Chapter 30

126 8 2
                                    

Chapter 30

Truth


"Hyacinth!" nag-aalalang lumapit sa akin si Symoune pero ni-hindi ko siya nilingon. 


Ang tingin ko ay na kay Levi lang. He is staring at me, too. Iba iba ang mga emosyong nakita ko sa mata niya. Pag-aalala, takot, kaba... All of it were expressed by his eyes.


Hindi ko mapigilan na maluha nung maalala ko ang mga nabasa ko. He went through so much pain. I'm so proud of him for making it out alive. Hindi siya sumuko... nagpatuloy siya sa kanyang buhay. Kahit mahirap, alam ko, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makasama ulit ang kanyang kapatid.


He is always like that, though. He's a hardworking, smart, and mature man. The way he speaks has so much power. The way he thinks always amazes me. Hindi ako makapaniwala sa murang edad namin, sobrang matured niya na.


Unti-unti akong lumapit sa kinauupuan niya. Halatang nagulat siya sa naging galaw ko at umayos siya ng upo. Our friends are just silently watching us.


I stand in front where he is sitting. Bumuka ang bibig niya at mukhang may sasabihin pero itinikom niya ulit iyon. Madilim ang ekspresyon ng kanyang mga mata pero kita ko pa rin ang pagod at sakit sa likod no'n. Hindi ako nagsalita. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha habang tumutulo ang aking mga luha.


Nothing change much in his face. It just became more mature and more define. I just notice that... I really love his expressive eyes. Levi is known to be cold, snob, and mysterious guy. Pero kung titignan mo ng mabuti ang mata niya, malalaman mo kung anong nararamdaman niya. He isn't afraid to show his emotions through his eyes. Kung galit siya, makikita mo sa mata niya iyon. Ganoon din kung masaya siya o malungkot.


I bend my knees to level his eyes. Kita ko pa rin ang gulat sa kanyang ekspresyon. I tried smiling at him. Hinawakan ko ang pisngi niya bago yumakap sa kanya. Isiniksik ko ang ulo ko sa kanyang leeg. Ito pa ang isa sa gusto ko sa kanya, ang bango niya.


Naramdaman kong hinahaplos niya ang likod ko habang humahagulgol ako sa bisig niya. Naramdaman ko na lang na iniangat niya ko't pinaubo sa espasyo sa gitna ng mga hita niya. Niyakap niya ako patalikod. I covered my face with full of tears. Inilagay niya naman ang baba niya sa aking balikat.


"Hush... It's okay, Hyacinth. Cry all you want... I'll be here." he whispered.


Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.


We stayed like that for a couple of minutes. Saka lang ako natauhan nang maalala na hindi nga lang pala kami ang tao rito. Inaalis ko ang pagkakatakip sa mukha ko't nahiya na tumingin sa kanila isa isa.


Nang mahuli ko silang makatingin sa akin ay agad silang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may pinagkakaabalahan.


I looked at Melanie and I caught her looking at me too. Pati ang nasa tabi niya na si Nathan ay nakatingin pala sa amin. All my life I've been waiting for an answers on my questions. Siguro'y kaya hindi ko magawang umusad sa buhay dahil madami pa akong tanong na naiwan dito. i want all those questions to be answered now.

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now