CHAPTER 8

6.8K 105 7
                                    

Third Person's P.O.V

"JANA" tawag ni Levi sa babaeng kalalabas lamang ng hospital. May dala itong folder at bag sa kabilang kamay.

"Levi, I'm sorry about what happened I failed nalaman ng asawa mo ang totoo" lapit niya rito na naka sandal sa kanyang sasakyan.

"It's okay mabuti na siguro un, btw how's your check up?"

"Ayos lang, my baby is healthy" saglit silang natahimik bago muling nagsalita si Jana. "Mag reresign na ako bilang personal nurse mo Levi, I already send my resignation letter kanina lang"

Tumingin si Levi kay Jana at ngumiti. "You're decided now? Iiwan mo na talaga ang asawa mo for the better?"

"Yeah, hindi na kami nakakabuti sa isa't isa-- sometimes we need to break, to grow" humarap siya kay Levi. Hinuli nito ang malungkot at malalim nitong mga mata. "How about you Levi? Kailan mo sasabihin sa asawa mo ang totoo, I can see na mahal na mahal niyo ang isa't isa na parehas kayong nasasaktan sa nagyayari-- hindi ito ang tamang paraan to let her go you're hurting her, you're hurting yourself"

Umiling si Levi. "I can't Jana, hindi ko kaya, I was hurt the moment she aborted our child"

"Levi wake up, bilang na ang mga araw mo! Alam mo sa sarili mo na hindi ang pagpapa-abort niya sa anak niyo ang dahilan matagal mo na siyang napatawad sa puso mo--Why don't you just tell your wife na may taning na ang buhay mo?"

Maski siya ay naiyak narin ng makitang naglandas ang luha sa mata ng kaibigan. Ni Levi. Bilang matalik na kaibigan lang ang relasyon nila bukod sa personal nurse siya nito.

"Napaka tanga ko Jana, I wasted my time to be with my wife sa mga natitirang araw ng buhay ko, sinayang ko un sa pag-aakalang iiwan niya ako pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya, but I was wrong dahil napakabuti niyang asawa maybe it was one of the main reason why I can't let her go that easily, takot akong iwan siya--except the fact that I love her more than anything else, more than myself and my life"

Parehas silang napahagulhul. Levi kneeled down because of pain and devastation he's feeling right now. Sinuntok niya ang kanyang dibdib habang paulit ulit na sinabing wala siyang kwentang asawa.

"She doesn't deserve someone like me"

"My wife doesn't deserve a husband like me"

"Tama na Levi!, Sinasaktan mo lang ang sarili--pls stand up and go home, tell your wife everything bago pa mahuli ang lahat"

"You're right Jana"









UMUWI si Levi ng bahay ng hindi nadatnan si Via. Hinalughog niya ang buong kabahayan ngunit wala doon ang asawa maski ang kanilang kasambahay. Napaupo siya sa sobrang pag-iisip.

"Am I late? Iniwan naba ako ng asawa ko?" Wala sa sariling tanong niya sa sarili habang nakatulala sa kawalan.

Hinanap ng kanyang tingin ang huling  parte ng bahay kung saan niya iniwan ang asawa. Sa pagdapo ng kanyang mata ay tila nawalan siya ng lakas. He stop breathing for a second ng makita ang lamat ng dugo sa puting sahig.

"Via" nanginig ang buo niyang katawan.

Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at agad denial ang numero ng asawa. It rings to many times bago ito nasagot sa kabilang linya.

"H-llo Sir" basag na sagot ng kanilang kasambahay.

"Nelly where are you! Tell my wife is safe--please Nelly"

"Sir mabuti pa pumunta nalang kayo dito sa hospital, nasa emergency room po si ma'am Via" then the call ended. Pero tulala parin si Levi. Dumulas sa kamay nito ang cellphone.

Tumakbo siya palabas ng bahay at mabilis na pinaandar ang sasakyan palayo. Nakipag patintero siya sa daaan sa sobrang bilis nitong magmaneho. He doesn't care about the traffic lights. Dere deretso siyang nagpatakbo hanggang sa marating ang hospital.

Agad siyang pumasok ng hospital at tinungo ang emergency room. Mula sa malayo niya ang dalawang taong naghihintay sa labas nito.

"What hap--"

Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay dumapo na ang kamao ni Kyle sa kanyang pisngi.

"Hayop ka! Kapag may nagyaring masama kay Via at sa sanggol na dinadala niya mapapatay kitang gago ka!" galit na galit itong pumaibabaw kay Levi.

Hindi alam ni Nelly ang gagawin ngunit agad siyang tumawag ng lalaking nurse upang pigilan sila.

Samantala tila nawala sa realidad si Levi ng marinig ang sinabi ni Kyle. Via is pregnant? Masaya at malungkot niyang sambit. Hindi niya maintindihan ang kanyang emotion.

"Doc. Tama na po," awat ng ilan kay Kyle. Agad naman silang pinaghiwalay.

Kasunod nito ay ang pagbukas ng emergency room. Magkasunod na lumabas ang doctor na babae at isang nurse. "The patient's family"

Lumapit si Kyle sa mga ito. At ganon narin siya kahit naghihina ang buong katawan nito.

"I'm her husband" bakas ang takot sa boses ni Levi.

Saglit na nagkatinginan ang dalawang doctor. Tumango ang Isa sa kanila. Bakas ang pagkalungkot sa muka ng mga ito. "I'm sorry Mr. Smith, ginawa nanamin ang lahat but your wife and child didn't survive, your wife's heartbeat stopped in the middle of the operation"

"No please huwag ang mag-ina ko" nawalan ng lakas si Levi habang nakahawak sa kanyang ulo. Pakiramdam nito ay mabibiyak ito.

He felt a severe pain. He lost his vision at unti unting nawawalan ng malay sa paligid. Dinig niya pa ang pagtawag sa kanyang pangalan ngunit tila palayo nalang ito ng palayo.

'I already lost my wife and child, Wala narin akong rason upang mabuhay pa, they're my life and strength without them I'm lifeless'

The last thing on his mind before everything went black.

Taste Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon