UMUWI ako ng bahay kinabukasan. Hindi ko na nadatnan si Levi sa bahay at tanging si Jana ang narito. Paakyat na sana ako. But I stopped when Jana called me. Lumabas siya mula sa kusina palapit sa akin.
"Can we talk for a while Via?" tila nahihiyang sambit niya.
Pagod man ay nagawa ko paring tumango. "Sure" nauna akong naglakad sa kanya patungo ng sala upang doon magusap.
"I know you love Levi so much Via, and I can see it" panimula niya. Nanatili akong walang imik at hayaan siyang magsalita. "Pero bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan mo siyang gawin ang lahat ng ito sayo"
Ngumiti lamang ako sa sinabi niya. "Kapag mahal mo ang isang tao lahat kaya mong tiisin"
Umiling siya. "Your love is too much Via, to the point na wala kanang itinira para sa sarili mo"
"Ganon talaga ang pagmamahal Jana" mahinang turan ko. Saglit kaming binalot ng katahimikan.
"Totoo nga talaga ang sabi nila na napaka complicado ng pag-ibig" she broke the silence.
Saglit akong tumitig sa kawalan bago magsalita. "Love has different taste, a taste of sweetness and bitterness" tumingin ako sa kanya. "Nasasayo yan kung papaano mo ibabalance"
"Tama ka Via, but sometimes it's better to become tasteless kapag sobrang napapaso kana"
My phone rang. I looked at the caller and it's Kyle. "Excuse me, sasagutin kulang" paalam ko bago umalis upang sagutin ang tawag.
"Kyle bakit?"
"Naiwan mo ung ultrasound mo, ipinadala ko nalang dyan sa inyo"
"Oo nga pala, btw thanks"
"Wala un, ikaw pa malakas ka sakin e sige na may patients na ako tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka ha" then after that he ended the call.
Bumalik ako sa loob pero wala na sa sala si Jana. Umakyat nalang ako sa taas upang maligo at magpalit. Pagkatapos ay bumaba rin ako upang kunin ang ipinadala ni Kyle. I want to see my baby's ultrasound.
Masaya kung kinuha ang brown envelope. Papasok na sana ako ng bahay ng marinig ang boses ni Jana na tila nakikipag talo. Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa likod bahay.
"Tigilan mo na ako Anthony! I don't care about your support anymore, because the moment na tinalikuran mo kami ng magiging anak natin wala kanang habol sa akin!"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang mga ito mula kay Jana. So Levi is not the father of his child. Niloloko niya ang asawa ko!
I waited until she finished the call. "Via" gulat niyang aniya ng Makita ako sa kanyang likuran.
"So you're using my husband? Niloloko mo lamang siya?" seryosong tanong ko sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I saw her tears. Agad niya itong pinahid bago muling tumingin sa akin. "I'm sorry Via, I didn't mean to use your husband nagipit lang ako ng panahong un"
"Pls leave Jana, bago ko pa makalimutang buntis ka" turo ko sa labas ng bahay. Tumango naman siya at agad pumasok sa loob upang kunin ang kanyang gamit.
She left the house. Pinanood ko siyang unti unting dalhin ng taxi palayo. Nakahinga ako ng maluwag. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nagkasalubong ko si Nelly na mukang kanina pa nakamasid sa akin.
"May problema ba Nelly?"
"Hindi naman sa nanghihimasok ma'am, pero bakit natitiis niyo ng ganito si Sir? Maganda kayo at mabait maraming ibang magkakagusto sa inyo ung mas aalangan at mamahalin kayo ng hindi sinasaktan"
"Nelly sa pagmamahal walang hindi nasasaktan always remember that" tanging sagot ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob.
"VIA!" nagising ako sa malakas na sigaw ni Levi. Halos magiba ang pinto sa kalampag niya. Agad akong bumangon sa higaan upang pagbuksan siya ng pinto.
"Levi bakit--"
"Where is Jana! Pinaalis mo ba siya" he grabbed my neck. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Levi n-nasasakal ako" pilit kung tinangal ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Ngunit mas lalo lamang niya itong idiniin.
"Kapag may nagyaring masama kay Jana, hindi ko alam ang magagawa ko sayo" tulak niya sa akin dahilan upang maupo ako sa sahig. Tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ko.
Buong lakas akong tumayo at hindi ininda ang pananakit ng tyan. "Aalis ka!?"
Lumingon siya sa akin ng matalim. "I'll find Jana"
Payak akong natawa. "Hahanapin mo parin ba siya kapag sinabi kung hindi mo anak ang ipinagbubuntis niya ha!" Humawak ako sa aking tyan ng muli itong kumirot dahil sa pagtaas ko ng boses.
"What are you saying btch! Pwede ba huwag mong igaya si Jana sayo because she's not a monster like you!" matigas niyang bigkas.
Napapikit ako sa pinaghalong kirot ng tyan at paninikip ng dibdib.
"Sa oras na tumapak ka sa kwarto ito--malaya kana, isipin mo na wala kanang asawang uuwian" sabi ko habang pinipigilang ipahalata ang hirap kung paghinga.
"You're a selfish btch Via, Jana needs me right now buntis siya!"
Buntis rin ako Levi at anak mo to! Halos gusto kung isigaw sa muka niya pero hindi ko magawa. Sawang sawa na akong ipaglaban ang karapatan ko sa kanya gayong ako naman talaga ang responsibelidad niya. Dahil ako ang asawa niya.
"Hahanapin ko siya" bigkas niya bago tuluyang isinara ang pinto. Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.
Hindi ko na kaya. Pagapang kung inabot ang cellphone sa aking higaan. Nanlalabo man nag paningin pilit ko parin hinanap ang pangalan ni Kyle.
"K-kyle" kapus hininga kung tawag sa pangalan niya. Dinig kung saglit siyang nagpaalam sa kausap.
"Via are you okay!?" Nang marinig ko ang nag-aalalang boses niya ay mas lalo akong naiyak.
"Ayokona Kyle--hindi ko na kaya, s-sobrang sakit na K-yle hirap na hirap na ako" dumaing ako ng muling kumirot at sumikip ang dibdib ko.
"Damn asan ang gago mong asawa!? Hold on pupunta ako dyan--pls Via don't close your eyes okay"
Gusto kung magsalita ngunit ng Makita ko ang pulang likodong umaagos sa aking binti ay tila tuluyan na akong nawalan ng lakas. Kumirot ang buong tyan ko. Tila may kung anong lalabas sa akin sa sobrang sakit.
"Please no!"
"Baby ko"
BINABASA MO ANG
Taste Of Love
Romance"Anong paguusapan natin Via?" Malamig na tinig ni Levi pagkalabas ng balcony. I face him with teary eyes. "Anong ginagawa ng ex-girlfriend mo dito?" sa basag ang boses. Bumuntong hininga siya bago ako harapin. "From now on she's staying with us" he...