Chapter 16

146 19 1
                                    

Chapter 16

Locked Away


"Back to the top tayo," seryosong saad ni Caleb.


Guilt run down all over my body. Agad akong nanghingi ng paumanhin, "Sorry.." they just gave me a reassuring smile and we continued practicing again.


Limang araw nalang ay retreat na namin kaya todo practice talaga kami. I keep making mistakes in our practice today kaya paulit-ulit kami. Kung hindi sintunado ay mahihirapan naman ako pagbigkas ng salita.


I'm kinda relieved that my members have a long patience. Kanina pa ako nag kaka-mali pero sinasabi nilang okay lang iyon at ulitin nalang namin.


This is what I've learned to love about Moonchild.


"'Wag na lang kaya tayo sumama? Pagod ka na ba?" Levi asks when we finished the practice. Syempre, nanonood na naman siya sa amin.


"No. I promise Nathan that I'll go.."


Pinanliitan niya ako ng mata.


"Hmm.. Close na kayo, huh?" he said sounding like I did something wrong. I rolled my eyes at him.


"Tara na, tayo nalang hinihintay doon."


He held my arms before I even take a step. Kunot-noo akong napatingin sa kanya. Ano bang problema niya?


"Ba't mukha kang excited? Excited ka makita si Nathan?"


Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig ngunit sa huli ay humagalpak din ako sa tawa. Sino ba namang hindi matutuwa? His lips are in grim line and both of his ears and neck are so red! Para siyang batang inagawan ng laruan! Oh God!


"Oh, come on, Leviticus! Don't tell me you are being jealous right now!?"


His red ears doubled in color. Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi, ah!"


"Sus!"


"Tara na nga!" saad niya at marahan akong hinila.


Ngayon iyong sinasabing surprise ni Nathan para kay Melanie. Sa ibang bayan gaganapin iyong kaarawan niya kaya kailangan pa namin sumakay ng jeep. Kasama namin ang buong Moonchild, si Preston, Kairi, at Elisha, pati narin ang iba naming kaklase.


Habang papunta kami sa gate kung saan sila naghihintay ay inaasar ko si Levi sa pagseselos niya. Pulang pula parin kasi siya hanggang ngayon!


"Ang tagal ninyo!" reklamo ni Kairi nang makarating kami sa gate.


The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now