CHAPTER 4

5.1K 102 4
                                    

ISANG BUWAN ang lumipas pagkatapos ng lahat. Ganon parin ang sitwasyon namin ni Levi. Noong araw na un nagising nalang ako na wala na siya sa tabi ko. Pero ang kinadurog ng puso ko ang perang iniwan niya sa tabi ko. 

Pakiramdam ko ay isa akong bayaran sa ginawa niya. Masakit. Sobrang sakit. 

Gabi na pero wala parin siya. Kanina pa ako naghihintay sa kanya. Pinatulog ko na si Nelly dahil lampas alas dose na ng umaga. Inaantok narin ako pero ayoko pang umakyat sa taas. Habang nanonood sa sala ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyang tumigil sa labas ng bahay. Nasisiguro kung si Levi na ito. Nagmadali akong tumayo. 

"Gosh babe you're so heavy,umayos ka" isang babae ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pinto.

Akay akay niya ang lasing kung asawa. Mukang wala na ito sa sarili dahil sa sobrang kalasingan. 

"Levi" sinalu ko siya ng muntikan ng matumba at tumama ang ulo niya sa gilid ng pinto.

"Hey Miss ikaw ba ang maid nila, pwede bang pakitulungan akong iakyat si--"

"Umalis kana" putol ko sa sasabihin niya. 

"What did you say!" Singhal niya sa akin. 

Masama ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. She's wearing a slutty clothes. Halatang babaeng kaladkarin.

"I'm his wife, kaya kung pwede umalis kana at ako na ang bahala sa ASAWA ko" pinagdiinan ko ang salitang asawa para tumatak sa kukute niya.

"Bwesit kung alam ko lang na may asawa siya ede sana nagmotel nalang kami" bulong niya pa habang inaayos ang sarili pagkatapos bitawan ang braso ni Levi.

"Sinabi niya kasing wala siyang asawa at Isa pa wala siyang singsing--"

"I SAID UMALIS KANA!" nabigtas na ang pagtitimpi ko.

"Oo na bwesit!" 

Inayos ko si Levi. Sobrang bigat niya at mahihirapan akong iakyat siya sa taas kaya sa guestroom ko nalang siya pinunta. Pagkatapos kung ayusin siya sa higaan ay akmang aalis na ako. Nang bigla niya akong hilahin.

He kissed me. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Hindi ako kumibo o gumanti pero kalaunan ay nadala ako sa banayad na galaw ng kanyang labi. 

Hindi mapusok ang mga galaw niya. 

Our body collided. 

"Jana, damn your tight baby" 

Halos matulak ko si Levi sa sinabi niya. Nangilid ang luha ko ng makilala kung sino ang binanggit niya.

Jana his ex-girlfriend. Napatakip ako ng bibig upang pigilan ang hikbi. Parang hinampas ako ng bote sa ulo. Ako ung nandito peri ibang tao ang nasa isip niya.

I'm making love to my husband but his saying her ex-girlfriend's name. 

It's hurt. So bad.

Inayos ko sarili sa loob ng banyo. Pagkalabas ay tumingin ako sa asawang payapang natutulog na. Maingat akong lumapit sa kanya at sumampa sa higaan. Walang imik ko siyang pinagmamasdan. Nakapa himbing ng tulog niya at napakaamo ng muka niya. 

Pinadaan ko sa kanyang buhok ang daliri ko. 

"I'm sorry Levi, alam kung sawang sawa kana sa sorry ko pero ito nalang ang masasabi ko lahat ng naging pagkukulang ko sayo bilang asawa mo" hinaplos ko ang kanyang pisngi na may mumunting balbas. Mukang hindi na niya nagagawang asikasuhin ang sarili. 

"Sorry kung nagawa ko un, Mahal na mahal kasi kita Levi,noong mga panahong un natakot ako na baka hindi ko kayanin, bagong kasal palang tayo at gusto pa kitang makasama ng mas matagal Levi" pinunasan ko ang luhang tumulo sa kanyang noo mula sa akin.

"Napaka selfish ko dahil nagawa kung putulin ang buhay ng anak natin, hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan noong mga araw na un Levi, you didn't see my pain because you're in pain too, we mourned for our child in different ways"

"Alam ko kung saan mo hinuhugot ang galit at hinanakit mo sa akin at tanggap ko un Levi, tanggap ko un"

"Kung bibigyan man ako ng panginoon ng ikalawang pagkakataon na magkaanak muli ay buong puso kung tatangapin, just to make you happy Levi, dahil hindi ko na kayang makita kang ganito ka araw araw" 

"Kahit hindi ko kaya pipilitin ko Levi, Because I wanted to give you my greatest gift before I go" 

Humalik ako sa kanyang noo bago umalis ng silid. Nagtungo ako sa kwarto at doon buhos lahat ng sakit sa dibdib ko. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ay hindi ko namalayang unti unti na akong hinihila ng anatok.

KINABUKASAN.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas" katok ni Nelly.

Inayos ko ang sarili bago lumabas ng kwarto at bumaba ng sala.

"Bakit hindi mo pinapasok Nelly?"

"Ay ma'am huwag na daw po at sumaglit lang siya dito para kausapin kayo" 

Tumango ako bago lumabas ng bahay. Sa may veranda nakita kung nakatayo ang pamilyar na kurba. 

"Yza" tawag ko sa babae. Na agad namang humarap sa akin. Parang sobrang laki ng pinagbago niya. Parang may kakaiba sa kanya.

"Via!?" May pag-aalala siyang lumapit saakin. "Anong nangyari sa muka mo? It's swollen" maingat niyang hinaplos ang panga ko. 

Siguro ay nagmarka ang kamay ni Levi doon.

"Wala, bakit ka nga pala narito? Tulog pa si Levi dahil sa hangover" mapait kung bigkas.

Umiling siya. "Hindi naman si Levi ang pinunta ko dito kundi ikaw" 

Naupo kami sa harap ng pabilog na mesa. Saglit kaming natahimik at nagpalagayan sa isa't isa.

"I'm here to say sorry Via, sorry kung pumayag ako sa plano ng asawa mo, and we're not into intimate relationship" panimula niya na siyang ikina gulat ko.

"Anong ibig mong sabihin Yza?" 

"Wala akong choice noong mga panahong un Via, he offered me a deal-- magpapangap siyang kabit ko at ganon din ako sa kanya, oo alam kung napaka gago ng asawa mo pero noong malaman ko ang rason niya nagalit din ako sayo Via, and I'm sorry for that I know you have a deep reason why did you did it at un ang mali ko kasi hindi ko manlang nagawang tanungin ka dahil sa problema ko" 

Nakita ko kung gaano siya ka sincere sa mga binitawan niyang salita. Nanatili akong tahimik upang pakinggan siya.

"Kasal narin ako Via, isang pilit na kasal, isang kasal na hindi ko ginusto kaya noong sinabi ni Levi ang plano niya pumayag ako sa nagbabaka sakaling pakawalan na ako ng asawa ko at pabayaan nalang, at si Levi naman he wanted to get his revenge by hurting you using me dahil alam niyang malapit tayong magkaibigan" 

"Napaka walang kwenta kung kaibigan Via dahil hindi manlang kita inisip, I'm sorry I'm too selfish" 

Parang bombang sumabog lahat ng sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Doon palang sa sinabi mong wala kayong relasyon ni Levi napatawad na kita Yza, and your not selfish ginawa mo lang kung ano sa tingin mo ang tama, tukad ng ginawa ko ng ipaabort ko ang anak namin" 

She's my best friend at tulad ko mahirap din ang pinagdadaanan niya ngayon. Alam ko un, ramdam ko un.

Taste Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon