Love has different taste, sweetness and bitterness.
Via's P.O.V
HINDI paman ako tuluyang nakakapasok ng bahay ay natatanaw ko na ang pamilyar na sasakyan. Hindi ito sasakyan ng asawa ko. Pagmamay-ari ito ng isang ahas.
A walking snake.
Pinatakbo ko ang kotse papasok ng gate. Mabilis akong bumaba sa sasakyan at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Tahimik ito at tila walang kahinahinala. Parang walang ahas sa loob kasama ang asawa ko.
Tanging lagutok ng high heels ko ang namamayani sa katahimikan. Umakyat ako sa kahoy na hagdan habang ingat na ingat upang hindi makatunog ang dalawa.
Habang unti unti akong lumalapit sa pinto nang kwarto namin ni Levi ay unti unti ring lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Matagal ko ng alam na nambabae siya at matagal ko ng alam kung sino ang babae niya. Pero kahit na ganon ay hindi ko parin magawang hindi masaktan.
Pinihit ko ang doorknob. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Wala paman akong nakikita sumisikip na ang dibdib ko. Parang hindi ko yata kakayanin kung ano man ang masasaksihan ko sa likod ng pintong ito.
Sumiwang ang pinto ng dahan dahan ko itong itulak. Tumama sa muka ko ang liwanag mula sa loob.
"Your wife isn't here?" malamyos na tanong ni Yza kay Levi. Nakita ko kung paano pumulupot ang kanyang braso sa katawan ng asawa ko.
"Yeah,nasa trabaho ang walang kwenta kung asawa" madiin na bigkas ni Levi na halos ikahulog ko sa sahig.
Mula sa maliit na siwang ng pinto. Kita ko kung paano niya harapin si Yza ng may ngiti sa labi. Ung ngiting matagal ko ng gustong masilayan. Ung ngiting gusto ko ako ang dahilan.
Nanghihina ang mga tuhod kung umatras. Napapikit at napakapit ako ng mahigpit sa doorknob ng biglang kumirot ang dibdib ko. Gusto kung maiyak, gusto kung sumigaw sa mga oras na ito. Kasi sobrang sakit.
Muli akong tumingin sa dalawa. At hindi ko na kinaya ang sunod kung nasaksihan.
They're kissing. My husband and my best friend were kissing without knowing I was here watching them.
Masakit sobrang sakit. Pero wala akong magagawa this is all my fault. Kasalanan ko kung bakit nagawa niya akong pagtaksilan. Kasalanan ko kung bakit siya maghanap ng iba.
It's all because I couldn't carry his child. Pero mahal ko siya. And I don't want to leave him. Kaya hindi ko magawang bumuhay ng bata sa sinapupunan ko.
I closed the door and walked away. Kung dyan siya masaya hindi ko siya pipigilan. Mahal ko siya higit pa sa sarili ko at hindi ko siya susumbatan dahil alam ko sa sarili ko kasalanan ko ang lahat.
Bumaba ako sa kusina upang uminom ng tubig dahil nahihirapan na akong huminga. I tried to relax myself. Sinubukan kung isipin na wala akong nakita. Na hindi siya nagtataksil sa akin ngayon.
Sa kabilang kwarto ako tumuloy. Mabuti nalang at may mga gamit ako rito. Dahil madalas akong dito natutulog kapag nag-aaway kami ni Levi. He always lock our room when we had a fight. Kaya naman dito naku ako namamalagi pag ganon dahil tumatagal ng halos mahigit isang linggo at buwan ang away namin.
"That was real quick Levi but I enjoyed it" ang malamyos na tinig ni Yza.
Walang imik kung pinapanood ang dalawang pababa ng hagdan. Parehong may ngiti sa mga labi. Halatang nagustuhan nila kung ano mang kahayupan ang ginawa nila. Ramdam ko ang kirot sa puso ko. Tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Levi kay Yza ay para akong sinasaksak.
That's should be me.
Ako dapat ang nginingitian niya ng ganon. Dapat ako ung nakakulong sa mga bisig niya. Dapat ako ung masaya sa piling niya at hindi si Yza.
Because I'm his wife.
Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang umagos. Ayokong ipakita o ipaalam sa kanila na alam ko ang pinag gagagawa nila sa likod ko. Natatakot akong baka bigla nalang akong iwan ni Levi. Mas lalong hindi ko un makakaya.
He's my life. He's the reason why I'm still breathing.
"Yza nandito ka pala?" pinilit kung pasiglahin ang boses habang nakangiti sa dalawa.
Sabay silang napatingin sa akin na parang wala Lang. Na parang hindi nila ako ginagago sa loob ng pamamahay ko.
"Yes Via, so how's your day?" makurbang naglakad si Yza palapit sa akin.
She kissed my cheek.
"Fine how about you Yza, matagal tagal din simula noong huli nating pagkitkita"
Kung noon normal lang ito para sa aming dalawa. Ngayon ay pakitang tao nalang. Plastican.
"Ikaw ung bagong secretary ni Levi?" mahigpit kung hinawakan ang laylayan ng damit ko sa ilalim ng mesa.
"Yes, actually kakasimula ko palang ngayon" sagot niya sabay tingin kay Levi.
The way she lay her eyes on my husband's direction is seductive. Pati narin ang pagalaw ng pula niyang labi at halatang nabura ang ilang tinta.
Sumulyap ako sa asawa na walang imik sa dulo ng lamesa. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon. Na kahit labag sa loob ko ay wala na akong nagawa.
"Hurry up Yza I'll bring you home after this" sinabi niya ito habang directang nakatingin kay Yza.
They both smiled.
"Thanks Levi, you're the best boss ever"
Gusto kung sumigaw na nandito ako. Na naririnig ko ang landian nila. Na alam ko ang kagaguhan nila. But I can't. Hindi ko kaya.
"Tapos na ako, maiwan ko nalang mo na kayo rito may titignan lang ako sa taas" mahinahong paalam ko sa dalawa. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at nagmadali ng umakyat sa taas.
Pumasok ako sa bakanteng kwarto at agad itong isinara. The moment I closed the door I already fall into my knees. Hindi ko na kaya pang pigilan ang sakit na nararamdaman. Gusto kung ilabas ang mga ito para mabawasan manlang ang nakadagan sa dibdib ko.
Umiyak ako ng umiyak dahil un lang naman ang kaya kung gawin. Handa akong magbulag bulagan huwag niya lang akong iwan. Handa akong masaktan huwag lang siyang mawala sa akin.
He's my everything and I can't afford to lose him. Mahal na Mahal ko siya dahilan kung bakit ayaw kung mawala sa mundong ito kahit kapalit ay hindi ko magawang bumuhay ng sanggol para sa kanya.
I'm selfish because of my undying love for him.
BINABASA MO ANG
Taste Of Love
Romance"Anong paguusapan natin Via?" Malamig na tinig ni Levi pagkalabas ng balcony. I face him with teary eyes. "Anong ginagawa ng ex-girlfriend mo dito?" sa basag ang boses. Bumuntong hininga siya bago ako harapin. "From now on she's staying with us" he...