Chapter 20
First Love
Tulala at wala ako sa sarili nang sinundo ako ng driver namin mula sa retreat center. Sir Hendrix is considerate enough to let me go to my father who's in the hospital.
I'm trying to process what I heard from my mom as I look at the window. Gabi na at konti na lang ang mga sasakyan. There are no stars in the sky but the moon is bright, giving me some lights to see the view from the outside. Mga malalaking gusali at establisyemento ang nakikita ko habang tinatahak namin ang pamilyar na daan. Napasinghap ako nang muling naalala ang sinabi ni Mommy.
"Anak! Sinugod ang Daddy sa hospital! He just had a seizure!"
My lips parted in shock. Parehong gulat at sakit ang aking naramdaman.
"He saw the video online... Pagtapos ng ilang oras ay nagrereklamong siyang masakit ang ulo niya. He suddenly loss balance then he had a seizure hanggang sa mahimatay siya."
Sunod sunod tumulo ang luha ko dahil sa narinig. He collapsed after he saw the video. I can't help but to blame myself! Kasalanan ko kung bakit nahimatay siya! Malamang ay dahil iyon sa nakita niya!
"Sinugod siya sa hospital ngayon, anak... Andito ang mga tita at pinsan mo. I want you here, too." saad ni Mommy sa gitna ng pag-iyak.
I brushed off my tears that escape my eyes. Linibang ko na lang ang sarili ko sa mga tanawin sa labas para hindi na maalala pa ang sinabi ni Mommy. It's almost 12 am when we arrive at St. Luke's Medical Center. Naabutan ko ang pamilya ko sa labas ng ICU.
"Anak!"
Agad yumakap sa akin si Mommy. Her eyes are swollen probably results of her unstoppable crying since earlier. Napatingin din sa akin ang ilang mga tita't tito ko at ang mga pinsan ko. Even Ate Blair is here, hindi ko alam kung kailan sila umuwi.
"Buti at nakarating ka."
"What happened po?"
Pinunasan ni mommy ang luha niya. Ngunit nang magangat siya ng tingin sa akin ay muli itong tumulo.
"Your dad is inside." sabay kaming napatingin sa loob ng ICU. "The doctors already gave treatment but he's still in critical condition."
Kumunot ang noo ko at hindi maiwasang mag-alala. Akala ko ay normal na pagkahimatay lang mula sa gulat pero hindi ko naman inaasahan na malala pala ito na kinakailangan pang ilagay sa ICU si daddy.
"Why? Ba't nasa ICU po siya? Is he sick?" I ask, worried is evident in my voice.
Nag-iwas ng tingin sa akin si mommy. "You should go inside. See it yourself."
Tumango ako. Nang marinign ng mga tito ko iyon ay inalerto nila ang mga nurses para asikasuhin ako. They gave me isolation gown, mask, and such. My family nodded at me as I enter the ICU.
YOU ARE READING
The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)
Novela JuvenilShe severely dislikes that place the most. The place that she once called home. Where her comfort zone is. Where she found herself yet it is likewise where she lost every bit of her too. She loathes that place a great deal, it obliterated and destro...