Chapter 7
Passed
Bumaba ako sa stage at sinalubong sila Elisha. Yinakap niya ako ng mahigpit. Hindi naman matanggal ang tingin ko kay Levi na nakatingin lang sa akin habang nakahalukipkip, hindi ko alam kung ano iniisip niya. Nagandahan ba siya, o hindi?
ㅤ
"Hyacinth! Sabi ko na eh ang ganda ng boses mo! Pero hindi ko naman alam na sobrang ganda. Kaya pala ayaw mong kantahan kami ha, surprise pala! Ahhh!" si Eli habang hinahampas ako sa sobrang saya.
ㅤ
Kairi patted my shoulders and nodded, "Congrats! Ang galing mo!" I just smiled at his compliment. Pinasalamatan ako sila sa pag suporta sa akin.
ㅤ
Ako ang last na nag perform kaya natapos na ang audition. Isa-isa nading umalis ang mga studyante, ang iba ay nag papicture pa sa banda. Next week daw i-aannounce kung sino ang mananalo.
ㅤ
Habang pabalik kami sa classroom ay may ilang studyanteng bumabati sa akin at sinasabing ang galing ko daw. Yung iba naman ay nginingitian lang ako at kapag nginitian ko sila pabalik ay namumula sila.
ㅤ
"Grabe ka, Hyacinth! Audition palang 'yan ha pero ang dami ng may gusto sayo! Feeling ko ikaw mananalo, ang galing mo kaya!" sabi ni Elisha pag kaalis ng isang lalaking nag congrats sa akin.
ㅤ
"Stop concluding. Magagaling din naman 'yung mga kalaban ko. I'm also not expecting to win, though."
ㅤ
Elisha rolled her eyes. Pumasok kami ng classroom para kuhanin ang bag dahil uwian na. Levi and Kairi is just behind us.
ㅤ
Ayaw kong umasa sila na ako ang mananalo. Ayaw ko din na umasa ako. Paano kapag hindi diba? Edi madidisappoint lang sila.
ㅤ
"Pero ikaw ang pinaka magaling! Sana ikaw talaga manalo, deserve mo yun!"
ㅤ
"Tss."
ㅤ
"Oh sige na, muna na kayong umuwi. May gagawin pa 'ko sa library eh! Bye! Yung presentation na 'tin ah! Maghanda kayo next week na 'yun!"
ㅤ
Tinanguan ko si Elisha bago siya nag mamadaling umalis. Nakita ko pang kinuha ni Kairi ang bag niya at sinundan siya. Niligpit ko narin ang gamit ko at umalis na. Naramdaman kong sumunod sa akin si Levi kaya tinignan ko siya ngunit ang tingin niya ay diretso lang sa daan.
ㅤ
Hindi ko tuloy alam kung ano ang nasa isip niya. Baka naman napangitan siya sa performance ko kanina? Hindi ba maganda?
ㅤ
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ay hindi siya nag sasalita.
ㅤ
"Are you okay?"
ㅤ
Kumunot ang noo niya sa tanong ko, nagtataka.
ㅤ
"Of course. Ba't naman hindi?"
ㅤ

YOU ARE READING
The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)
Teen FictionShe severely dislikes that place the most. The place that she once called home. Where her comfort zone is. Where she found herself yet it is likewise where she lost every bit of her too. She loathes that place a great deal, it obliterated and destro...