Via's P.O.V
"MA'AM sa cemetery po ba ang punta niyo ni baby boy" tanong ni Nelly habang binibihisan si Kyle ang kaisa isa kung anak na lalaki. He's 3 years old now.
"Yup dadalawin namin si Levi" kinuha ko si Kyle sa kanya at maingat na inilagay sa stroller.
"Hindi niyo na po hihintayin si Sir nasa hospital pa daw po siya"
Ngumiti ako at umiling. "Sinabi ko na sa kanya na dadalaw kami ni baby Kyle kay Levi, baka susunod rin un"
"Ganon po ba, sige po ma'am mag-iingat kayo ni baby boy at magiging jowa pa yan nitong baby girl ko" turo niya sa umbok niyang tyan. Tumawa nalang ako sa kalokohan ni Nelly.
Umalis kami ng bahay at nagpahatid ng cemetery sa driver naming asawa ni Nelly. Mabilis naman kaming nakarating dahil hindi ganon katraffic ang daan.
Tumingin ako kay baby Kyle na mahimbing ang tulog sa kanyang stroller. Napangiti ako nang maisip kung kanino niya namana ang kanyang feature. Malakas talaga ang dugo ng isang un.
Tinulak ko ang stroller hanggang sa harap ng lapida ni Levi. Naupo ako sa harap nito upang magtirik ng kandila at iayos ang bulaklak.
"Kamusta kana dyan?I missed you and I love you" Pinahid ko ang luhang naglandas sa aking mga mata. Whenever I come here hindi ko mapigilang maging emotional. Hinaplos ko ang letrang nakaukit sa kanyang lapida.
"Malaki na si baby Kyle, big boy na siya sa susunod na mga taon kung nandito ka sana ay mayroon siyang makakalaro ng basketball paglaki niya"
Tumayo ako ngunit nanatili parin naka tingin sa lapida.
"Hon" yapos sa akin ng pamilyar na bisig.
Humarap ako kanya at ngumiti. "Kamusta ang check up mo?"
"Everything is good, I'm healthy how about you how's your heart? Wala kabang nararamdaman?" bakas sa kanyang muka ang pag-aalala.
Umiling ako kasabay ng pagpisil ko sa kanyang braso. "Ayos lang ako Hon, the operation is successful at tulad ng sabi ni doc wala na tayong problema as long as tanggap ng katawan ko"
I had a heart transplant years ago. Pero hanggang ngayon ay nag-aalala parin siya.
"Hey buddy how are you? daddy missed you so much, pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw---Siguro ay isa kanang munting anghel sa umaawit sa langit" biro niya. Hinaplos niya rin ang lapida tulad ng ginawa ko.
Ilang oras kaming nanatili sa cemetery bago napagpasyahang umuwi na. Mukang masama ang panahon ngayon dahil biglang dumilim ang langit.
Bago kami tuluyang makaalis ay muli kung sinulyapan ang lapida ni Levi.
In loving memory of Levine Smith Jr. Our second unborn child.
NOONG araw na un ay tumigil ang aking paghinga sa gitna ng operation.
But thanks to God for the second life he gave me.But unfortunately my child didn't survive. Kinailangan itong tangalin sa akin. And for the second time muli nanaman akong nawalan ng pag-asang maging ina.
Noong mga araw nalaman ko ang lahat. Ung kalagayan ni Levi- my husband. He has a brain tumor. He undergo a 50/50 surgery. At napakabuti ng panginoon dahil naging successful ang operation.
And now. Here he is, kasama ko at ng anak namin. I got pregnant and at last binigay na siya panginoon sa amin upang alagaan at mahalin.
"Levin son look at me" kiniliti ni Levi ang aming anak. Natawa nalang ako sa ginagawa niya. Kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mapatawa.
"Kyle smile kana kasi" haplos ko sa buhok ng aking anak.
I heard Levi 'tsked' napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Kunot noong tanong ko.
"Levin not Kyle" busangot niya. Na siyang ikinatawa ko.
"Bakit? Anong masama sa Kyle? Our son's name is Levine Kyler Smith" mapang-asar kung aniya.
"Why did you add Kyler on his name, I always remember that bastard hanggang ngayon hindi parin ako nakakaganti sa panununtok niya sa akin sa hospital"
Tumirik ang mata ko. "Hay naku Ewan ko sayo Levi it's been a years but still hindi mo pa nakakalimutan un" iling ko.
Nalaman ko rin ang ginawa ni Kyle sa kanya. Natatawa nalang ako tuwing magkasama sila. Para silang aso't pusa na hindi mapagisa sa iisang lugar.
"Btw that bastard sent me an invitation of his wedding, akalain mo un may pumatol sa tukmol na un" halakhak niya.
"Baka pareho lang kami nong girl mahilig sa medyo gago" aniya ko na siyang ikinatigil niya sa pagtawa.
"I'll take it as a positive one binibini ko" ngiti niya sabay abot ng kamay ko. He kissed the back of my hand.
"Ewan ko sayo ang corny mo, ginoo?" tulak ko sa noo niya at sabay kaming natawa.
Ngunit napatigil kami ng marinig ang munting hagikhik ng sanggol sa aming likuran. Nakita namin ang masungit na anak. He's laughing habang nasa amin ang kanyang tingin. Nagkatinginan kami ni Levi at parehong napangiti.
"Sa tingin mo naintindihan niya Tayo?" Tanong ni Levi.
"Maybe" kibit balikat ko at sabay kaming natawa.
BINABASA MO ANG
Taste Of Love
Romance"Anong paguusapan natin Via?" Malamig na tinig ni Levi pagkalabas ng balcony. I face him with teary eyes. "Anong ginagawa ng ex-girlfriend mo dito?" sa basag ang boses. Bumuntong hininga siya bago ako harapin. "From now on she's staying with us" he...