CHAPTER 5

5.4K 93 0
                                    

PAGLIPAS ng isang buwan ay simula na ng pasukan. Tahimik kung pinagmamasdan ang mga studyanteng busy sa pagsusulat. Isa akong guro sa pribadong paaralan. Elementarya ang tinuturuan ko. 

"Ma'am Via bakit po parang namumutla kayo? Ayos lang po ba kayo?" tabong ng isa sa mga babae kung mag-aaral ng makalapit sa akin para magpasa ng papel.

"Medyo masama lang pakiramdam ko Lyna, pero ayos lang ako" ngumiti ako sa kanya.

"Dalhin kana po namin sa clinic ma'am" suhestyon ng isa sa mga lalaking mag-aaral.

Umiling ako at natawa. Napaka sweet ng advisory class ko. 

"Ayos lang ako, sige na magfocus na kayo sa sinasagutan niyo"

Noon paman guro na ang naging pangarap ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako magkakaanak. At kahit sa pagiging guro manalang maramdaman ko ang pagiging ina. 

Tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang oras ng klase. Isa isang nagpaalam ang mga studyante ko habang palabas ng classroom. Agad din naman akong sumunod pagkatapos kung ayusin ang gamit ko.

Lumabas ako ng classroom at derederetsong nagtungo sa faculty room. Ngunit hindi paman ako tuluyang nakakapasok ay bigla nalang akong nawalan ng balanse. Napakapit ako sa pinto. 

"Ma'am Via ayos kalang ba?" Dinig kung tanong ng isa sa mga guro. 

Hindi na ako makadagot ng unti unting umikot ang paningin ko. Hindi ko naalam ang nangyayari.






NAGISING ako ng maramdaman ang paligid. Nagmulat ako ng mata kung saan sinalubong ako ng puting kisame. Sobrang liwanag ng paligid dahil sa sinag ng araw na tumatama sa glass window sa kanang bahagi ko.

"Tawagin niyo si Doc. gising na si ma'am Via" 

Tumingin ako sa may ari ng boses. Nakita ko ang co-teacher kung si Isa sa may gilid. Lumapit siya sa akin at naupo sa may monoblack sa gilid ng higaan ko. "Kamusta na ang pakiramdam mo Via? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong niya.

"Ayos lang ako Isa, salamat nga pala sa pababantay sakin" 

"Naku Wala un,alam mo namang tayo ang pinakaclose sa school at saka mukang busy ung asawa mo at hindi namin ma contact kanina para Sana iinform na nandito ka sa ospital, pero huwag kang mag-alala tumawagan namin ung kasambahay niyo para ipaalam baka maya maya ay pupunta na dito un" 

Pumasok ang doctor kaya tumayo si Isa at tumabi upang makalapit sa akin ang doctor.

"Ano pong kalagayan ko doc.?" Nag-alala kung tanong. 

Ngumiti siya kaya parang nakahinga ako ng maayos. Mukang hindi naman ganon kalala ang sakit ko.

"Congratulations Mrs. Smith you're 2 weeks pregnant" Masaya ang pagkakasabi ng doctor pero parang nabingi ako. 

Buntis ako. Napaluha ako ng may ngiti sa labi.

"Ma'am ako napo ang magbubuhat niyan" kinuha ni Nelly ang bitbit ko.

"Nelly" tawag ko sa kanya.

"Bakit po ma'am Via? May masakit po ba sa into?"

"Wala gusto kulang sanang sabihin na, pwede mo bang huwag na huwag mo munang babangitin sa Sir mo ang tungkol sa pagbubuntis ko" Nagulat pa siya sa sinabi ko pero agad ding ngumiti.

"Ay alam ko nayan isusurprise niyo si Sir?" pumalakpak pa siya habang sinabi ito. Ngumiti lang ako bilang sagot. 

Pumasok kami sa loob ng bahay. Hindi ko nadatnan ang kotse ni Levi sa labas kaya malamang ay hindi pa siya umuuwi galing sa trabaho. Umakyat ako ng hagdan ngunit napatigil sa tapat ng master bedroom. Nakasiwang ito at hindi maayos ang pagkakasara. 

Hindi ko na alam kung ilang buwan na akong hindi nakakapasok sa kwarto naming mag-asawa. Simula kasi ng mangyari ang lahat ay hindi na kami tabing matulog.

Dahan dahan kung binuksan ang pinto. Sinalubong ako ng pamilyar na ayos ng silid. Ganon parin ito simula noong huli kung punta dito.  Naglakad ako palapit sa mga larawang nakalagay sa may lamesa sa gilid ng higaan. 

Masaya ako dahil hanggang ngayon ay nandito parin ang mga larawan namin. Napadpad ang tingin ko sa malaking picture frame sa taas ng higaan. It's our wedding picture. Nakangiti kami sa isa't isa. Makikita sa kinang ng mga mata namin ang pagmamahal sa isa't isa. 

Napukaw din ng attention ko ang litrato namin noong highschool palang kami. Gusto kung balikan ung una naming pagkikita. 

Kalalabas ko lang ng drama club dahil katatapos ng practice namin para sa gaganaping role-play. Hapon na at medyo madilim na sa labas. 

"Sabay kana sa amin Via" alok sakin ng isa sa mga kaklse ko. 

"Huwag na susunduin daw ako ni daddy" 

"Ganon ba oh siya sige Mauna na kami" kasabay non ay ang pag andar ng SUV nila palabas ng school. 

At sakto ring nakatangap ako ng text galing kay daddy. Sinabi niyang hindi niya ako masusundo dahil may urgent meeting siya kaya mag taxi nalang daw ako. Busangot akong lumabas ng school. Naglakad hanggang sa waiting shed kung saan pwedeng maghintay ng masasakyan. 

Mula sa kinatatayuan ko ay nakarinig ako ng tila nag aaway sa may gilid. Hindi ko makita ang mga ito dahil natatakpan ng pader. Parang biglang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at naglakad patungo roon.

Napatakip ako ng labi sa nasaksihan. Isang lalaki ang pinagtutulungan ng isang grupo din ng kalalakihan. Lumalaban siya pero dehado siya dahil 1 vs. 5 ang labanan. 

"Stop it!" Buong tapang kung sigaw para pigilan ang ginagawa nila. 

Sabay sabay silang napatingin sa akin at Kita ko ang takot sa mga mata ng limang lalaki. 

"Tara sibat na anak yan ng police" sigaw ng leader nila at agad naman silang nagtatakbo palayo. 

Tumakbo ako palapit sa kinaroroonan ng lalaki. Nakasandal na siya sa pader habang iniinda ang mga sugat at pasang natamo. 

"Ayos kalang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. 

"You shouldn't do that kaya ko naman sila and besides baka ikaw pa ang mapag initan ng mga un" masungit niyang aniya. Hindi manlang nagpasalamat sa ginawa ko. 

"Pwede bang mag thank you kana Lang!" Bulyaw ko dahilan upang mapatingin siya sa akin. 

Bumuntong hininga siya bago ibuka ang labi.

"Fine thanks to you" saka paika ikang tumayo at naglakad palayo sa akin. 

Simula noong araw nayun madalas ko na siyang nakikita sa labas ng school. Minsan ay nakakasabay ko rin sa paghihintay sa waiting shed. 

Taste Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon