang dito yun sa bahay namin. Kaya kung malasing man ako madali akong makakauwi dahil sa labas lang ng subdivision namin ang bar na 'to. Sa isang araw rin aalis sila mommy at daddy para pumuntang ibang bansa sa kadahilanang inaasikaso nila ang business sa kompanya namin.
-------
"Mara!! Bilisan mo na para may mapuwestuhan na tayo dun!!" sigaw sa'kin ni Stella na nakasexy dress at ready na rumampa. Samantalang si Louie naman naka simpleng tshirt, jeans at heels. Inaantay nila ako sa living room namin habang inaayos ang kanilang sarili.
"Oo sandali lang naghahanap ako ng susuotin ko!!" sigaw ko pabalik sa kanya.
Ano kaya ang masuot? Nag trouser nalang ako at racer back tutal mainit sa bar kaya ayun nalang ang susuotin ko hehe. Binagayan ko rin ang suot ko ng heels na hindi gaanong kataas at denim jacket na croptop.
"I'm ready, let's go." utos ko na agad naman nilang sinunod.
Nagpahatid ako sa driver namin at sinabi ko na wag na nya ako sunduin pagkatapos. Agad naman kaming nakarating at nagpasalamat sa driver namin na si Kuya Leo.
--------
*Ring ring ring ring*
"Hello? Sino 'to?" Agang aga ayan ang bungad sa akin nakahiga pa ako sa malambot kong kama. Sobrang sakit pa ng ulo ko sa kadahilanang kakatapos lang ng graduation namin bilang Grade 12 at naisipan naming magkakaibigan na pumuntang bar at magcelebrate tutal legal age na naman rin kami.
"Kumusta na pakiramdam mo? Ayos ka na?" wow close tayo?
"Sino ka ba? Close ba kita para tanungin mo ako?" inis na sagot ko.
"Ohh, you don't remember me?" sabi ng lalaki na nasa kabilang linya.
"Tatanungin ba kita, kung kilala kita?" pilosopong sagot ko.
He chuckled.
"Ako yung kasama mo kagabi, ako rin yung naghatid sayo sa bahay mo." Kasama? Naghatid? Kagabi? Luh bhie.
YOU ARE READING
Stuck in between
Genç KurguWhat if you're stuck in the middle of a relationship with both your boyfriend and a friend? What are your plans? Will you put your friendship on hold despite the fact that you already have feelings for him? or would you continue to love him despite...